Chapter 23

4.5K 134 9
                                    


NAGLALAKAD ako ngayon sa hallway patungong cafeteria kung saan naghihintay sila Lay, nang makasalubong ko si Tear na maraming dalang libro. Palihim naman akong natawa dahil sa tingin ko ay inutusan ulit siya ni tita Margarette na halatang labag sa kalooban niya. Napansin ko rin ang disguise niya. Pffft, kung titingnan isa lang siyang normal at masipag na estudyante pero lahat ng 'yon ay isang pagpapanggap lamang. Asa namang magsisipag 'yang magdala ng libro bilang totoong siya.

Katulad nang nakasanayan namin ay lalagpasan ko na sana siya pero nagulat ako nang bungguin niya ako at lahat ng mga libro na hawak niya kanina ay nasa sahig na ngayon. Saglit niya akong tiningnan at  saka yumuko at isa-isang pinulot ang mga libro. Nakuha ko agad ang ibig sabihin ng move na ginawa niya kaya yumuko na rin ako para kunwari tulungan siya.

"Puntahan mo si Shadow sa office ni tita M, Fear. Kanina ka pa hinahanap nun." Sabi niya sa mahinang boses pero sapat na para marinig ko.

"Okay." Sabi ko at pagkatapos ay sabay kaming tumayo. Nasa kanya na ulit ang mga libro na dala dala niya kanina.

"Thank you!" Nakangiting sabi niya at naglakad na papalayo.

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad pero sa halip na sa cafeteria ay sa Director's office ang tungo ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay agad akong napailag nang may dalawang Shurikens ang sumalubong sa akin. At dahil nga nakailag ako ay tumama ito sa pinto.

Muntik na ako dun ah.

Napabaling ang tingin ko sa taong nagmamay-ari ng Shuriken na sumalubong sa akin kanina. Nakangisi siya habang nakaupo sa sofa at nakapatong pa ang dalawang paa sa center table.

"What was that for?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"wala, it's my way of thanking you, for helping me last night." Simpleng sabi niya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Wow ang sweet mo naman Shadow, grabe ang ganda naman ng way ng pag te-thank you mo. Muntik mo na akong matamaan nun ah. Paano pala 'pag ibang tao 'yong pumasok, malamang patay na ngayon." Sarcastic na sabi ko at ginaya ang posisyon ng pagkakaupo niya.

"You're welcome Fear! Atsaka hindi ko naman gagawin 'yun kung alam kong hindi ikaw at kung hindi ka makakailag eh." Natatawang sabi niya.

Nag make faces lang ako na mas lalong ikinatawa pa niya.

"Joke lang Fear, ito talaga ang thank you gift ko sayo oh," Sabi niya at ibinigay sa akin ang isang tupper ware na naglalaman ng cookies.

"Gawa ni Auntie 'yan at ito pa oh, ang favorite mong adobo especially made by yours truly!" Proud na sabi niya at iniabot sakin ang isa pang tupper ware na naglalaman ng adobo.

Napangiti naman ako ng makita ko ito.

"Thanks Shadow, na miss ko na pala ang pagkain nito." Sabi ko sabay abot ng tinidor at agad na binuksan ang lalagyan at sumubo.

"Waaaah ako rin Shadow, gusto ko niyan!" Sigaw ni Tear na kakapasok lang.

"Tsk. Kay Fear 'yan Tear, alam kong makikihati ka kaya pinagluto na rin kita." Sabi niya at inilapag ang isa pang tupper ware na may lamang adobo sa center table.

"Thank you ng marami Shadow, favorite ko talaga to eh!" Masayang sabi ni Tear na nagningning ang mga mata.

Umupo na siya sa katapat na sofa at agad na kinain ang dalang adobo ni Shadow.

"Asan pala si Harm?" Tanong ko.

"May inaasikaso pa eh kaya hindi nakasama sakin," Sagot ni Shadow. "Kumusta naman pala ang misyon mo?" Tanong niya.

Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon