23. Tatay

5.5K 201 30
                                    

Kausap ni Kathryn ang private investigator na ipinadala ni Min para makatulong sa pagpapahanap sa asawa. It's been One month ng makauwi siya pero wala paring bakas ni Daniel ang nagpaparamdam. Dahil sa gulong ginawa niya sa dati nilang home network ay kahit paano ay umaasa siyang malalaman ni Daniel na narito na siya at babalikan na siya nito.

Pero isang buwan na ang nakalipas, wala paring bumabalik sakanya.

Kaya nang inalok siya ng kanyang ina na kumuha na ng private investigator ay hindi na siya nagdalawang isip na pumayag. Kung walang Daniel ang babalik sakanya, may Kathryn na maghahanap.

Iuuwi ko siya sa pamilya niya, saakin, sa mga anak ko.

Nakapagdemanda narin ang kanyang ina, gusto niya sanang magalit dito dahil ay ginawa iyon ng ina nga hindi niya alam. Pero ipinagpaliban na lamang niya iyo. Tuluyan na ngang nawala sa isip niya ang pagdedemanda dahil sa paghahanap sa asawa, kaya hinayaan na lamang niya ang ina na ang gumawa ng bagay na iyon.

"Ms. Bernardo, ayon ho sa mga impormasyon na aming nalagap ay may nakakilala raw ho kay Mr. Ford sa isang secluded na lugar o isla." Agad bumilis ang tibok ng puso ni Kathryn sa narinig.

She was kind of expecting the same result, ang wala parin silang mahanap na kahit kaunting impormasyon. Pero hindi. Alam nila kung nasaan ang asawa.

"Hindi pa namin sigurado dahil hindi pa kami nagpupunta roon, at hindi rin kami nagagawi sa lugar na iyon dahil hindi ho talaga kilala ang lugar—rason kung bakit matagal bago siya mahanap."

"Pero kung gusto niyo naman ay pupunta kami—"

"Ako ang pupunta roon." Pagputol ni Kathryn sa sinasabi ng investigator. Nakita niya ang pagkunot ng noo ng kausap at magsasalita pa sana ng muli siyang magsalita, "Kung naroon nga ang asawa ko, mga mata ko ang gusto kong unang makakita sakanya. Ibigay mo na lamang saakin ang address at ako na ang pupunta roon."

Wala nang nagawa ang investigator sa sinabi ni Kathryn kundi ang tumango bilang pagsangayon sa gustong mangyari nito.

MAAGA pa lamang kinabukasan ay nakaalis na si Kathryn. If only she could do it last night, she would. Pero dahil sinabi ng imbestigador na imposible nilang mapuntahan ang lugar na iyon kung gabi dahil nga hindi ito masyadong kilala o alam ng mga tao.

The investigator suggested na sumama siya at kahit isang pulis man lang, gusto man niyang tumutol but the investigator has a point. Hindi nila alam ang lugar na iyon, better safe than sorry.

Habang bumabyahe sila papunta sa lugar ay hindi maiwasan ni Kathryn ang mapaisip.

Bakit doong lugar napadpad ang asawa niya? Paano kung nandoon nga ang asawa niya? Paano kung wala?

She doesn't want to be disappointed again and went home with nothing pero kung nandoon nga ang asawa niya, hindi niya alam ang mangyayari. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula kung makita niya ang asawa makalipas ng Sampung taon.

She felt her heart beating fast. She could hear the beating of her heart kahit na ag lakas na ng tugtog sa sinasakyan nila. The nervousness she's feeling is making her uncomfortable. Bigla ay ayaw niya na atang tumuloy. But she pushed that thought away. Kahit natatakot siya ay mas higit parin naman kagustuhang makita na ang asawa.

Takot siya dahil hindi niya alam kung anong magiging reaction ng asawa kapag nakita siya nito, magagalit ba ito? Masisiyahan? Hindi niya alam.

"Mam nandito na ho tayo." Napalingon si Kathryn nang tawagin siya ng isang kasama nila.

She literally stopped breathing for five seconds sa sinabi nito, "Ha?" Tanong niya.

"Nandito na ho tayo."

Naghigit ng hininga si Kathryn at tumingin sa paligid. Hindi niya napansin na nakarating na sila dahil sa lalim ng iniisp. She looked around the place, and it is indeed, secluded. Mapuno, magubat at iilan lamang ang mga tirahang makikita mo rito. Hindi pa ata lalagpas sa sampu ang nakikita niyang bahay, at magkakahiwalay pa iyon.

What kind of place is this?

Bumaba na si Kathryn ng muli siyang tawagin ng kasama. Kinakabahan siya habang naglalakad sila ng mga kasamahan. Napakatahimik ng lugar. Maririnig mo lang ang mga puno at huni ng ibon.

Tumigil sila sa paglalakad, kasabay nito ang pagsasalita ng kanyang mga kasama.

"Mam ayan na ho ang address na nalaman namin." Ani nito.

Tinitigan ni Kathryn ang bahay. It wasn't small. Pero hindi rin ito malako. Knowing her husband, hindi magmamatter ang hitsura ng bahay. She knows that Daniel is capable of living in there.

She knows Daniel is inside that house. She felt him. She knows...

Lumapit siya sa bahay at kumatok. Ilang sandali lang ang nakalipas ay bumukas ang pinto.

Napakunot ang noo niya, isang babae ang lumabas, matangkad ito ng kaunti sakanya, maputi, at maganda.

"Ano hong kailangan niyo?" Tanong ng babae sakanya habang nakangiti.

Hindi agad siya nakasagot. Biglang bumigat ang dibdib niya. Nakaramdam siya ng pagkadismaya ng hindi ang asawa niya ang kanyang nakita. Nagsimula ng magtubig ang kanyang mga mata. Nakita niyang nagbago ang ekspresyon ng babae, mula sa pagkakangiti ay parang nagalala ito.

Nilapitan siya nito at tinanong, "Okay ka lang ba?"

Ngumiti ng malungkot si Kathryn at tumango. "O-Oo. Ano pasensya na, mali lang siguro ako ng address na napuntahan."

Sabi niya sabay tumalikod. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at nagsimulang maglakad papalayo. Pero napatigil siya nang marinig ang pamilyar ng boses na iyon. Ang boses na ilang taon niyang hindi nadinig. Ang boses na hinahanap niya... Ang boses ng kanyang asawa.

"Luna, sino raw iyon?"

"Hindi ko alam e. Mali raw nang napuntahan na address."

"Ganon ba? Halika na't naghihintay na si Leen."

Napaharap si Kathryn nang hindi na niya marinig ang boses na iyon. At hindi niya na mapigilan ang maluha ng makita ang pigura ng asawa. Nang makapasok ito sa loob at ng akmang isasara ang pinto at di sinasadyang napatingin ito sakanya.

Nanlaki ang mata ni Kathryn ng magtama ang mata nilang dalawa. Nanlalabo man ang mata dahil sa mga luha ay klarong klaro sakanya ang mukha ng asawa.

Napahagulgol siya ng mapagtatong nasa harapan na niya ang asawa. Tinititigan siya nito. She stared at her husband, she noticed no changes but he growed his beard. His hair remained the same.

Lumapit siyang muli sa bahay pero napatigil siya nang may marinig na boses na palagay niya ay mula sa isang bata.

At napagtanto niyang bata ito ng yumakap ito sa mahahabang binti ni Daniel habang sinasabi niya ang mga katagang hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman.

"Tay halika na!"
-

Quota: 100+votes!

Thoughts? 😁

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon