NATHALIEKasalukuyan akong nag-aayos ng sarili ko ngayon dahil papunta ako kina Mrs. Romero dahil pag-uusapan namin ang magiging schedule ng tutorial. Buti nalang talaga at magaling ako sa Math, sa Subject pa naman na 'yon mahina ang tuturuan ko.
Sabi ni Nightmare ay kailangan kong mag disguise kaya nagsuot ako ng wig na kulay black na may bangs. Light brown kasi ang tunay na kulay ng buhok ko. Naaalala ko pa noon, I always wanted to have bangs pero sa tuwing may suot na akong ganito bilang disguise sa isang misyon ay biglang nagbago ang isip ko. Ayaw ko na pala, nagiging abala lang kasi kapag nakikipaglaban ako. Mukhang si Harm lang talaga ang magaling magdala ng bangs.
Napailing na lang ako tapos sinuot ko na 'yong uniform kuno ng tutor.me company. Isa itong white t-shirt na may nakaprint na tutor.me sa may gilid then pinarisan ko ng jeans at converse shoes. Nagsuot narin ako ng genius glasses para magmukha na talaga akong genius tutor.
Nang makuntento na ako sa disguise ko ay lumabas na ako ng kwarto at sinalubong naman ako ni manang Lena.
"Oh, Nathalie sa'n ang punta mo at bakit ganyan ang itsura mo? Muntik na kitang hindi makilala kung hindi mo lang suot 'yang bracelet mong 'yan. Siguro may misyon ka na naman no?" nag-aalalang sabi niya.
Tiningnan ko naman ang bracelet ko bago ko siya sinagot.
"Opo, may bago po akong misyon ngayon at huwag po kayong mag-alala manang, walang bakbakan na magaganap. May hinahanap lang talaga akong salot sa lipunan." paliwanang ko sa kanya, palagi kasi siyang nag-aalala sakin tuwing may misyon ako.
"Naku, hindi ko parin maiwasang hindi mag-alala, lalo na't napakadelikado niyang ginagawa mo pero sige, mukhang hindi na kita mapipigilan. Mag-iingat ka ha? Malalagot ako sa mommy mo pag umuwi ka ritong may galos."
"Opo." Natatawang sabi ko.
Lumapit naman si Butler Rey sakin.
"Young lady Nathalie, nakahanda na po ang sasakyan na gagamitin mo. Sigurado ka bang ayaw mong ihatid pa kita?" Alok niya.
"No need Mr. Rey." tumango lang siya sa sinabi ko at nagbow.
Nagsimula na akong maglakad papuntang kotse ko at agad na pumasok dito. I fastened my seatbelt at nagdrive na patungo sa bahay nila Mrs. Romero.
**
Nang makarating ako sa ipinadalang address sa akin ni Nightmare, ay ni-park ko ang sasakyan ko ilang metro ang layo sa gate ng mga Romero. Bumaba na ako sa kotse at nagtungo na sa harap ng gate. I was about to ring the door bell when I felt my heart skipped a beat.
What the hell was that?
Napailing na lang ako at kinontrol ko ang paghinga ko. Hindi naman siguro ako natatakot o di kaya'y kinakabahan diba?
Inayos ko nalang ang sarili ko at pinindot ang doorbell. Maya maya'y may isang lalaking medyo may katandaan na ang nagbukas ng gate. Sa kanyang itsura ay masasabi kong butler siya ng pamilyang Romero--- Isa sa mga pamilyang kilala sa business industry. Nagmamay-ari sila ng mahigit 85 gasoline stations dito sa Pilipinas. Bukod doon ay may mga investments din sila sa iba't-ibang kompanya, kung paano ko nalaman? Nagpatulong ako kay Harm tungkol sa family background ng mga Romero at masasabi kong isa sila sa mga maimpluwensiyang pamilya sa business industry dito sa Pilipinas.
"How may I help you miss?" tanong niya sa akin.
"Ahm, goodmorning I am Aries Cortez, from tutor.me company I was sent here to tutor the son of Mrs. Dianne Romero," diretsong sagot ko.
"Oh, this way miss Cortez," sabi niya at naglakad na agad ko rin naman siyang sinundan.
"Please have a seat miss Cortez, tatawagin ko lang si Madam." sabi niya at umalis na. Umupo naman ako at pinagmasdan ang paligid. Malaki ang bahay nila na maituturing na na mansyon. Maganda ang pagkakaayos at halatang malinis na malinis.
Ilang minuto pa ang lumipas ay may isang babaeng mga kasing edad lang ng mommy ko, maganda at karespe-respeto ang naglalakad ngayon patungo sakin. Ayon sa pictures na nakita ko sa file na pinadala ni Harm sakin, siya si Mrs. Darlene Romero, the wife of Mr. Kennedy Romero and the mother of Mr. Kent Romero.
Agad naman akong tumayo para magbigay galang sa kanya.
"Ikaw na ba ang magiging tutor ng anak ko?" tanong niya ng makalapit siya sa akin.
"Ah, opo ako na nga po 'yun, I'm Aries Cortez." Magalang na sagot ko.
"Please have a sit Ms. Cortez," sabi niya sa akin na siya ding sinunod ko.
"So pinapunta kita dito ngayon dahil gusto ko sanang pag-usapan ng personal ang tungkol sa magiging schedule ng pagtuturo mo sa anak ko at gusto rin kitang makilala."
Tumango lang ako ng dalawang beses at nagpatuloy na siya sa kaniyang pagsasalita.
"Alam mo kasi pangatlong beses na namin 'tong subok sa paghahanap ng tutor and I hope that this will be the last. Matalino naman ang anak ko, mahina nga lang sa math, lalo na sa trigonometry so I hope na matutulungan mo siya?" sabi niya.
Totoo nga ang impormasyon na pinadala ni Harm, mabait nga tong si Mrs. Romero. Sa totoo lang parang pamilyar talaga siya sakin, hindi ko lang talaga maalala kung nagkita na ba talaga kami o wala pa.
"Makakaasa po kayong matutulungan ko po ang anak niyo." at nginitian ko siya as a sign of assurance.
"So can you say something about yourself? para naman magkakilanlan tayo?"
At sigurista rin siya huh?
Something about myself?
Ano nga ba? Sino nga ba ako?
Ahhh, ako nga pala si ARIES CORTEZ sa mga oras na ito."Ahhh, once again po I'm Aries Cortez I am only 19 years old but luckily the company accepts a working student." panimula ko.
"Ah, so you're a working student. You must be hardworking and I heard mula kay Ms. Sai na isa ka daw sa pinakamagaling magturo sa company nila ha. At binigyan niya pa ako ng mga cellphone numbers ng past students mo. Maganda ang backgrounds mo hija, ngayon palang excited na akong magkita kayo ng anak ko. Siguradong marami siyang matututunan mula sa'yo." sabi niya na may malaking ngiti sa mga labi.
Oo nga halatang-halata kasi na excited siya. At sino si Ms. Sai? At saan galing yung mga past student ko daw?
Bigla namang dumating ang Butler nila na may kasamang isang katulong na may dala-dalang tray ng mga inumin at pagkain
"Please have some snacks, Ms. Cortez and here's your coffee madam." sabi niya habang inilalagay ang dala nila sa center table.
"Thank you." magalang na tugon ko.
Nagbow naman sila at umalis na.
Tinuloy na namin ang pag-uusap ni Mrs. Romero and I must say that madali siyang makagaanan ng loob, Kwentuhan at tawanan ang pinagsaluhan namin ng halos isa't kalahating oras ng biglang...
"Mom...."
——
BINABASA MO ANG
Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)
ActionNathalie Aries Pattinson also known as Fear of the Phantom Goddesses, has spent most of her life looking for her childhood friend who promised to come back to her. But it's useless to search for someone who doesn't want to be found. She realized tha...