KENT VIRGO~*~
"Will you please stop crying?" Tanong ko sa batang babaeng pakakasalan ko sa future. Kanina pa kasi siya iyak ng iyak, nalulungkot siya dahil aalis na ako papuntang Canada.
"D-Do you really have to leave?" She said between her sobs.
"Yes, but I told you I'll come back." Hindi ko rin naman gustong mapalayo sa kaniya pero doon muna kasi daw titira sila Mommy dahil sa business nila.
"Three years is a long time, are you sure you'll be back?"
"Yes, my Aries and If that time comes sing for me okay?"
Tumango siya pero wala pa ring tigil sa pag-agos ang mga luha niya.
"Just imagine that were playing Hide and Seek. you'll be the Seeker and I'll hide but when your having a hard time on finding me, then I'll show myself to you like I used to when were playing that game okay?"
"Promise?" Aniya.
"I promise."
"Goodbye Virgo." Aniya at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.
Oh, I don't want to leave anymore.
"Goodbye, Aries..."
"Aries..."
"Aries..."
"Aries..."
~*~
"ARIES!" Agad akong napabangon mula sa kinahihigaan ko at agad ding napahiga ulit nang maramdaman ko ang kaunting pagkahilo.
Natatandaan ko na! Si Aries, siya ang kababata ko na pinangakuan kong pakakasalan ko sa future. Kailangan ko siyang makausap para magkaliwanagan kami.
Napaupo ako't inabot ang cellphone na kanina pa pala nagri-ring. Sinagot ko naman agad ito nang makita ko ang pangalan ni Cedrick.
"Hello?" Bungad ko sa kaniya.
["Anong hello? Pumunta ka dito sa school."] Aniya.
"Naknang, sabado ngayon Cedrick!"
["Oo nga pero ngayon pinapakuha ang mga report cards natin at 'pag hindi daw tayo pupunta, isusumbong tayo ni Tita Margarette sa---------Uy Nathalie!"] Hindi niya natapos ang dapat niyang sabihin dahil tinawag niya si Nathalie.
Teka, si Nathalie? Pumasok na siya.
"H-Hey, si Nathalie ba 'yung tinawag mo? Nandiyan siya?"
["Oo, tatawagin ko ba siya kung wala siya dito? Kausap ko pa nga siya nga---"] hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya at tinapos ko na ang tawag.
Mabilis kong inayos ang sarili ko at ginawa ang mga dapat kong gawin pagkatapos ay nagmadaling nagtungo sa R.U.
Naaalala ko na lahat ngayon, I don't know but since that accident I feel incomplete, I know that there must be something missing but I don't know what or who it is. Ngayon alam ko na. Si Aries, siya ang kulang at siya ang bubuo sa akin. At ngayong naalala ko na lahat, kailangan ko siyang makausap.
Pagkarating ko sa room ay nakita ko si Cedrick at agad ko siyang nilapitan.
"Dude bakit mo naman ako binabaan kanina, kailan ka pa natutong babaan ako sa phone ha?" Pagdadabog niya.
BINABASA MO ANG
Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)
ActionNathalie Aries Pattinson also known as Fear of the Phantom Goddesses, has spent most of her life looking for her childhood friend who promised to come back to her. But it's useless to search for someone who doesn't want to be found. She realized tha...