Chapter 17

4.7K 164 15
                                    


Tatlong linggo na ang lumipas simula nung gabing nakaharap ko ang Blue Lake Gang. Tatlong linggo na rin akong pumapasok sa Raikuzan, kumakain sa Cafeteria kasama sila Lay, pumupunta sa bahay ng mga Romero bilang isang tutor at pabalik-balik sa Cleo's Club at nagbabakasakaling makikita ko ang Cryptic gang doon. Pero kahit anino nila hindi ko nasilayan.

Alam kong ang bilis ng takbo ng oras, kaya kailangan ko ng bilisan ang pagkilos ko. May apat na linggo na lang akong natitira para tapusin ang misyon ko. At hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikilala ang Cryptic gang.

Napaangat ang tingin ko nang magsalita si Mrs. Jill sa harapan.

"Good morning class, gusto ko lang na malaman niyo na nagkaroon kami ng meeting kahapon. At napagdesisyunan ng ating Director na si Ma'am Margarette na uunahin muna natin ang quarterly exam bago mag Aquaintance party."

At sumunod agad ang mga sari-saring reaksiyon ng mga tao dito.

"Oh my gosh"

"I can't believe this"

"Tsk. Aral na naman yan"

"I don't want to get stressed pa naman, baka 'pag party na pumangit ako"

"Ang arte mo naman. Matagal ka ng pangit no"

Lihim naman akong natawa sa sinabi ni Kate, yung huling nagsalita.

"Shhh, class quite. Magaganap ang exam 2 weeks from now kaya magfo-focus na tayo ngayon sa mga lessons natin. At para maging mas madali ang pagre-review, mahahati kayo sa limang grupo at bawat grupo ay may limang miyembro. Ako na ang gumawa ng groupings, tingnan niyo na lang sa bulletin board natin mamaya."

Matapos niyang sabihin yun, ay sinimulan na niya ang klase namin para sa araw na ito.

**

NAKAUPO ako ngayon sa isa sa mga bench dito, pinagmamasdan ang bawat taong dumadaan. Nag-iisip kung ano ang susunod kong hakbang. Isa nalang talaga ang nakikita kong paraan. Kailangan ko ng gamitin ang unang lead ko para sa misyong ito. Si Kent.

Siya na nga kaya ang susi ko para matapos ang misyong 'to?
Siya na lang ba talaga ang tangi kong pag-asa para makilala ang Cryptic gang? Sana nga.

"Nathalieeeeeeee!" napalingon ako at hinanap kung sino ang nagmamay-ari ng ginintuang boses na 'yun. Nakita ko naman si Corina na tumatakbo papunta sa akin.

"Nathalieeeee!" sigaw niya ulit.

Bakit ba siya sumisigaw? Hindi ba niya alam na marami nang nakatingin sa kanya ngayon?

Hingal na hingal siya nang makarating siya sa kinaroroonan ko. Sapo niya ang kanyang dibdib habang ang isang kamay ay nakatukod sa kanyang tuhod. Nang nakontrol na niya ang paghinga niya, ay umupo na siya sa tabi ko.

"Whooo! nakakapagod yun ah." sabi niya na para bang first time palang niyang nakatakbo ng ganun kabagal.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na tumakbo ka?" Tanong ko.

Napapout naman siya.

"Grabe ka naman Nath, kanina pa kaya kita hinahanap kasi may sasabihin sana ako sayo, tapos ganyan ka pa sakin." sabi niya na parang batang nagtatampo.

Oo, childish siya pero mabuti siyang tao at higit sa lahat totoo siyang kaibigan. Pati na rin sila Lay, Jack at Anthony.

"Ano ba kasi ang sasabihin mo? gaano ba 'yan ka importante at tumakbo ka pa ng ganun kabagal para lang puntahan ako."

"Anong mabagal? Ibinigay ko na nga ang 100% ko sa takbong 'yon eh."

"Mabagal ka parin."

"Edi ikaw na ang mabilis tumakbo. Anyways itatanong ko lang sana kung alam mo na ba kung sinu sino ang mga magiging ka grupo mo."

"Hindi pa. Mamaya nalang siguro, wala naman akong pakialam sa mga ganyan eh. Siguro mas magiging komportable ako 'pag mag-isa lang akong nagre-review."

"Waaah 'wag kang ganyan Nath. Hindi mo ba alam na ang gu-gwapo ng mga ka-group mo. Iiiiiih! Sayang nga lang at hindi tayo magka-grupo." kinikilig na sabi niya sakin.

Magsasalita na sana ako nang may dumaan na isang grupo ng mga Clowns at pansin ko ang mga matatalim na tingin nila sakin. Sa sobrang talim ay aakalain mong nakakapatay ang mga 'yon. Huminto sila sa harap namin at parang mga timang na nagpose. Ano sila Sailor Moon? Hindi rin pala ang layo kasi ng itsura.

"You! Kung mahal mo pa ang buhay mo, lalayuan mo ang Dark Knight Gang, lalong-lalo na si Danger." Grace said while pointing at me.

"Subukan mo lang lumapit sa Stranger ko at sisiguraduhin kong mawawala ka na sa mundong 'to." Mapanganib na sabi ni Shara.

Naramdaman ko naman na napahawak sa braso ko si Corina.
Ramdam ko rin ang mga tingin ng ibang estudyante. Shitzu! Nakakakuha na kami ng atensiyon dito dahil sa mga clowns na 'to.

"How did you make pasok to their group ba? You're not even maganda." Maarteng sabi ni Hazel.

"Siguro binayaran mo yung ulyaning teacher na 'yon para maka-grupo mo ang DKG." Pang-aakusa ni Mindy.

"Oh girl pano niya 'yon mababayaran, she's poor kaya." Ani Danica.

"Yeah right, siguro nagmakaawa siya do'n sa pangit na teacher na 'yon at dahil pareho silang losers, pumayag si Mrs. Jill." Ani Mindy.

Ano bang pinagsasabi nila?

Nabaling naman ang tingin ko kay Corina nang marahas siyang tumayo.

"Hoy! mga mukhang Coloring book! 'Wag na 'wag niyong pagsasalitaan ng ganyan ang kaibigan ko ah, palibhasa kasi mga insecure lang kayo dahil naka-grupo niya ang ilan sa mga miyembro ng DKG!"

Halata namang nagulat ang mga clowns sa sinabi ni Corina. Ako rin naman eh, hindi ko inakalang kaya niya yung sabihin sa harap nila. Agad na nakabawi sa pagkagulat si Grace.

"Aba, aba, aba may pinaglalaban si Nerd. Kailan ka pa ba natutong sumagot-sagot sa amin ha? Baka nakakalimutan mo kung sino kami." sabi ni Grace at tiningnan siya ng matalim.

Pero napakunot ang noo ko nang nakipagtitigan din siya at walang takot sa kanyang mga mata.

Galit. Yun ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya.

"Aba't ginagalit mo talaga ako ah," Grace at akmang sasamapalin si Corina pero mabilis akong tumayo at sinalo ang kamay niya.

Nakahawak ako ngayon sa wrist niya habang matiim na nakatitig sa kanya. Hindi niya pinapakita pero halatang tinatago niya na nasasaktan siya sa paghawak ko ng wrist niya.

"Don't. You. Dare. Slap. Her." matigas na sabi ko sa kanya.

"A-at sinong tinatakot mo?" Tanong niya.

Tss. Halata namang takot ka eh.

"No one." simpleng sagot ko.

"Let go of me, your hands are dirty." maarteng sabi niya habang pilit na kumakawala sa paghawak ko.

I smirked.

"But not as dirty as your personality." sabi ko sa kanya at binitawan siya.

Napahawak naman siya sa wrist niya na namumula na. Namula agad yung wrist niya? Eh hindi ko na nga masyadong hinigpitan para hindi masyadong masakit.

"YOU! I swear you're gonna pay for what you've done to me." sabi niya tsaka umalis. Sumunod naman agad sa kanya ang mga utusan niya.

Tiningnan ko naman si Corina

"You okay?"

Tumango naman siya ng ilang beses.
Napabuntong hininga nalang ako at napalingon sa ilang pares ng mga matang nakatingin ngayon sa amin... Dark Knight Gang.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at umalis na, ramdam ko naman ang pagsunod ni Corina sakin.

Oh God, what have I done?

——

Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon