Chapter 32

4.1K 143 19
                                    


PAGKAPASOK ko sa loob ng bahay na tinutuluyan ko ay agad kong inihagis ang katawan ko sa malambot na sofa hanggang sa pumasok na naman sa isip ko ang deal namin ni Kent kanina.

Alam kong wala na 'yun sa plano ko bilang isang tutor niya pero pumayag pa rin ako. Bakit nga ba? Minsan hindi ko na naiintindihan ang sarili ko eh. Gumagawa ako ng plano pero nababaliwala lang naman pagdating sa kanya, minsan hindi ko mapigilang mapangiti 'pag bahagya siyang napapakamot sa ulo niya. At bigla bigla na lang lumalakas ang tibok ng puso ko 'pag may sinabi siya tungkol sa akin at tinitingnan niya ako sa mata kagaya nalang nung ipinagluto ko siya ng paborito niyang Carbonara.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi dapat siya ang iniisip ko ngayon. May misyon akong dapat tapusin at siya ang may hawak ng susi para malaman ko ang tunay na pagkatao ng Cryptic Gang. Lead ko siya, yun lang ang papel niya sa misyon ko wala nang iba.

Tumayo ako at kinuha mula sa bag ko ang notebook na bigay ni Nightmare at binuksan ito. Pinindot ko ang button sa likuran at lumabas ang isang folder sa screen na aakalain mo ay isang papel lang. Pinindot ko ang folder at lumabas ang isang picture ng computer monitor ni Kent kanina na kinunan ko. Pin ang password niya at binubuo ito ng walong digits at 'yun ang kailangan kong malaman.

Pero dahil hindi ko nga forte ito ay hihingi nalang ako ng tulong mula sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at dinial ang number ni Harm. Nakalimang ring pa bago niya ito sinagot.

["The number you have dialed is currently having her dinner plea---"]

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya at nagsalita na rin ako.

"Hello, Harm?"

["Fear?"] Tanong niya.

"Sabi ko na nga ba eh, hindi mo na naman tiningnan kung sino ang caller at basta basta mo nalang itong sinagot." Sabi ko.

Ganyan talaga siya, minsan lang niya tinitingnan kung sino ang caller ng phone niya at diretso lang niyang pinipindot ang answer button. Paano ba naman, eh busy 'yan kakaharap sa pinakamamahal niyang computer.

["Err, I'm having my dinner. That's why."] Palusot niya.

Oo palusot niya dahil hindi ako naniniwalang kasalukuyan siyang kumakain ngayon. 8 pm na at sa pagkakaalam ko, ang schedule ng dinner niya ay tuwing 6 pm. May schedule 'yan palagi at palagi niya rin 'yung sinusunod. Hanga nga ako sa kanya eh, ang galing niyang mag manage ng oras, nahawa siguro kay Nightmare.

"At umasa kang maniniwala ako Harm. For all I know, nakaharap ka na naman sa computer mo." natatawang sabi ko.

["Fine, I am checking the underground website."] Pag-amin niya.

Napatigil naman ako sa pagtawa nang malaman kung ano ang ginagawa niya.

"Uhm, so baka may balita ka tungkol sa Cryptic gang?" Tanong ko.

["Wait, let me check."] Aniya at hindi na ako sumagot pa.

Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa amin pero agad din 'yung natapos nang magsalita na siya.

["Ganun pa rin naman ang status nila Fear, nasa rank 7 pa rin sila at hindi pa sila lumalaban ulit simula nung makalaban nila ang White Devils Gang."] Aniya.

Kung ganun ay nananahimik muna sila ngayon. Pero malakas ang kutob kong, ang panandalian katahimikan nila ay mapapalitan din ng ingay pero bago pa sila makapag-ingay ay uunahan ko na sila.

["Fear, kumusta pala ang ginagawa mong hakbang para makakuha ng impormasyon galing sa lead mo?"] Tanong niya.

"Nagawa ko na ang unang hakbang ko Harm, nakalapit na ako sa computer ni Kent."

Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon