Chapter 26

4.3K 139 5
                                    


HUMINGA ako ng malalim sabay hagis ng aking sarili sa kama. Nandito na ako sa bahay pagkatapos kong magsayang ng halos dalawang oras kakaupo dun sa bahay nila Kent. Dumaan na rin ako sa isang fast food chain kanina at dun ako kumain ng hapunan ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto ko.

Tahimik. Napakatahimik. At napakaboring.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang mabasag ang sobrang katahimikan dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Inabot ko naman agad 'to at tiningnan kong sino ang tumatawag.

Nang makita ko ang pangalan ni Nightmare sa screen ay agad na sinagot ko ito.

"Hello Night?"

["Fear, kumusta?"] Tanong niya.

"Im fine and my mission is running like a turtle." Sabi ko.

["Yeah it looks like Cryptic Gang is good at hiding."] Aniya.

"I must agree with you Nightmare,"

["But don't worry Fear, you still have 1 month for your mission. And I know you, wala ka pang misyon na inaatrasan."] Seryosong turan niya.

"I know." Ang tanging lumabas sa bibig ko.

["I better go, I've got something to do. Bye Fear, Ganbaro."] Pagpapaalam niya at tinapos na ang tawag.

Tama nga si Nightmare, napakagaling magtago ng gang na 'yon. Para tuloy kaming naglalaro ng tagu-taguan. Ako ang taya habang sila ay mabuting nagtatago.

Tsk. Lagi pa naman akong Nangungulelat sa larong 'yon. Hanggang ngayon kasi nakikipaglaro parin ako ng larong 'yan. At hanggang ngayon hindi ko parin magawang manalo. Kasi hindi ko parin siya nakikita, hindi parin siya nagpapakita. Kaya hanggang ngayon ako pa rin ang taya.

Gusto kong mapagod kakahanap sa kanya pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin ang pangako niya sa akin bago siya umalis. Ang pangako niyang babalik siya.

Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga. Naiisip ko na naman kasi siya at nalulungkot na naman ako. Ayaw ko munang malungkot kahit ngayong gabi lang.

Agad akong nagbihis ng white tank top na sinapawan ng black jacket at pinarisan ng black fitted jeans and a black boots. I hid my yellow highlight under my hair using a bobby pin and tied my hair into a ponytail. Nagsuot na rin ako ng cap and now I'm ready to go.

Hindi na ako magdadala ng weapon tutal may mga tinatago naman ako sa kotse ko. Lumabas na ako ng bahay at sumakay kay bumble bee at nagsimulang mag-drive papuntang Underground.

Halos one month na rin akong hindi napapadpad dun simula nang ibigay sa akin ni Nightmare ang misyon na alamin ang totoong pagkatao ng Cryptic Gang.

Kung sa Clover's Club ako pupunta ay baka wala na naman sila doon at mauubos na naman ang oras ko kakaupo. Naisip ko lang na baka matyempuhan ko sila sa Underground. Nabalitaan ko kasi kay Tear na hindi sila palaging pumupunta roon. Sana naman pupunta sila ngayon para man lang ma obserbahan ko ang mga galaw nila baka mapadali pa ang paghahanap ko sa kanila sa R.U.

Matapos ang ang halos isang oras na pagda-drive ay inihinto ko na ang kotse ko malayo layo sa ibang kotseng nakaparada. Medyo madilim ang lugar na ito kaya dito ko piniling i-park si bumble bee para hindi na rin makita ng iba at baka mapag-tripan pa. Makakapatay ako 'pag nagkataon.

Dumiretso ako sa likod na bahagi ng arena kung saan may isang puno. Lumingon lingon muna ako para makasigurong walang ibang taong nandito. Nang makasigurong wala nga ay may binuksan ako sa likurang parte ng puno at nakita ang black na button dito. Bumukas ang isang parte ng puno at lumabas ang isang card scanner.

Agad na kinuha ko ang Gold Card ko na may naka-engrave na

Phantom Goddesses Gang

'Fear'

at pagkatapos ay ipina-scan ko rito. Nang umilaw ito ng kulay green ay ibinalik ko na sa bulsa ko ang card ko. Kasabay nang pag-ilaw ay ang pagbukas ng isang pinto mula sa isang dingding ng arena at ang pagbalik ng scanner sa loob ng puno. Kaya pumasok na ako sa pinto at pagpasok ko ay pinindot ko ang isang button sa loob para sumara ang pinto.

Ito ang tinatawag naming 'Secret Passage'. Kaming lima lang din ang nakakaalam nito. Ako, si Harm, Tear, Shadow at Nightmare. Dito kami dumadaan kapag pasikreto kaming pumapasok ng Underground.

Katulad ng headquarters ng sword organization, ay nasa ilalim rin ng lupa ang Underground. Uh, kaya nga tinawag ito na Underground. Pero ang underground na ito ay para sa White city lamang. May mga ibang Underground pa ngunit ang dito kami laging pumupunta dahil dito ang teritoryo na kailangan naming pangalagaan.

Sa pagkakaalam ko ang arena na ito ay pag-aari ng isa sa mga nakaupo sa rank 1 noon. Walang ibang taong nakakaalam na nasa ilalim ng arena ang Underground ng White City maliban na lang sa mga tao sa Underworld partikular na sa G world.

Naglakad na ako sa isang hallway at habang papalapit na ako rito ay naririnig ko na ang mga ingay mula sa loob ng arena. Nang nasa bukana na ako ay huminto na ako sa paglalakad at nanatili lang dito. Madilim ang parteng ito at pag nagpatuloy ka sa paglabas ay didiretso ka sa isang stage na kilala sa tawag na Rank one's Throne kung saan may limang upuan. Obvious naman kung sino ang mga nagmamay-ari ng mga upuan na 'yan.

Syempre may mga upuan 'din para sa Rank 2-10 na tinatawag na VIP seats. And the rest ay upuan para sa ibang mga gangsters. Pero ang pinaka importanteng upuan sa lahat ay ang King and Queen's Throne na nasa isang balkonahe sa itaas.

Naagaw ang aking atensiyon ng mga gangsters na nagsisigawan at parang nae-excite at nakatingin sa iisang direksiyon habang paulit-ulit na sinisigaw ang salitang 'fight'. Napatingin naman ako sa pinakasentrong bahagi ng arena na tinatawag na Battle Field kung saan kasalukuyang nakatayo ang apat na gangsters na hindi ko matukoy kung sino.

"Gangsters let's welcome the new gang under the White City. The White Devils Gang!" Pagpapakilala nung announcer.

Naghiyawan naman ang mga nanonood maliban na lanh sa mga nakaupo sa VIP seats.

White Devils eh? Let's see what you've got.

"Let's welcome them with a good fight. What gang do you want to fight D?" Tanong nung announcer sa leader ng WDG.

May ibinulong naman yung D sa announcer at halata ang pagkagulat sa mukha nito. Pero agad rin itong ngumisi ng malademonyo at iniikot ang paningin sa mga VIP seats. Ibig sabihin ay isa sa mga high ranks ang gusto nilang kalabanin.
Kapag baguhan ka pa lang kasi ay ikaw ang pipili ng gusto mong makalaban at hindi ka rin pwedeng hamunin ng mga nasa high rank unless ikaw ang naghamon.

Pero para sa akin, suicide ang ginagawa nila. Baguhan laban sa isang high rank? Pero sabi nga ni Nightmare sa amin 'never underestimate your opponent.' Hindi natin alam baka may ibubuga rin pala 'tong mga baguhan na 'to.

"Sorry but The Cryptic Gang is not around. The only high rank gangs that are here are the rank 10, 9, 5, 3 and 2."

Napatingin naman ako sa VIP seat ng rank 2. Nandito nga sila, ang Dark Knight Gang. Prenteng nakaupo at parang naghihintay ng isang magandang laro.

Kung ganun, wala pala ngayong gabi ang mga hinihintay ko. Wala ang Cryptic Gang.

Naghiyawan na naman ang ibang mga gangsters na nanonood. Isinisigaw nila ang rank number ng gang na gusto nilang makalaban ng White Devil's Gang. Ngunit ang malakas na hiyawan ay napalitan ng sandaling katahimikan nang may tatlong lalaki at isang babae ang pumasok sa arena. Lahat sila ay nakasuot ng maskara.

Ang mga maskara nila...

"Did we just heard our Gang's Name?"

——

Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon