Chapter 12

5K 169 23
                                    


HALOS sampung minuto na ang lumipas ng makarating ako sa bahay ng mga Romero, at hanggang ngayon hindi parin dumadating si Kent. Nagpunta ako rito para sa unang tutorial session namin at nagsisimula na akong mainip pero hindi pa rin dumadating ang magiging estudyante ko. Isa siyang dakilang pasaway! Sinasayang niya ang oras ko, sa halip na nandito ako at hinihintay siya dapat sana ay kumikilos na ako at sinusundan ang Enriquez na 'yon.

Tsk. Kung hindi lang siya ang lead ko para sa misyong ito, hindi ako maglalaan ng kahit isang segundo man lang para turuan siya. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa wrist watch ko nang biglang lumapit sa akin ang butler nila.

"Ms. Cortez, young master Kent is now on his way." magalang na sabi niya sa akin.

"Okay, I can still wait." sabi ko habang tumatango sa kanya.

Pero ang totoo bored na bored na ako kakahintay kahit halos 15 minutes palang akong naghihintay dito. Nasa kalagitnaan ako ng paghihintay nang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at nakakita ng isang text message galing kay Harm. I immediately opened it.

From: mataray na Haylee

'Hey, Fear nasaan ka ngayon, matatawagan mo ba ako?'

Yun ang laman ng message niya. Ano naman kayang kailangan nito at tsaka bakit hindi na lang siya ang tumawag sakin, don't tell me wala siyang load at kaya niya ako pinapatawag kasi manghihingi siya ng load?

Tsk. Tinawagan ko na lang nga, baka umiyak pag hindi ko tinawagan eh.

Mataray na Haylee calling..

And after 3 rings ay sinagot na niya ito.

"Oh, magkano?" agad na sabi ko

["Anong magkano?"]tila naguguluhan na sabi niya.

"Magkano gusto mong load?"

["Anong load sinasabi mo?"] Tanong niya.

"Akala ko ba kaya mo ako pinapatawag dahil manghihingi ka ng load?" natatawang sabi ko.

["Baliw, marami ako nun, gusto mo bigyan pa kita. Pinatawag kasi kita dahil may importante sana akong sasabihin sayo, kaso puro kalokohan ang iniisip mo baka hindi ko nalang sabihin. Sayang baka makatulong pa 'to sa misyon mo."] pagkasabi niya nun ay agad akong naging seryoso.

"Okay fine. Seryoso na ako, what is it?" Interesadong tanong ko.

["Palihim akong bumisita sa underground kahapon and naabotan ko dun ang isang gang fight."] sabi niya

"And?" naiinip na sabi ko, ba't ba kasi hindi na lang i-direct to the point diba para tapos agad.

["May naghamon sa rank 7."] diretsong sabi niya.

Rank 7 ibig sabihin--

"Ang Cryptic Gang?" tanong ko.

["Yup, exactly. May bagong gang ang naghamon sa kanila."]

"And then what happened?" tanong ko.

["Nanalo ang Cryptic gang. Sumunod sila sa rules na walang patayan but 'yong natalong gang, they end up in the hospital. In a critical condition. Tear was right magaling at malakas silang kalaban. Sasabihan sana kitang dapat kang mag-ingat pero muntik ko nang makalimutan na ikaw nga pala si Fear, you are fearless."] Natatawang sabi niya.

"So ano 'yong sinasabi mong makakatulong sa misyon ko?" tanong ko.

["Well, habang naglalaban sila, nakapuntos 'yong leader ng natalong gang kay Crime, the leader of the Cryptic Gang. Nasira niya ang shirt na suot nito at doon ko nakita ang tattoo ni Crime sa kanang bahagi ng likod niya, and I hope that will help you on your mission."] sabi ni Harm.

Nasa kanang bahagi ang tattoo ni Crime, paano ko hahanapin yun? Hindi ko naman pwedeng utusan lahat ng mga lalaki sa R.U. na ipakita ang likod nila sa akin. Tsk. Pinag-iisip niyo talaga ako Cryptic Gang.

"Yes Harm, Thank you for that information." sabi ko.

["Your welcome Fear, anytime."] Aniya.

Napansin kong papalapit yung butler sakin kaya nagpaalam na ako kay Harm.

"Harm, sige na undercover pa ako ngayon, nasa bahay ako ng mga Romero." pabulong na sabi ko sa kanya.

["Okay, goodluck."] sabi niya at tinapos na ang tawag.

Saktong pagbaba ko ng cellphone ay nakalapit na yung butler sakin.

"Ms. Cortez, nandito na po si young master Kent." Magalang na sabi niya.

"Ah, that's good!" sabi ko sa kanya sabay tango.

Nginitian lang niya ako na para bang siya na ang humihingi ng tawad dahil pinaghintay ako ng amo niya. Maya maya lang ay nakita ko na ang ugok na naglalakad papunta sa akin.

"I'm sorry, i'm late." agad na sabi niya nang makalapit na siya sa akin.

'Aba marunong ka palang mag-sorry? At dapat ka lang naman mag-sorry pinaghintay mo kaya ako' ang sabi ko pero syempre sa isip ko lang.

Binigyan ko siya ng fake smile at tinanguan.

"It's okay, let's just start, your first lesson is----" sabi ko pero hindi natapos kasi bigla siyang sumabat.

"Wait, first lesson agad? Eh hindi pa nga tayo magkakilala." sabi niya at umupo.

Napatingin ako sa kanya.
Seriously? Gusto ba talaga nitong matuto ng Math o ang makipag kwentuhan lang?

"Sa pagkakaalala ko kasi, pinakilala na ako sayo ni Mrs. Romero and pinakilala ka na rin niya sa akin." diretsong sabi ko.

"Ganun? Ang seryoso mo naman masyado." sabi niya.

Tiningnan ko naman ulit siya na parang hindi ako makapaniwala sa kanya. Itinaas naman niya yung dalawang kamay niya na parang sumusuko na. Sa totoo lang ang cute niya habang ginagawa yun, no wonder kung bakit palagi nalang nakatingin ang mga naging tutor niya sa kanya at hindi na nakakapag-focus sa pagtuturo dahil sino ba naman ang hindi mapapatingin sa ganyan ka gwapong mukha. And when he looks at you, parang sinasabi ng mga mata niya na 'huwag mong ialis ang tingin mo sakin'.

Wait, teka bakit ba kino-complement ko siya, diba dapat inis ako sa kanya. Okay focus Nathalie, FOCUS.

Kinuha ko ang isang answer sheet at binigay sa kanya.

"I'm giving you 10 minutes para sagutan yan, bale magiging Pre-test mo yan, at yan ang magiging basehan ko sa mga gagawin kong lesson sa susunod nating tutorial session." sabi ko.

Bahagya akong natawa ng magkamot siya nang ulo, isang gesture na pamilyar sakin. Ganyan na ganyan din ang ginagawa niya pag hindi niya alam ang gagawin niya. Napangiti nalang ako ng mapait nang maalala ko 'yong mga times na ginagawa niya ang gesture na katulad ng ginagawa ngayon ni Kent.

Nasaan na kaya siya?

Naalala niya pa kaya ako ngayon?

Nabalik naman ako sa realidad nang pinitik niya ang noo ko, napahawak naman ako dito. Tiningnan ko siya, ang sakit nun ha.

"Pinitik ko na. Ang lalim kasi ng iniisip mo. Bigla ka na lang natulala diyan okay sana kung dahil sa akin, kaso sa sahig ka nakatingin eh." Natatawang sabi niya.

"Alam mo ang hangin mo! Halos liparin na nga 'yong buhok ko sa lakas ng hangin na dala mo eh. Sagutan mo na nga lang yan!" inis na sabi ko sa kanya na tinawanan lang niya.

"Alam mo ang cute mong magalit." biglang sabi niya na nakapagpatigil sa akin saglit.

"Alam mo, masyado ka ng maraming sinasabi, sagutan mo na nga lang yan sabi eh."

"O-okay" aniya at nag focus na sa pinasasagutan ko.

——

Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon