48. Dalaga

2.3K 40 0
                                    

Natatawang pinagmamasdan ni Kathryn ang kaniyang asawa, nasa Europe kasi sila para sa kanilang honeymoon. Alam ni Kathryn sa sarili na sinabi niya sa asawa na hindi na ito makakaulit. Pero hindi rin naman niya maitatanggi na masaya ang may malaking pamilya.

"Jaile! Sabi saakin ng kuya mo ay umuwi ka noong isang araw may dala kang bulaklak!" Inis na sabi ni Daniel sa anak. Napairap na lamang si Kathryn at hinayaan ang paguusap ng mag-ama.

"Eh, opo papa. Binigay po sakin ng kaibigan kong si Connor!" Masayang ani ng anak.

"Hindi ba sabi ni Papa wala munang tatanggap ng regalo from boys?"

"Eh pa, sabi niya kasi maganda daw ako kaya binigyan niya ko ng bulaklak."

"Ano? Nasaan ba ang kapatid mo pakiusap nga!" Iritadong sabi ni Daniel sa anak.

"John anong usapan natin? Hindi ba't sinabi ko na bantayan mo ang kapatid mo?"

"Pa, I have training I can't go with Jaile all the time-"

"Just please, anak. Keep Jaile away from those boys. Bata pa ang kapatid mo."

Narinig ni Kathryn ang pagbuntong hininga ng anak na lalaki, napailing na lamang siya sa usapan ng mag-ama.

"Yes Pa."

Mukhang natapos na ang tawag ng magasawa sakanilang mga anak. Agad niyang naramdaman ang prisensya ni Daniel, nasa loob kasi siya ng kwarto nila habang umabas sa veranda ang asawa.

Tinabihan siya nito at niyakap ang bewang, agad naman niyang hinaplos ang ulo nito. "Nililigawan na ang anak natin."

Napahigikhik siya sa lungkot ng boses ng asawa kaya ay nagangat ng tingin sakaniya habang nakakunot ang nuo nito.

"Anong nakakatawa? Ang bata bata pa ng anak mo!"

"Pa, hayaan mo na. Binigyan lang naman ng bulaklak yung anak natin. At dadating talaga yung time na may mabliligaw sakanya."

"Ayoko, kami lang ng mga kapatid niya ang lalaki sa buhay niya."

Sinapok ni Kathryn ang noo ng asawa, "OA! Hindi mo man lang hahayaan maligawan anak natin?"

Napagbuntong hininga si Daniel at malungkot na tumingin, "Hindi ko lang lubos maisip na yung nagiisang anak kong babae may ipapakilala saking nobyo..."

Hinawakan ni Kathryn ang kamay ng asawa, "Let's be thankful na open satin si Jaile. In that way makakasiguro din tayo kung anong klaseng lalaki yung mamahalin ng dalaga natin."

Saglit na tumahimik si Daniel at agad na ngumiti ng nakakaloko, napakunot ng noo si Kathryn dahil siguradong may iniisip na kalokohan ito.

"Tignan natin kung pumasa sakin."

bernardoford: bago ang oo ng aking baby, oo muna ni Daddy 😎 #AkinlangtoConnorfordkathryn: umakyat ka dito Daniel Ford! 😤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

bernardoford: bago ang oo ng aking baby, oo muna ni Daddy 😎 #AkinlangtoConnor
fordkathryn: umakyat ka dito Daniel Ford! 😤

YAKAP YAKAP ni Kathryn ang kanilang anak na si Jaile. Hindi kasi ito pinayagan ng ama na sumali sa pageant sa kanilang school. Hindi naman nagsalita si Kathryn habang nagpapaalam ng anak.

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon