["SO NATAGPUAN mo ang sender kagabi? What happened next?"] Tanong ni Harm.Nakapark ang sasakyan ko ngayon di kalayuan sa bahay ni Kent. Tinawagan niya kasi ako kanina na may last group study daw kami ngayon since bukas na ang exams. So nandito ako ngayon as Nathalie Santos kaya lang hindi pa muna ako bumababa kasi biglaang tumawag si Harm at tinatanong kung anong nangyari sa lakad ko kagabi.
"It turns out na may naki-text lang pala sa kanya kahapon nung time na na-receive ko ang message." Sagot ko.
["Talaga? So hindi pala siya ang totoong sender ng message na 'yun. Alam mo kung sino man 'yang kumakalaban sa'yo, masasabi kong maingat siya sa galaw niya kaya maging alisto ka Fear."] Aniya.
Napatango ako sa sinabi niya.
"Oo Harm, tama ka at hindi ko siya hahayaang pigilan ako sa misyon ko."
["That's my Nathalie! Sige na pala Fear, bumaba ka na at umattend ka na sa group study niyo baka hinihintay ka na nung hacker nila. Sino nga ba yun? Kevin? Keith? Kenneth?"]
Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya.
"Kent po ang pangalan niya haha."
["Err, whatever basta 'yun. Hinihintay ka na niya kaya bumaba ka na at salubungin ang prince charming mo."] Nang-aasar na sabi niya.
"Prince charming? Loka loka, ang sabihin mo pabababain mo na ako kasi back to business ka na naman."
["Ah basta bumaba ka na bye!"] Aniya.
"Ewan ko sayo bye." Ang sabi ko nalang at pagkatapos ay tinapos na ang tawag.
Bumaba na ako sa kotse at naglakad papuntang gate. Nang nasa harap na ako ay nagdoor bell ako at agad naman akong pinagbuksan ng isa sa mga katulong nila.
"Ay ma'am Nathalie nandito na po pala kayo kanina pa po kasi kayo hinihintay nila Sir Kent eh, pasok na po kayo ma'am." Magalang na sabi niya sa akin.
"Naku po, 'wag mo na akong tawaging ma'am. Nathalie nalang po." Sabi ko pagkapasok ko.
"Alam mo ewan ko ba pero napakapamilyar mo talaga eh, nagkita na ba tayo noon?" Tanong niya.
Agad naman akong natigilan at inalala kung naging katulong na siya namin noon pero hindi rin eh. Hindi ko rin maalalang nagkita kami o nagkakilala kung saan. O baka naman nakakahalata siyang ako si Aries.
Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Hindi pa po siguro, tsaka baka kamukha ko lang po 'yun." Sabi ko.
"Ah oo baka nga, sige na hija pumasok ka na, hinihintay ka na nila sa loob." Aniya at nauna nang pumasok.
Sumunod naman ako sa kanya at nadatnan sila Kent, Danger, Stranger at Cedrick na abala sa pagbabasa sa sala. Himala yata at nagseseryoso sila sa pagbabasa ngayon. Well, they're taking the exam seriously I guess.
"Yow Nathalie! Buti naman at dumating ka na!" Napabaling naman ako kay Cedrick na siyang unang nakapansin sa 'kin.
Lahat sila ngayon ay sa akin na nakatingin at binigyan ko lang sila ng isang kaway at naglakad papalapit.
"Nagseseryoso tayo ngayon ah," sabi ko.
"Talaga? mukha talaga kaming nagseseryoso?" Di makapaniwalang tanong ni Stranger.
Naguguluhan man sa tanong niya ay dahan dahan akong napatango.
"Yeah man! Sabi ko sa inyo eh," aniya at nagfist bump sila ni Cedrick pagkatapos ni Kent at nagtawanan sila.
Napakunot naman ang noo ko. Ano bang pinagsasabi ng mga 'to?
"And the best actor award goes to us, wooooo!" sabay na sabi ni Cedrick at Stranger.
BINABASA MO ANG
Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)
ActionNathalie Aries Pattinson also known as Fear of the Phantom Goddesses, has spent most of her life looking for her childhood friend who promised to come back to her. But it's useless to search for someone who doesn't want to be found. She realized tha...