2. Salamat

11.7K 217 1
                                    

"Daniel, kumusta?" Ani ni Tito Boy. Ngayon kasi itetape ang naudlot nitong interview dahil sa panganganak ng asawa. Tinignan niya si Tito Boy at agad na napangiti ng maalala ang kanyang mag-ina.

"Okay lang po. Napakasaya." Yun lamang ang naging sagot ni Daniel. Hindi alam ni Daniel kung paano niya isasalita ang saya at galak na nararamdaman. Parang hindi niya mahanap ang tamang salita para ipaliwanag ang kasiyahang nadarama ngayon sa pagdating ng kanilang munting anghel.

"Daniel, higit sa aming kaalaman na ang iyong asawa, si Kathryn, ay nanganak na noon nakaraang linggo, hindi ba? At nagkaroon ng blind item kung saan ikaw di umano ang tinutukoy sa nasabing balita, na may isang aktor na biglang umalis sa taping nang hindi nagpaalam at clearly, hindi ito tinanggap ng maganda ng iyong mga katrabaho, ano iyong pahayag tungkol dito?"

"Kagaya nga ng sinabi mo po tito boy, my wife gave birth last week. Tinawagan ako ni Tita Min at sinabi niyang nasa hospital si Kath, yun lang ang nasabi saakin so ako bilang ako'y isang asawa, I panicked. I got histerical kaya umalis ako bigla na hindi na ako nakapagpaalam o hindi na sumagi sa isip ko na magpaalam ka kasi I was in a hurry, I need to see my wife. I need to know what happened, and that's what matters to me the most that time, si Kathryn. Mag-ina ko."

Napangiti si Tito Boy at maging ang manonood sa naging sagot ni Daniel. Kahit kailan kasi kahit ng bata palang ito ay hindi na siya nakitaan ng pagiging sinungaling, sinasabi niya kung ano ang nasa utak at puso, ganoon siya katotoo sa lahat ng bagay, rason kung bakit hanggang ngayon na may asawa na siya ay hindi parin nawawala ang pagmamahal sakanya ng fans.

"Daniel, totoo ba ang balita na titigil ka sa pagaartista, kasi si Kathryn ay tumigil hindi ba? Pagkatapos ninyong magpakasal ay tumigil na siya sa pagarte, ano, ikaw rin ba ay titigil o ipagpapatuloy mo ito?"

Nang ikasal si Daniel at Kathryn at napagpasiyahan ni Kathryn na tumigil na sa pagaartista, ayaw pa ngang pumayag ni Daniel dahil pangarap iyon ng kanyang asawa ngunit napapayag siya sa mga sinabi ni Kathryn, "I'm an actress for more than a decades, gusto ko naman sa susunod na kabanata ng buhay ko ay asawa at ina na lang ako. Pangarap ko ang pagaartista, but I have fulfilled that dreams already, I want to be a wife and a mother now."

"Ah no, ipagpapatuloy ko parin ang pagaartista, pero hindi na muna ako tatanggap ng kahit anong proyekto ngayon, siguro after my son turns two, saka ako babalik sa paggawa ng mga teleserye at pelikula, sa ngayon tutok muna ako sa pamilya ko."

"Speaking of, how's the baby?"

Bumilis bigla ang puso ni Daniel. Kakaibang kasiyahan na naman ang kanyang nadama. Napangiti na lamang siya ng maalala ang mukha ng anak.

"He is super healthy, Tito boy. Ang gwapo, kamukha ko." Nagtawanan naman ang mga nanonood sa naging pahahag ni Daniel. Napalingon si Daniel sa screen ng ipakita ang asawa at ang anak nito.

"Hi Dad!" Ikinaway ni Kathryn ang kamay ng anak. "John misses you already. He keep on crying pag nagigising. Haha! Ang bata bata pilyo na agad!" Nagtwanan ang lahat sa pahayag ni Kathryn. They decided to call him John instead of Daniel. Nagulat si Daniel ng makita ang pagngiti ng anak, maging si Kathryn ay natigilan at pareho silang naiyak.

Tumingin si Kathryn sa kanya, "Mahal na mahal kita, Dad."
-

Matinding pagod ang naramdaman ni Daniel pagkauwi. Gabi na ng makarating ito sa bahay nila dahil sa trapiko, paguwi niya ay hinanap niya ang asawa at ang anak, nang hindi niya ito nakita sa sala ay agad na itong umakyat sa kwarto.

Isang natutulog na sanggol at magandang dilag ang nadatnan niya sa kama. Napangiti na lamang siya at pinicturan ang magina at saka ito ipinost sa instagram nilang dalawa ni Kathryn.

*picture*
bernardoford: Salamat sa may kapal para sa dalawa kong minamahal. ❤

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon