Chapter 44

3.2K 105 8
                                    


PAGKATAPOS ng halos 20 minutes na pagmamaneho ko ay dinala ako ng tracker sa isang subdivision. Pinapasok rin naman ako ng guard nang sabihin kong kaibigan ko sila Corina. Sinundan ko lang ang tracker hanggang sa...

"You have reached your destination." Anito.

Tiningnan ko naman ang bahay na nasa tapat ko. Siguro ay dito sila nakatira. Isinuot ko muna ang cap ko bago ako bumaba. Pinindot ko ang doorbell ng tatlong beses at maya maya pa'y nagbukas ito pero walang tao. Hinanda ko ang aking sarili at naglakad papasok.

Naramdaman kong may papalapit sa akin mula sa likod kaya lumingon ako, at hindi nga ako nagkakamali. Agad kong ipinilig ang ulo para maiwasan ang palasong papalapit sa akin. Sinundan ko ito ng tingin. Tumama ito sa main door. Seriously? I smell fight.

Ibinaling ko ang paningin sa taong papalapit sa akin at hinanda ang sarili. Sinubukan niya akong patirin pero nailagan ko ito, I admit mabilis ang galaw niya pero kahit papaano ay naiilagan ko pa rin ito. Mabuti nalang at hindi niya kasing bilis si Tear.

"Who are you? Pinadala ka ba nila?" Hindi ko alam ang tinutukoy niya pero dun ko lang na realize na ang nakikipaglaban sa akin ngayon ay walang iba kundi si Corina.

Puro ilag lang ang ginagawa ko sa bawat pag-atake niya. Hindi ko akalain na ang isang Nerd na Corina ay malakas pala at magaling sa Martial arts. Ito siguro ang tinutukoy niya noon na kung papakawalan niya, natatakot siyang makapanakit ng iba.

Nang mapagod na ako sa kakailag ay napatid ko siya sa may bandang tiyan pero tansiyado ko ang lakas ko para hindi siya gaanong masaktan. Napalayo naman siya sa akin habang sapo ang tiyan niya.

Lalapitan ko na sana siya nang muli siyang umatake ng sunod sunod. Nang sumuntok siya paitaas ay bahagya akong nakailag kaya sa cap ko dumiresto ang kamao niya dahilan ng pagkahulog nito at pagkagulo ng buhok ko pero bago pa man niya makita ang mukha ko ay nahawakan ko na ang wrist niya at dinala ito sa likod niya. Habang ang isang braso ko ay nakapulupot sa leeg niya.

"Sino ka ba talaga? Anong kailangan mo?" Inis na tanong niya.

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya sabay bulong.

"I am your Fear... Your greatest Fear." Bulong ko na siyang nakapagpatigil sa kaniya mula sa pagpupumiglas.

"Let her go!" Nabaling ang atensiyon sa nagsalita.

Literal na nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako at dahan dahan niyang naibaba ang baril niya na kanina lang ay nakatutok sa amin.

"N-Nathalie..." banggit ni Lay sa pangalan ko.

Binitawan ko na si Corina at agad siyang napaharap sa akin.

"W-Who are you?" Tanong niya. Paulit-ulit lang?

" 'yung yellow highlight sa buhok niya... It resembles Fear of P-Phantom Goddesses." Ani Anthony na nasa gilid lang ni Lay katabi niya si Jack na may dalang bow. Siya siguro 'yung nagpalipad sa akin ng palaso kanina.

Kinuha ko ang cap ko na nahulog kanina at muli itong isinuot.

"We need to talk... Cryptic Gang."

**

NANDITO kami ngayon sa loob ng bahay nila. Walang nagsasalita at pare-pareho kaming nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Maya maya pa ay dumating si Corina na may dalang inumin. Inilapag niya ito sa center table at pagkatapos ay umupo sa tabi ni Lay.

"Nathalie ikaw ba talaga 'yan?" Tanong niya.

Binigyan ko siya ng isang tango. Napayuko naman siya.

"Sorry sa nagawa ko kanina ah," aniya.

"It's okay Corina."

Gulat naman siyang napatingin sa akin.

Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon