Chapter 1

14.9K 435 59
                                    

NATHALIE

NAPANGITI ako nang maayos kong naakyat ang isang puno na nakatayo hindi kalayuan sa isang abandonadong gusali. Wala na kasi akong makita na ibang magandang pwesto para masagawa ko ang misyon ko.

A mission. I climbed this tree not just because I am playing hide and seek nor I'm going to end my life by jumping from here. I climbed this tree for a mission... my mission.

Inilabas ko mula sa isang mahabang case ang sniper rifle ko. Pinadaan ko pa ang kamay ko dito para masiguradong makintab ito kapag ginamit ko. Ipinuwesto ko ito nang maayos at sumilip sa scope nito para masiguradong nasa perfect spot ako. Gumuhit naman sa aking mga labi ang isang ngiti nang matanaw ko nang malinaw mula rito ang loob ng abandonadong gusali kung saan gaganapin ang isang ilegal na transaksyon.

A perfect spot indeed.

Nang naging komportable na ako sa aking kinalalagyan ay inilagay ko na ang isang wireless earphone sa aking kanang tainga.


"Nightmare, I am now in position." I announced.

["Good. Listen Fear, in any minute now the target will arrive. Be ready."] She commanded using her calm but cold voice.

"I am ready Nightmare kanina pa nga eh, naiinip na nga ako dito." Kinailangan ko kasing unahan ang target ko sa lugar na ito para makahanap ako ng magandang pwesto at mapagplanuhan ng maayos kung ano ang gagawin.

["Okay remember to aim the bullet in his shoulder only. We need him alive."]

"Copy." Inayos ko ang pagkakalagay ng earpiece sa tainga ko at muli akong sumilip sa scope para tingnan ang status ng aming kliyente. Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog ng paparating na kotse.

["Fear they're coming."]

"Yeah, I see." Sabi ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa kararating lang na itim na kotse.

Ilang sandali lang ay bumaba na ang isang lalaki sa kotse niya kasama ang grupo niya at lumapit kay Mr. Anderson. Malinaw ko ring nakikita ang anak ni Mr. Anderson na umiiyak habang karga karga ng isa pang lalaki.

"Seems like the transaction has began." Mahinang sabi ko.

["Okay observe them first, you know when to shoot."] Seryosong aniya.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Mr. Anderson, I can see that he's afraid for his daughter's safety. Ilang araw na rin naman kasi niyang hindi nakita ang anak mula nang makidnap ito. Si Mr. Jayme Anderson ay isa sa mga makapangyarihang tao sa business world dito sa Pilipinas kaya naman ay hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong pangyayari. 

Nang tawagan siya ng mga kidnapper ay nanghingi ito ng 10 million kapalit ng kalayaan ng anak niya. Hindi rin siya makalapit sa mga pulis kaya sa isang secret organization siya humingi ng tulong kung saan ako nagtatrabaho —ang Sword Organization. And this is my mission for tonight. To secure Mr. Anderson and his daughter's safety and arrest these good for nothing scumbags.

Itinutok ko ang sniper sa lalaking nangunguna. Siya ang leader ng grupo kilala bilang Joker ng 5 cards gang. Alam ko ang mga patakaran ng G world kaya alam ko rin ang magiging parusa niya at ng mga ka-grupo niya sa oras na matapos ang gabing ito.

Nanginginig na ibinigay ni Mr. Anderson ang dalawang malalaking bag ng pera kay Joker. Inihanda ko naman ang aking sarili para tumira. Ang utos kasi ni Nightmare sa akin na 'pag nakuha na ni Mr. Anderson ang bata ay saka na ako manghihimasok.

Tiningnan muna nung Joker ang laman ng bag at nang makasigurado ay sinenyasan na niya ang lalaking may hawak ng bata. Ibinigay naman nung lalaki kay Mr. Anderson ang anak niya and that's the signal I'm waiting for. But before I fire, sisiguraduhin ko muna na out of reach na ng 5 cards gang si Mr. Anderson at ang anak niya.
Nang magsimula nang lumakad si Mr. Anderson palabas ng abandonadong gusali, ay kaagad din siyang napaurong nang tutukan siya ni Joker ng baril.

Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon