"Did we just heard our Gang's name?" Tanong ng isang lalaki.Hindi ako maaaring magkamali. Ang mga maskarang suot nila ay ang nasa pictures na ipinadala ni Nightmare sa akin.
Diretso silang naglakad hanggang sa makarating sila sa gitna ng battle field katapat ng White Devils gang.
"Nandito na sila White Devils Gang, ang gang na gusto niyong makaharap. Ang Cryptic Gang." Nagsimula na namang maghiyawan ang mga gangsters na nandito maliban na lang sa high ranks na seryosong nakatingin sa Battle Field.
Sila nga. Nagpunta ang target ko para sa misyong 'to. Pagkakataon ko na 'to upang maobserbahan sila, kung paano sila kumilos at lumaban. Malaki ang maitutulong nito para sa misyon ko.
Kung sinuswerte ka nga naman. Ang naisip ko at bahagyang napangisi.
"Do you accept the challenge Cryptic Gang?" Tanong nung announcer.
Tumahimik ulit ang mga nanonood upang marinig ang isasagot ng Cryptic Gang.
"Of course." pagkasabi nun ng lalaking nagsalita rin kanina ay naghiyawan ulit ang mga nanonood at sabay sabay nilang isinisigaw ang salitang 'Fight' ng paulit-ulit.
"Okay, the White Devils Gang versus the Cryptic Gang!" Sigaw ng announcer at napuno na naman ng sigawan ang arena. Kanya-kanyang suporta sa Gang na gusto nilang manalo.
"Remember the rule. Siguro ay alam niyo na naman ang mga weapons na bawal gamitin and the most important rule, Killing is not allowed." Sabi nung announcer na tinanguan lang ng dalawang grupo.
"Okay let the battle between White Devils gang and Cryptic Gang begin." Sabi ng announcer at naglakad na palayo sa battle field. Napuno naman ng hiyawan ang buong arena.
Nakatuon lang ang buong atensiyon ko sa dalawang gang ngayon na nasa battle field. Wala pang umaatake at parang nagpapakiramdaman pa sila. Hindi ko man dinig mula sa pwesto ko ay alam kong may pinag-uusapan din sila.
Matapos ang halos dalawangpu't segundong pagpapakiramdaman ay naunang sumugod ang White Devils Gang. Tiningnan ko sila habang nagpapalitan sila ng mga suntok at sipa. Pareho rin silang walang gamit na weapon. Ngunit sa apat na pares ngayon na naglalaban laban ay nakatuon ang atensiyon ko sa isang pares lang. Ang leader ng Cryptic gang at ng DWG.
Suntok lang ng suntok si D kay Crime pero walang kahirap hirap na naiilagan niya ang mga ito. Pansin ko na puro depensa lang ang ginagawa ni Crime at alam kong naiinis na ang kalaban niya ngayon sa ginagawa niya. Siguro ay sadya niya rin ang inisin si D sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga suntok nito. Paniguradong iniisip ni D na minamaliit lang siya ni Crime.
Hanggang sa nakahanap si D ng lusot at nasipa niya si Crime sa may tiyan kaya napaatras ito. Sisipain pa sana siya ni D pero nahawakan niya ang paa ng huli at ibinalibag ito. Napasigaw naman sa sakit si D na ngayon ay nakahiga na sa sahig habang iniinda ang sakit na nararamdaman. Nilapitan ni Crime si D at tinadyakan sa tiyan. Agad naman itong namilipit sa sakit. Napatingin naman ako sa ibang naglalaban kanina.
Napatumba na nila Crane, Crantis at Crow ang mga kalaban nila at pinapanood na lang nila ang leader nila na kasalukuyang ginugulpi ang leader ng White Devils Gang.
Sinasabi ko na nga ba eh, isang maling desisyon ang ginawa ng WDG. Masyado nilang minaliit ang lakas ng Cryptic Gang at ito pa ang hinamon nila. Hindi sila mapupunta sa Rank 7 kung isa lang silang mahinang gang.
Pero sa tingin ko ay may iba pang dahilan. May iba pa silang dahilan kung bakit kinalaban nila ang Cryptic Gang. Pero ano 'yun?
Nang makasiguradong hindi na makakatayo pa ang leader ng WDG ay nagsimula ng maglakad palayo si Crime at iniwang nakahiga sa sahig na bugbog sarado at namimilipit sa sahig si D.
Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. Masasabi kong marahas nga silang makipaglaban at hindi iniiwan ang kalaban nila hanggat nakakatayo pa ito.
Akala ko tapos na ang laban nila pero nakatayo pa ang isang kasama ni D na may dalang baseball bat at ihahampas na sana sa nakatalikod ni Crime pero nasalo ito ni Crane gamit ang dalawang kamay. Sinipa niya ito sa tiyan na siyang nakapagpatumba sa kanya.
Ibinigay ni Crane ang baseball bat kay Crime. At dahan dahan namang naglakad ang huli papunta sa lalaking gusto sana siyang hampasin. Tiningnan ko naman ang kondisyon ng lalaking kasamahan ni D. Namimilipit ito sa sakit habang nakahiga sa malamig na sahig.
Tsk. Hindi pwede 'to.
(D's POV)
Pilit akong bumabangon habang iniinda ang tiyan kong tinadyakan ni Crime. Binalingan ko ang mga kasamahan ko na lugmok na sa sahig. Hindi pwede 'to! May ipinaglalaban kami at ayaw naming mabigo. Hindi ngayon.
Nakita kong papalapit si Crime kay E na may dala dalang baseball bat. Alam kong may posibilidad na ihahampas niya iyon kay E. Tuluyan na akong nakatayo pero napahiga ulit ako sa sahig nang tadyakan ako ni Crow.
Napakahina ko. Napakawalang kwenta kong leader. Hindi ko man lang magawang tumayo at lumaban para sa mga members ko. Akmang ihahampas na ni Crime ang baseball bat sa bandang tiyan ni E nang biglang...
"Am I already late?" Tanong ng isang babae na siyang nakapagpatigil kay Crime.
"Who are you?" Tanong ni Crow sa babae.
Naka all black siya, hindi kita ang mga mata niya dahil sa red cap na suot niya. Hindi rin kita ang mukha niya dahil sa isang itim na panyo na nakatakip sa bibig niya.
"I'm L, their fifth member." Diretsong sabi niya.
Bakas naman ang pagkagulat ng mga gangsters na nanonood.
L? Fifth member? Sa pagkakaalam ko apat lang kami at wala kaming babaeng miyembro. Ako, si E, si V at si I lang. Oo at kulang pa kami ng isang miyembro dahil wala ang nagmamay-ari ng codename na L. Pero sa pagkakaalam ko ay wala pang narecruit si V para sa ikalimang miyembro namin.
"Fifth member?" Pabulong na sabi ni V na pilit parin na tumatayo.
"Fifth member eh? Akala ko ba binubuo lang ng apat na members ang White Devils gang?" Tanong ni Crane.
Magsasalita na sana ako nang inunahan ako nung babae.
"Akala mo lang 'yon. Pero mag-ingat ka, sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala." Sabi nung babae at naglakad papunta sa akin.
Nang makarating na siya sa harapan ko ay bahagya siyang yumuko para pumantay sa akin.
"At kayo, diba sabi ko sa inyong hintayin niyo ako dahil male-late ako ng 15 minutes." Pasigaw na sabi nung babae sa amin.
Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya. Hindi ko rin siya kilala.
"W-What are you talking a-about?" Halos pabulong na sabi dahil sa nahihirapan pa akong magsalita.
"Be a good actor if y'all want to go home alive." Pabulong na sabi niya sa akin.
Hindi pa man ako nakakasagot ay tumayo na siya. Bigla akong kinabahan nang makita ko si Crow sa likuran niya na may dalang tubo at hahampasin na sana siya sa likod.
Mabilis humarap ang babae kay Crow at sinalo ang baseball bat gamit ang dalawang kamay. Tinadyakan niya si Crow sa may tiyan nito dahilan upang mabitawan nito ang baseball bat at sa isang iglap nakahandusay na si Crow sa sahig habang iniinda ang tiyan niyang tinadyakan nung babae.
Lahat kami ay nagulat sa bilis ng galaw niya. Ang lakas din niyang makiramdam, nalaman niya agad na nasa likuran lang niya si Crow.
Ilang segundo lang ng katahimikan ay nagsigawan na naman ang mga gangsters na nanonood na parang nae-excite sa laban na pinapanood nila.
Susugurin na sana siya ni Crane nang biglang may inihagis siya na kung anong bagay sa gitna ng battle field.
" 'Wag na muna ngayon. But don't worry we'll see each other again soon."
Pagkasabi niya nun ay biglang may makapal na usok na lumabas mula sa bagay na inihagis niya kanina. At sa isang iglap ang buong arena ay binalot ng makapal na usok.
——
BINABASA MO ANG
Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)
ActionNathalie Aries Pattinson also known as Fear of the Phantom Goddesses, has spent most of her life looking for her childhood friend who promised to come back to her. But it's useless to search for someone who doesn't want to be found. She realized tha...