NATHALIEPagkatapos kong i-decline ang tawag ni Kent, ay pumasok na ako kina Lay. Nasa misyon ako ngayon atsaka isa pa, hindi ko pa kayang makipag-usap sa kaniya.
Pagkapasok ko ay nadatnan kong nag-eensayo sila Corina, Anthony at Jack habang si Lay naman ay tahimik silang pinapanood. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat.
"Hey," bati niya nang makita ako.
"What are you thinking?" Tanong ko.
"Someone in the past." Sagot niya.
I look at him and saw sadness in his eyes.
"You mean, Audrey?" Tanong ko.
Iniwas niya ang tingin niya sa akin.
"Kung sana ay naging malakas ako noon para ipaglaban siya mula sa Black Queen, edi sana nandito siya ngayon kasama ko at hindi mangyayari ang lahat ng 'to." Malungkot na sabi niya.
"Don't put all the blame on yourself Lay. Mahirap kalaban ang Black Queen and ipinaglaban mo naman siya ah, ipinaglaban niyo ang isa't-isa hanggang sa makakaya. You tried..."
"But I still lost her." Nakayukong dugtong niya sa sasabihin ko.
I patted his shoulder. Napatingin siya sa akin and I just smiled at him weakly.
"Everything happens for a reason Lay, and I can't say that you should forget the past, 'cause trust me, you can't. Especially that she's there. All you have to do is accept and let go, stop blaming yourself. I'm sure she'll be happy if you'll do that." Sabi ko.
"Thanks Nath, thanks a lot." Nakangiting aniya.
Napatingin naman ako sa phone ko nang tumunog ito. It's a text from D.
'Master Fear, they already got the child. They are now on their way to dark street.'
Napahigpit naman ang hawak ko sa phone pagkabasa ng text niya.
"Why? What happened?" Tanong ni Lay. Lumapit na rin sila Corina sa amin.
"Get ready team, they already got their victim, which means the show will start now." Sabi ko.
**
HUMINTO ang kotse ko sa isang lugar na alam na alam ko. Tss, wala na ba silang ibang alam na location at dito pa rin sa abandoned building na 'to gaganapin ang illegal transaction?
Inayos ko ang buhok ko at isinuot ang maskara ko. Nahagip ng paningin ko ang bag na pinadala ni Night sa akin. Kinuha ko ito at binuksan. Literal naman na nagningning ang mga mata ko dahil sa hawak ko lang naman ngayon ang dalawang pares ng black Deagle na may naka-engrave na 'Fear' sa may handle.
Napansin kong may isang piraso ng papel sa loob ng bag kaya kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.
'Hey Fear, use this tonight it's specially made for you and don't worry, it's fully loaded. I hope you'll like it. Ganbarou!'
-Nightmare
Napangiti naman ako nang mabasa ang sulat niya. Kilala niya talaga ako.
Inilagay ko ang isa sa gun holder na nasa hita ko. Kumuha naman ako ng isa pang gun holder at ikinabit ito sa kabilang hita ko pagkatapos ay inilagay ko ang ikalawang baril 'dun. Inilagay ko na rin ang transmitter sa tenga ko.
["Now what?"] Tanong ni Corina sa kabilang linya.
"We'll wait for a signal." Sabi ko sa kanila. Nasa kabilang kotse sila nakasakay at hindi pa kami pwedeng bumaba hangga't hindi pa secure ang labas.
BINABASA MO ANG
Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)
ActionNathalie Aries Pattinson also known as Fear of the Phantom Goddesses, has spent most of her life looking for her childhood friend who promised to come back to her. But it's useless to search for someone who doesn't want to be found. She realized tha...