ILANG minuto rin ang lumipas ay dumating na ang pinadala kong mga pwedeng gumamot sa Blue lake gang. Mga nasa lima sila at medyo napakunot ang noo ko nang mapagtanto kong hindi sila pamilyar sa akin. Agad naman silang nag-bow nang makalapit sila sakin."Trainees of Squad 5 Medic Team, reporting for duty." sabay nilang sabi sabay salute sakin.
Napa-awang naman ang bibig ko, hindi ko inaasahan na mga trainees ang ipapadala ng organisasyon dito. Pero mas mabuti na rin siguro yun, parte rin naman 'to ng training nila.
"Gamutin niyo muna ang apat na ugok na yun." utos ko sa kanila.
"Opo master Fear!" sabay nilang sabi.
Papaalis na sana sila ng tawagin ko ang nag-iisang babae sa team nila, agad rin naman itong lumapit sa akin.
"Yes master Fear." sabi niya.
"What's your codename?" Tanong ko na ikinatigas niya, kitang-kita ko rin ang ningning sa mga mata niya. Anong nangyayari sa kanya?
"T4A master Fear." sabi niya sakin.
Tumango ako sa kanya.
"T4A give me the SO23." Ma awtoridad na utos ko.
Agad naman niyang kinuha ang isang syringe na nakabalot pa at isang maliit na bote na naglalaman ng SO23, isang antidote na nakakatulong para hindi matraumatize ang isang tao.
"Thank you, you may now help them." sabi ko at naglakad papunta sa mag-asawang Sanchez, nagpakilala kasi sila sakin kanina kaya alam ko.
Karga-karga ni Mrs. Sanchez ang anak niyang si Casper at sinusubukan itong patulugin pero hindi niya magawa dahil iyak lang ito ng iyak.
Nang makarating na ako sa kanila ay agad silang humarap sa akin. Pinalapit ko naman si Mrs. Sanchez.
"I need to inject this antidote to Casper." sabi ko.
Nagkatinginan naman silang mag-asawa.
"What for?" tanong ni Mr. Sanchez.
"Makakatulong ito para unti-unti niyang makalimutan ang nangyaring pag-kidnap sa kanya, ang side effects lang nito ay magiging antukin siya pero mawawala rin pagkalipas ng isang buwan. Trust me it'll help him, para hindi siya matraumatize sa nangyari." pagpapaliwanag ko sa kanila.
Tumango naman silang dalawa at sinimulan ko nang isalin ang SO23 sa syringe at ni-inject ko ito sa bata.
Iyak ito nang iyak no'ng una, pero maya maya lang ay naging mahinahon na itong nakayakap sa mommy niya.
"Maraming salamat talaga hija," nakangiting sabi ni Mrs. Sanchez.
"Kung hindi ka dumating kanina baka napano na kami ng mag-ina ko." sabi ni Mr. Sanchez at niyakap ang mag-ina.
"Just doing my job, Mr. And Mrs. Sanchez. Now if you don't mind may itatanong lang po sana ako." sabi ko.
"No we don't hija, what is it?" tanong ni Mr. Sanchez.
"May natatandaan po ba kayong naging kaaway o nakaalitan niyo bago naganap ang pagkidnap sa anak niyo?" tanong ko.
"Wala, wala kaming nakaaway pero last week lang ay may gustong bumili ng shares ko sa company ng mga Yan pero hindi ako pumayag." sagot niya at parang may inaalala.
"Kilala niyo po ba?" tanong ko
"Hindi, hindi ko siya kilala at hindi ko rin siya nakita, tinawagan niya lang ako sa phone ko nung nag-offer siyang bilhin ang shares ko sa mga Yan at wala rin siyang sinabing pangalan sakin." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)
ActionNathalie Aries Pattinson also known as Fear of the Phantom Goddesses, has spent most of her life looking for her childhood friend who promised to come back to her. But it's useless to search for someone who doesn't want to be found. She realized tha...