4. Away mag-asawa

9.9K 197 12
                                    

"Kath! Magusap naman tayo ng maayos!" Napipika na si Daniel sa katigasan ng ulo ng asawa. May nagkalat kasi sa twitter na larawan niya at may hinahatid na babae. Fuck you Twitter! Kahit kailan ka talaga!

Napabuntong hininga na lamang siya ng humiga si Kathryn sa kama nila at nagtalukbong. Gusto man niyang sabihin kung sino ang babaeng inihatid para hindi na sila magaway ay pinigilan niya ang sarili. It will spoil everything, Daniel. Hanggang bukas na lang ito. Tiis muna.

Hinawakan niya ang braso nito pero nagulat siya ng hinawi ng asawa ang kanyang braso at malakas siyang sinampal bago tumayo.

"Ang kapal ng mukha mo! May asawa't anak ka na nambababae ka pa! How could you Daniel?! Pano mo nagawa saakin ito?!" Napanganga siya sa sinabi ng asawa. Nilapitan niya ito at niyakap.

"Hindi ko babae iyon, Kath, please naman." Sabi niya sa asawa pero nagpumiglas ito at ginwaran ulit siya ng isang malakas na sampal.

"Wag mo kong hawakan! Hindi mo babae? Ano yon? Naisipan mo lang na ihatid siya at talagang may bulaklak ka pang hawak! Bullshit. Kung gagawa ka ng palusot galingan mo naman!"

Napasabunot si Daniel sa sinabi ng asawa. Nasasaktan siya sa mga sinasabi nito. Pero hindi niya ininda ang sakit dahil kailangan nilang magkaayos.

Huminga siya ng malalim. "Hindi ko babae iyon. Wala akong iba. Kailangan lang niya ng tulong, Kath, tinulungan ko lang siya."

Ngumisi si Kathryn at itinulak siya, "Ang bait mo naman pala. Ganyan ka ba sa lahat ng babaeng makikita mo at nangangailangan ng tulong?"

Hindi pinansin ni Daniel ang kirot sa dibdib sa mga sinasabi ng asawa niya. Galit lang siya Daniel.

"Kakilala ko siya Kathryn, hindi ko lang siya nakita."

"Syempre kilala mo! Babae mo nga, e! Alam mo siguro nga tama yung mga haters, yung sinasabi nila na Padilla ka at hindi ka pwedeng maiba. Na kahit anong gawin sainyo, mambababae at mambabae kayo. Na kahit magpakasal na kayo't lahat, pag may dumating papatulan niyo. Kasi nasa dugo niyo e, ba't ko ba nakalimutang Padilla ka? Ba't ako nagpadala sayo?"

Hindi na kinaya ni Daniel ang mga sinabi ni Kathryn. Nagagalit siya at nasasaktan. Napangisi siya ng mapakla at tinignan ng malamig ang asawa.

"I can't believe you just said that." Ani ni Daniel.

Ngumisi si Kathryn, "And I can't believe na hinayaan ko pa ang sarili kong patawarin ka ng lokohin niyo ako ni Jasmine, edi sana hindi na ako ulit nasasaktan ngayon."

Napangiti ng mapakla at napayuko si Daniel. Matapos ang ilang taon ay akala niya ay tuluyan na niyang napagbayaran ang kasalanang iyon. Akala niya ay tuluyan na niyang nabawi ang tiwala ni Kathryn pero hindi pala. Akala lang pala niya lahat iyon.

Nagangat siya ng tingin at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya, "After all these years, akala ko okay na. Sana, sana Kath hindi ka na lang um-oo nung tanungin kita magpakasal kung hindi mo naman pala ako pagkakatiwalaan." Pinunasan niya ang luha saka nagpatuloy.

"Ang sakit na hanggang ngayon ang babaw ng tingin mo sakin, sa pagmamahal ko sayo, na kapag may nakita akong iba ipagpapalit na agad kita. Kulang pa ba na binigay ko sayo ang apelyido at pagkatao ko? Ano pa bang kailangan kong gawin para maniwala ka na mahal na mahal kita at hindi ko kayang lokohin ka?"

Pinunsana niya ang kanyang mga mata at iniwas ang tingin kay Kath. Kinuha niya ang wallet at kinuha ang calling card ng babaeng pinagaawayan nila. Inilapag niya iyon kasama ang kanyang cellphone sa kanilang kama at nagpatuloy sa pagsasalita.

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon