40. FORD

5.9K 195 23
                                    

Daniel didn't say any word after he caught her hitting Leen, instead he grabbed her away from Leen and carried Leen on their way to the room. Pinatulog nadin niya ang kanyang mga anak, ayaw niyang marinig ang maaring away nila ni Daniel, it was hard sending her children off to sleep, lalo na si John na puno ng kyuryosidad ang tingin sa kanya.

It's been an hour pero wala pading lumalabas sa kwarto. Kinakabahan na si Kathryn. She knows she shouldn't have hit Leen, but the kid went overboard. She never hit her child with anything para lang matulak lang ng kung bata.

She waited five more minutes bago siya umakyat para silipin si Daniel. Nakita niya itong yakap yakap si Leen habang pinapatulog. Ayaw niya sanang istorbihi siya pero gusto niya na itong makausap, so she did.

"Daniel?" Tawag niya sa mahinang boses. Agad naman itong lumingon at dahan dahan itong tumayo at inilayo si Leen na mahimbing na nakayakap sakanya.

Nilagpasan siya nito at napabuntong hininga ma lamang niya. Alam na niya ang ibig sabihin nito. He's always been like that. Kapag galit ito o wala sa mood ay nilalagpasan siya nito kapag sinusubukan niya itong kausapin, rason nito ay dahil bayolente siya pag galit and he doesn't want to act violently at any cost. But because they've been together before, sanay na rin siya dito. Kaya ay sinundan niya ito at nakita niya ito sa kusina na naglalagay ng juice sa isang baso. Naramdaman ata nito ang kanyang prisensya kaya ay nagsalita ito.

"Leen told me everything. I'm sorry for what she has done to Jaile. But I don't think na kailangan mo siyang pisikalin." Tahimik lang nakinig si Kathryn.

"I'm not taking any sides. Mali lang talaga yung ginawa mo." Saglit na tumahimik si Daniel. Magsasalita na sana siya para basagin ang kay katahimikan pero ay agad itong nagsalita.

"Iuuwi ko na si Leen."

Nagulat siya sa sinabi nito at agad na lumapit kay Daniel. "Kasama ka?" May halong lungkot na tanong niya rito.

Tahimik na tumango si Daniel. "Hindi basta bastang bata si Leen. She has mental disorder. Hindi ko sinabi sayo kasi ayaw din ni Luna na ipaalam kung anong meron kay Leen. Nung napagdesisyon kong bumalik sainyo, nagwala si Leen, she didn't stop following me hanggang makalabas ako ng bahay, kaya muntik na siyang masagasaan noon. So I had to bring her with me."

Hinarap siya ni Daniel. "Kailangan ko na siyang iuwi. Kasi kailangan na ko ng mga anak ko dito, and I can't do that kung ganito na ang mangyayari."

Napatahimik si Kathryn sa mga narinig. Ang akala niya ay iiwan na naman sila ni Daniel at muling pinipili ang ampon nito. Nagsimula siyang maluha.

"Hey, why?" Alalang tanong ni Daniel ng makita ang namumuong luha mula sa mga mata niya. Umiling siya dito. At pinunasan ang mga mata niya.

"Uuwian mo naman kami diba?"

Bumitaw si Daniel sa pagkakahawak sakanya at napabuntong hininga.

"About that, gusto ko sanang sa Pilipinas manirahan..." Napakunot ang mga nuo ni Kathryn at agad na umiling.

Ayaw na niyang bumalik sa lugar kung saan sila nasira. Nang makita ni Daniel ang kanyang pagiling ay hinawakan siya nito sa mga kamay ay inilapat iyon sa mga pisngi niya.

"Kailangan na nilang makita ulit si Daniel. Sampung taon akong nawala sakanila, kailangan ko rin silang balikan." Napapikit si Kathryn at naalala ang sulat na ipinadala ni Karla.

Ayaw niyang umuwi. Ayaw niya.

Ngumiti siya dito at binitawan ang pagkakahawak ni Daniel.

"Ayoko." Pirming sabi niya dito bago siya umalis at tinalikuran ang asawa.

NAKATITIG lamang si Daniel sa larawan ng pamilya. He just recently learned that Magui got engaged. Isa pang rason bukod sa pagkakaulila sa pamilya kung bakit niya gustong umuwi. Magui and her fiancé has been together for eight years. At yun ang mga taon na wala siya.

Hindi man lang niya alam kung sino at anong klaseng tao ang mapapangasawa ni Magui. Hindi man niya ito nakilatis. Ang daming nawala sakanya nang iniwanan niya ang mundo niya.

All because of the pain.

Dahil lang sa sobra siyang nasaktan noon. At ngayon lang siya napapaisip na hindi lang si Kathryn ang nawala sakanya. He lost his family too. Gusto niya sanang mabawi din ang loob ng pamilya. Pero hindi niya iyon magagawa dahil ayaw din niyang iwanan ang pamilya niya rito.

Now that he got his Kathryn and his children back, he will not do anything that might risk losing them again.

Nagbuntong hininga na lamang siya at muling kinuha ang telepono. Gumawa siya muli ng panibagong acc, pero walang laman ang mga ito para sana ay hindi nila malaman na nakabalik na siya. At doon niya nakita na engaged na ang kapatid.

At habang inisstalk niya ang page ng kanyang ina, kung saan ay nakapublic ito ay agad itong napatayo sa nabasa.

Anak ni Karla Estarada na si Carmela isinugod sa hospital matapos mabangga, kondisyon ng dalaga 50-50

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon