Chapter 37

3.9K 107 16
                                    


PAPAUWI na ako ngayon at dahil hindi ko dala ang sasakyan ko ay heto ako't naglalakad ng mag-isa habang naka-earphones para hindi masyadong boring. Paliko na sana ako nang may isang pamilyar na pigura ang namataan ko na diretsong naglalakad sa dadaanan ko. Nakatalikod lang siya pero parang kilala ko talaga siya. Bahagya pa siyang lumingon kaya nakompirma ko talaga kung sino siya.

'Ano naman kayang ginagawa ni Lay sa lugar na 'to?' Tanong ko sa aking sarili.

Dala ng kuryosidad ay sinundan ko siya imbis na dumiretso ako sa bahay ko. Patago ko siyang sinusundan na prente lang na naglalakad habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng mga bulsa niya. Malayo layo din ang distansiya ko sa kaniya para hindi niya mapansing sinusundan ko siya.

Kakasunod ko sa kaniya ay napapansin ko na kumukonti nalang ang mga bahay na nadadaanan namin at hindi ko alam pero nagsimula na rin akong kabahan.

'Ano ba kasing ginagawa niya dito?' Tanong ko ulit sa sarili na parang may sasagot sa akin.

Mga tatlong minuto pa ng pagsunod ko sa kaniya ay nakita kong huminto siya bago isinuot ang isang itim na sumbrero at pumasok sa isang eskinita. Susundan ko na sana siya nang biglang may tatlong lalaki ang humarang sa akin.

"Anong ginagawa mo rito miss?" Nakangising tanong niya habang nakatitig sa akin.

Malalaki ang katawan ng dalawang lalaki na nasa harapan ko, 'yung isa naman payatot. 'Yung tipong isang sapak ko lang tulog na agad. Parang hindi rin sila nakaligo at nakapagpalit ng damit sa loob ng isang buwan pati amoy alak din sila.

'Kung minanalas ka nga naman, kung kailan may importante akong ginagawa, 'dun pa sumingit ang mga mukhang singit.' Sabi ko sa isip ko.

"Miss, pipi ka ba at hindi ka sumasagot?" tanong nung isa pang lalaking may malaking katawan.

"Sayang maganda ka pa naman sana kaso pipi lang," ani nung payatot.

"Diba mas okay nga 'yon mga pare kasi hindi siya makakagawa ng ingay kahit anuman ang gawin natin sa kaniya?" Manyak na sabi nung leader nila at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Naiinis talaga ako sa mga lalaking katulad nila.

"Padaanin niyo ako." walang emosyong sabi ko.

"Woah, nakakapagsalita ka pala?" Manghang tanong niya na hindi ko tinugunan.

"Miss alam mo, sumama ka na lang sa amin. Pangako, hindi mo pagsisisihan." Ani nung payatot.

"Move out of my way." Utos ko.

"Woah english 'yun pre. Miss matapang ka ah, mukhang mahihirapan kami sayo."

"Hindi rin pare, tingnan mo ang katawan oh, hindi man lang kumalahati sa mga katawan natin." Ani ni payatot.

Nahiya naman ako sa katawan niyang isang sipa ko lang maghihiwa-hiwalay na. Gusto ko na talagang matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko ang aking sarili, hindi kasi nila deserve marinig ang tawa ko.

"Ano pang hinihintay niyo? kunin niyo na." Utos nung leader nila kaya agad na lumapit sa akin si payatot.

At siya pa talaga ang unang lumapit sa akin ah?

" 'wag kang mag-alala miss, madali lang naman ang gagawin namin sayo kung hindi ka lang aangal eh. Hindi ka pa masasaktan." Aniya at akmang hahawakan na ako nang bigla ko siyang sinuntok sa mukha kaya agad siyang natumba at napasigaw sa sakit.

"Subukan niyo lang akong hawakan at kayo ang masasaktan." Seryoso at may pagbabantang sabi ko.

Bahagya namang napaatras ang dalawang lalaking may malalaking katawan dahil sa aking pagsasalita. Ramdam ko rin ang namumuong takot ng bawat isa sa kanila. Pero agad nakabawi ang leader nila at itinulak papunta sa akin 'yung kasama niya.

Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon