47. KATHNIEL

2.5K 67 7
                                    

Tuwang tuwa ang mag-asawa habang pinagmamasdan ang mga anak nila na nilalaro ang bagong anghel nila. Hindi nila inakala na kambal ang magiging anak nila, napagkasunduan kasi nilang magasawa na huwah na sundan ng check up dahil gusto nila maging surprise ang katangian nito. Pero hindi nila inakala na dalawang anghel ang ibibiyaya sakanila.

"Galing ko ba mahal? Isahang pasok lang yun."

"Siraulo." Napahigikhik silang dalawa.
Hindi akalain ni Kathryn na muli niya mararamdmaan ang ganitong klaseng kasiyahan. Sa loob ng sampung taon, ay hindi siya naging ganito kasaya.

Napakunot ang noo ni Kathryn ng marinig ang doorbell. Wala naman silang inaasahang bisita ngayon. Agad itong kumalas sa yakap ni Daniel at bumaba. Sinundan naman siya ng asawa.

Kumunot ang noo ni Kathryn ng makita ang isang taong hindi na niya gustong makita kahit kailan. Si Luz.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakalabas sa kulungan?"

"Mahal..." Naramdaman niya ang asawa sa tabi nito. Pinigilan niya ang nararamdamang galit.

"Nang binisita ako ni Karla ay nakiusap ako kung pwede ko kayong makausap..." Napalingon si Kathryn at doon niya nakita ang ama ni Daniel, tumango ito sakaniya.

"Sabihin mo na gusto mong sabihin, hindi ako nagpapapasok ng masamang tao sa pamamahay ko." Tahasan niyang sinabi dito.

Narmdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Daniel sa kaniyang braso.

"I'm sorry—"

"Okay. Makakaalis ka na." Putol niya rito.

"Kathryn..." Mahinang tawag ni Daniel. "Pagsalitaan mo na lang siya, mahal."

"Alam ko walang kapatawaran yung ginawa ko sainyong magasawa. Pero hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nasasabi sainyo how sorry I was for doing such things. Nabulag lang din ako sa takot, dimamay nila ang pamilya ko. Kaya I did what they asked me to do. Alam ko namang hindi niyo ko mapapatawad, pero gusto ko lang pumunta personally to say sorry. I'm sorry."

TAHIMIK lang si Kathryn habang pinagmamasdan ang kanilang kambal. Alas otso na ng gabi at tulog na ang kanilang mga anak.

Naramdaman niya ang pagyakap ng kaniyang asawa at pagsiksik nito sakniyang leeg. "Anong iniisip mo?"

"Marami."

"Gaya ng?"

Kumawala siya sa pagkakayakap ng asawa at hinarap ito, "Gaya ng kung bakit nandito tayo."

Agad na kumunot ang nuo ng asawa, tila hindi naiintindihan ang nais nitong sabihin. Hinawakan niya ang kamay ng asawa.

"Narealize ko lang na totoo pala yung kasabihan na, 'kung para sayo, para sayo.' I mean, sino magaakala na magkakabalikan pa tayo? Diba? Ten years, napakahabang taon na yon. Pero heto tayo tayo ngayon, may kambal na."

Ngumiti si Daniel at hinawakan ang kaniyang mga pisngi, "I always knew that you're the one. From the moment I laid my eyes on you, sa unang araw ng taping natin sa Growing up, alam ko na agad na natagpuan na kita. At kahit tadhana pa ang kumalaban sakin, I'll fight for you because you are meant to be a Ford. Akin ka lang."

Lumapit ang mukha ni Daniel sakaniya, agad niya itong sinalubong at nagsalo sa mainit na halik. Ng ibababa na ni Daniel ang halik nito sa dibdib niya ay agad umiyak ang isang kambal. 

"Wag daw muna sundan..."Ani niya at ibinaba ang damit na hindi niya napansing naibaba na ng asawa.

DALAWANG TAON na ang nakalipas at walang ibang naramdaman ang magsawa kundi saya sa loob ng mga taon na iyon. Nagsimula narin magaral ang kanilang nga anak, dati ay home schooled ito dahil sa gulo ng kanilang pamilya. Si Daniel ang nagpasya noon, at tinutulan niya ito. Gusto niyang maramdaman ng mga anak ang normal na buhay.

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon