16. Protector

6.9K 279 84
                                    

Muling pinunasan ni Kathryn ang kanyang mga mata ng tumulo na naman ang mga luha mula rito. She's badly missing her husband, ang isa o dalawang linggong sinabi nito ay umabot ng tatlong buwan, ang masaklap pa, he's not contacting her. She tried calling him, pero hindi pumapasok ang mga tawag niya. At kung minsan ay ang manager pa niya ang nakakasagot ng tawag.

Dahan dahan niyang inihiga ang kanyang anak sa crib nito, humiga siya sa kama at hinila papalapit sa kama ang crib ng anak upang kung umiyak man ito o may mangyari ay agad niya itong madadaluhan.

Hindi niya alam kung bakit hindi pa nakakauwi ang asawa, maging ang biyenan nitong si Karla ay hindi rin alam dahil hindi nito makausap si Luz. Kapag nakakausap naman ni Kathryn ang manager ng asawa ay agad nitong pinuputol ang tawag at ang tanging sinasabi lamang nito sakanya ay, "tatawagan ka na lang." Pero wala naman siyang natatanggap na balik tawag mula sa asawa o sa manager nito.

Nanikip ang kanyang dibdib sa ideyang baka hindi na siya uwian ng asawa. Ang sabi kasi nito ay hindi lalagpas sa dalawang linggo, pero tatlong buwan na at ni anino ng asawa ay hindi pa niya nakikita. Lagi naman niya itong napapanuod sa ASAP nitong mga nakaraang buwan, masaya ito, mukhang okay na, pero bakit hindi pa siya nito inuuwian? Nanikip ang dibdib ni Kathryn at umiling upang maialis sa isipan ang masamang ideyang iyon. Uuwi iyon, babalikan ako non.

Payo sakanya ng doctor na bawal siyang mastress, hindi naman maselan ang kanyang ikalawang pagbubuntis pero syempre ay kailangan parin niyang magingat. Dalawang buwan at kalahati na siyang buntis sa ikalawa nilang anak. Ng makaalis si Daniel ng bansa ay palagi siyang nakakaramdam ng hilo, akala pa nga ng ina at biyenan ay dahil pinababayaan nito ang sarili dahil sa away nilang magasawa.

Pero alam ni Kathryn na hindi ito tungkol doon. Inaalagaan niyang mabuti ang sarili dahil ayaw niyang uuwi ang asawa niya at madadatnan siyang hindi parin okay. Kaya nagpatingin na siya sa doctor ng hindi lang hilo ang kanyang nararamdaman kundi ay naging madalas narin ang kanyang pagsusuka.

Sobrang saya niya ng malamang buntis muli siya pero agad iyong napawi ng hindi niya macontact ang asawa para ihatid ang magandang balita, at hanggang ngayon na dalawang buwan at kalahati na siyang buntis ay hindi parin ito alam ng asawa.

She is only two and a half pregnant ngunit may kaunting bukol na ang kaniyang tiyan dahil sa kapayatan niya ay halatang halata ito. Ngumiti siya at agad na naisip na magpost sa social media, ang huling post niya rito ay ang magkayakap sila ni Daniel. Bago sila magaway, bago ang nangyari sa anak. Matagal na iyon, pakiramdam niya tuloy ay tigang na tigang in their fans term, ang kanilang tagahanga.

Wala naman kasi siyang maipost, mahahalata naman nila kung puro sila lang ng anak ang makikita sa instagram ng kanilang pamilya. Ayaw niya ng madagdagan pa ang pang huhusgang ginagawa ng mga tao sa asawa. Tumayo siya at nagtungo sakanilang full-length, hindi na niya itinaas ang damit dahil una, halata naman ang umbok ng kanyang tiyan dahil fitted ang kanyang suot at pangalawa, alam niyang hindi papayag ang asawa na makita ng iba ang kanyang katawan. Naaalala niya tuloy ang ginawa nitong paglagay ng buntot sakanyang larawan noong nagboracay sila at siyang naka bikini bottom lamang. Namula siya winaglit sa isipan ang alaalang iyon.

Kinuhanan niya ng larawan ang sarili habang hawak ang kaniyang tiyan, hindi na siya nagabala na iedit o pagandahin ito, her alone with a baby bump is already beautiful.

*picture: Kathryn with a baby bump.*
bernardoford: Miss ka na ng MGA anak mo, Supremo. #YesMga #IncomingParentsOfTwo #SanaGirl

And the moment that picture was posted, the KathNiel fans lost their chill and the word and hashtags Kathryn used already invade the trending list.

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon