Chapter 22

4.6K 148 7
                                    

NANG matapos na akong magluto ay padabog ko itong inilapag sa harap niya. Mas lalo naman akong nainis nang makita kong nakangisi siya.

"Eat." matigas na pagkakasabi ko at padabog na naupo.

"Alam mo ang pikon mo," natatawang sabi niya sakin.

"Wala kang pakialam, kumain ka na lang." sabi ko

Nakangisi niyang binalingan ang niluto ko at nanlaki ang mga mata at kitang-kita ko rin ang ningning ng mga 'yon. Ako naman ngayon ang nakangisi.

Niluto ko lang naman kasi ang paborito niyang Carbonara kaya ganyan na lang ang naging reaksiyon niya. Thanks to Nightmare, dahil kasama sa pinadala niyang information about kay Kent ang paborito nitong pagkain.

"Kapag ito hindi masarap, sesesantihin talaga kita." pananakot niya sa akin at sumubo.

Mas lalo lang akong napangisi nang sabihin niya 'yon.

Tingnan na lang natin ngayon.

Gusto kong humalakhak nang mapansin kong napatigil siya sa pagkain pagkatapos ay nagtuloy tuloy na siyang kumuha at isinubo sa bibig niya.

"Oh oh, uso ding magdahan dahan Kent." natatawang sabi ko, napatigil naman siya sa pagkain at binalingan ako.

"Did you just called me Kent?" Manghang tanong niya.

"Ah ang ibig kong sabihin, uso ang magdahan dahan Mr. Romero." Sabi ko at umiwas ng tingin.

"I heard you, so don't deny it." Nakangising sabi niya at sumubo ulit ng carbonara. Inilagok muna niya ito bago ulit nagsalita.

"Mali pala ako kanina, ang swerte pala ng mapapangasawa mo." aniya.

"Oo naman, ang sarap ko kayang magluto." proud na sabi ko.

"kaya nga eh, pwedeng ako na lang?" Tanong niya na hindi man lang nakatingin sa akin.

"Ang alin?" Tanong ko

"Ang maswerteng lalaking 'yon." simpleng sagot niya.

Palihim naman akong napahawak sa dibdib ko. Shitzu! Ano na namang nangyayari at biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa simpleng sagot niya na alam kong isang biro lang naman.

Ano ba 'tong nangyayari sakin?

Nabalik naman ako sa aking sarili nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. May tumatawag kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang caller.

Pasaway na Kiara calling...

Binalinangan ko naman si Kent, tumango lang siya sakin kaya tumayo ako at lumayo ng konti para sagutin ang tawag.

["Hello Fear,"] bungad niya sakin.

"Oh bakit?" Tanong ko.

["Ang ganda mo."] sabi niya.

Tsk. Alam ko naman hindi lang siya tumawag sa akin para lang sabihin sakin na maganda ako eh. May kailangan 'to sakin for sure.

"Alam ko hindi mo na kailangan sabihin sakin. What do you want?" natatawang sabi ko.

["Kailangan ko si Sharp Shooter princess."] Diretsong sabi niya na naging dahilan ng pagguhit ng isang ngiti sa aking mga labi.

"Then you called the right person."

["I know."] Sabi niya at kahit hindi man kami magkaharap ngayon, sigurado akong nakangisi na ito.

"Para saan ba?" Tanong ko.

["For my mission."] Sagot nito.

Tumango tango lang ako na para bang makikita niya.

["Meet me at Lim's hotel after 1 hour."] ma awtoridad na sabi niya.

Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon