PAGKARATING namin sa Cafeteria ng school ay excited na hinila niya ako sa isang mesa kung saan nakaupo ang tatlong lalaki, siguro sila na yung sinasabi niyang mga kaibigan niya. Pinaupo niya ako at mukhang hindi pa kami napapansin ng tatlong lalaki na nagbabangayan at pinagaagawan ang isang notebook."Lumayo nga kayo sakin, pagsasapakin ko kayo eh!" sabi nung isa habang pilit na itinataas ang hawak niyang notebook.
"Pakopya nga sabi eh, eto naman ang damot damot!"
"Oo nga wag ka nang madamot Lay! para naman tayong walang pinagsamahan niyan eh."
"Ehem, ehem" pag-fake cough ni Corina.
Mukhang hindi effective ang pag-fake cough niya, kasi hindi parin nila kami napapansin at busy parin sila sa pagbabangayan.
"Ehem, ehem" ulit ni Corina pero hindi parin effective.
Tumayo si Corina at piningot ang tainga nung dalawang lalaking pilit na inaabot 'yong notebook.
"ARAY!" daing nung dalawa.
"Yan, buti nga sa inyo kanina ko pa kasi kayo tinatawag hindi niyo naman ako pinapansin!" Inis na sabi ni Corina.
"Pasensya naman, eto kasing si Lay eh, ayaw kaming pakopyahin!"
"Aba dapat lang no! pano kayo matututo kung palagi na lang kayong kumukopya kay kuya Lay? Tsaka isa pa hindi na kayo nahiya, may kasama pa naman ako rito." sabi ni Corina at tinuro ako.
Nakatingin ngayon silang tatlo sa akin. I Akwardingly smiled and waved my hand at them.
"H-Hi" nag-aalangang sabi ko.
"Sino siya?" tanong nung isang lalaki.
"Bagong friend ko. Si Nathalie." Pagpapakilala ni Corina sa akin.
"Talaga? Kung ganun pala kaibigan ka na rin namin, ako nga pala si Anthony." pagpapakilala niya sa akin.
"At ako naman si Jack."
"Nice to meet you Anthony and Jack, I am Nathalie Santos." sabi ko at nakipag-shake hands sa kanilang dalawa.
Habang yung isa naman ay nanatiling nakatitig parin sakin. Ahm may dumi ba ako sa mukha? Wala naman siguro diba?
"Ehem." pagpaparinig ni Anthony at mukhang effective naman dahil mukhang natauhan siya.
"I am Lay Heinz, kuya ni Corina." sabi niya at nakipag-shake hands.
At nung mismong araw na yun, kahit hindi naman parte ng misyon ko, ay nagkaroon ako ng mga panibagong kaibigan sa R.U.
**
AGAD akong napabangon at pinatay ang alarm clock kong kanina pa nagri-ring. Panibagong araw na naman, panibagong araw para sa misyon ko.
Ginawa ko na ang gawain ng isang estudyante at lumabas na ng kwarto para kumain ng agahan at pagkatapos kumain ay agad na rin akong pumasok. Kailangan kong panindigan ang pagiging scholar kahit hindi pa 'yon totoo, baka kasi may makahalata at magtaka kung bakit palagi akong late tapos isa akong scholar.
Nang makapasok na ako ng R.U. ay nakasalubong ko si Tear, pero nilagpasan lang namin ang isa't-isa na parang hindi kami magkakilala. Nasanay na kaming gawin 'to. Ang hindi magpansinan kapag nasa mga ganitong lugar. Kailangan kasi namin itago ang true identity namin at isa ito sa mga paraan para hindi kami madaling makilala. Ganito rin ang ginagawa namin nila Shadow at Harm nung sa St. Anthony pa ako pumapasok.
Alam kasi naming marami ng mga gangs ang gustong makaalam ng totoong pagkatao namin. Gusto nilang makita ang mga mukha namin sa likod ng aming maskara. Iba't iba ang kanilang mga dahilan. Ang iba gusto lang malaman ang totoong pagkatao namin dahil humahanga sila sa amin, ang iba naman ay gustong malaman ang totoong pagkatao namin dahil pinaplano nila kaming burahin sa mundo. Pero pasensya sila, wala pa kaming plano na tanggalin ang mga maskara namin at ipakita sa kanila ang mga magagandang mukha namin.
BINABASA MO ANG
Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)
ActionNathalie Aries Pattinson also known as Fear of the Phantom Goddesses, has spent most of her life looking for her childhood friend who promised to come back to her. But it's useless to search for someone who doesn't want to be found. She realized tha...