17. Bibe

7.3K 262 87
                                    

"Dad..." Tawag ni Kathryn sa asawa. Naramdaman ni Daniel ang bahagyang pagyugyog sakanya ng asawa. Pinigil niya ito sa pamamagitan ng paghigpit ng yakap sa asawa.

"Dad naman, e. Wake up." Sabi ni Kathryn pero hindi parin bumabangon si Daniel. Pakiramdam niya kasi ay pagod na pagod siya, pagod na pagod sa pagpapaligaya sa asawa. Hindi biro ang makalimang rounds.

Napilitan si Daniel na imulat ang mga mata ng marinig ang munting iyak ng asawa. Agad niyang hinawakan ang mukha nito at iniharap sakanya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya rito pero hindi siya nito sinagot at inirapan lamang siya nito. Ang arte ng buntis ko.

Hinawakan ni Daniel ang tiyan ng kanyang asawa, at niyakap itong mahigpit, "Nagugutom ba magina ko?" Malambing niyang tanong.

Naramdaman niya ang pagtango ni Kathryn. Napatingin si Daniel sa orasan. Alas dos pa lamang ng madaling araw at halos katutulog lang nila. Heto na naman tayo. Ganitong ganito si Kathryn nung ipinagbubuntis nito ang kanilang panganay. Lagi siyang ginigising nito pag madaling araw o di kaya ay sa gabing gabi para lang magpahanap ng gusto nitong kainin.

Nagbuntong hininga si Daniel at niyakap ang hubad na katawan ng asawa. Hinalikan nito ang sentido nito pababa sa mga labi.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya rito. Nahihirapan man siyang mahanap ang mga gusto nito ay sinisigurado niyang makakakain ito ng asawa.

Nakita niya ang pagnguso ni Kathryn, "Gusto ko ng strawberry taho."

Napatingin si Daniel sa asawa sa sinabi nito at nanlalaki ang mga mata. Saan siya makakahanap ng taho ngayong alas dos pa laman ng umaga? Pumikit siya at hinaplos ang braso ni Kathryn.

"Ma, wala pang nagbebenta ng taho. Saan ako makakahanap non?" Malambing na tanong niya dito. Kung minsanan kasi ay nagiiba din ang gusto ni Kathryn kapag sinabi niyang mahirap o wala talaga silang mapagkukunan. Pero madalas ay pinaninindigan nito ang gustong kainin.

"Gusto mo ba gawan na lang kita ng strawberry shake?" Tanong niya sa asawa. Nadismaya naman si Daniel ng makita ang pagiling ng asawa. Sumiksik ito sa dibdib niya at naiiyak na nagsalita.

"Eh, taho." Nagbuntong hininga si Daniel. Tumango siya at kumalas sa pagkakayakap ng asawa.

"Sige, taho." Nakita niya ang pagngiti ng asawa, at nang dahil doon ay paran handa siyang libutin ang nuong Quezon City maihanap lang ng taho ang asawa.

Tumayo siya upang magbihis, kinuha nito ang cellphone at ang kanyang wallet. Nilapitan ni Daniel ang asawa at hinalikan ito sa noo.

"Saglit lang ako." Tumango naman si Kathryn sakanya bilang sagot.

Nang makalabas si Daniel ay agad siyang nagtungo palabas ng kanilang subdivison, hindi naman kasi nakakapasok ang mga vendors sa loob ng subdivision nila, isang bagay na kinaiinisan niya dahil hindi siya makakain ng mga street foods na gusto niya, at mas lalong di siya pwedeng lumabas sa araw dahil dinudumog siya ng mga tao.

Nang makalabas ng subdivision ay tinungo niya ang guard hous upang magtanong kung may dumaan na ba, o may dumadaan bang nagbebenta ng taho ng ganitong oras. Hindi naman kasi siya mahilig sa taho kaya hindi niya alam kung may nagbebenta malapit sakanila o may dumadaan.

"Boss!" Pagtawag ni Daniel sa guwardiya.

"Oh, ser!" Sinaluduhan ng guwardiya si Daniel. Masasabi ni Daniel na close siya sa mga ito, pagkat ay tuwing pasko o kahit anong okasyon ay binibigyan niya ito ng regalo. At saka napakabait nito kaya naman ay tuwang tuwa siya dito.

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon