"Virgo..."Agad akong napahawak sa dibdib ko nang maramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Virgo?
Agad naman na napatayo si Kent at patakbong pumunta sa may likuran ko.
"Nanay Mena!" Masayang bati niya sa tumawag sa kaniya.
"N-nanay Mena?" Pabulong na ulit ko sa sinabi niya.
~*~
"Aries, this is Nanay Mena. She is my Nanny. Nanay, this is Aries. My new friend."
"Ikaw pala si Aries na palaging kinu-kwento ng alaga ko. Kegandang bata mo pala." Nakangiting sabi niya.
"Thank you po!" I giggled.
~*~
Tama! Naaalala ko na. Kaya pala sobrang pamilyar niya sa akin. Siya pala si Nanay Mena. Ang yaya ni Virgo.
Napalingon naman ako sa kanila na masayang nag-uusap.
"Nanay kumusta? Nakabalik ka na po pala!" Ani Kent.
"Mabuti naman ako Virgo, ikaw kamusta ka na? Ang laki laki mo na ha? Noong huling pagkikita natin ay mataba ka pa." Natatawang sabi ni Nanay Mena.
"Anong mataba, hindi kaya! Medyo chubby lang."
I-Ibig sabihin ba nun, si Kent ay si Virgo?
Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Para na akong wala sa sarili na nakatingin sa kanila.
Hanggang sa maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Agad ko naman itong kinuha mula sa bulsa ko at nakita ko agad ang pangalan ni Tear na nakarehistro, kaya agad ko itong sinagot.
"H-Hello?"
["Fear, are you okay?"] Nagtatakang tanong niya sa akin.
"O-oo okay lang naman ako bakit Tear, anong kailangan mo?" Medyo hininaan ko ang boses ko para hindi ako marinig nila Kent or should I say Virgo?
["May nabalitaan kasi ako tungkol sa Cryptic Gang."] Aniya na nakapagpabalik sa akin sa aking sistema.
Naalala kong nandito pala ako sa misyon ko at hindi para sa kaniya. Sa kaniya na matagal ko nang hinahanap.
"Please tell me."
["Sure, mali pala ang nakuha kong information noon. Ang napagtanungan ko kasi ay isang baguhang gangster lang."] Aniya na nakapagpakunot ng noo ko.
"What do you mean na mali?" Tanong ko.
["Hindi naman talaga baguhan ang Cryptic Gang sa G world eh. Two years ago, ay isa sila sa mga highest rank gangsters. Pero sa hindi malaman na dahilan ay nawala sila. Isinuko nila ang rank nila at hindi na nagpakita pa sa Underworld. And now, they are back. Kaya naman pala ang dali lang nilang naging rank 7 eh. Malakas na sila at may karanasan na sa pakikipaglaban."] Aniya.
Hindi baguhan ang Cryptic Gang? Bakit bigla silang nawala 2 years ago? At anong sadya nila sa kanilang pagbabalik ngayon? Ang gumawa ng krimen? Pero bakit?
"Saan mo nakuha ang impormasyon na 'yan Tear?" Dahil mukhang marami siyang alam tungkol sa Cryptic Gang.
["Pumunta akong G world kanina. Nandun ang Cryptic Gang, narinig ko na lang na pinag-uusapan sila ng mga katabi ko. And sila pala 'yung tinulungan mong makatakas nun. Ang White Devils gang."]
Ang WDG, sabi na nga ba't marami silang alam tungkol sa Cryptic Gang eh.
["Oh my gosh! Sige Fear, 'yun lang naman ang nalaman ko tungkol sa Cryptic Gang kanina. Sana makatulong sayo, magsisimula na 'yung pelikulang pinapanuod ko!"] Excited na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)
ActionNathalie Aries Pattinson also known as Fear of the Phantom Goddesses, has spent most of her life looking for her childhood friend who promised to come back to her. But it's useless to search for someone who doesn't want to be found. She realized tha...