"BEBEKOY!!"
Shit! Wala talaga syang kasing kulit! Halikan ko kaya para tantanan na ako?!
Kyaaaaahhh!! Ayoko! Baka magalit ang pinakamamahal kong si Seven!
"Huh? Sino yon?" si Winona.
"Bebekoy daw,kaw yon Koy?" si Brylle.
"Malamang,sya lang Koy dito eh." ani naman ni Eriol.
"Ayon oh? May gwapong palapit dito." sabi ni AB sabay turo kay Admeen na nakangiti ng malapad habang lumalapit. Gwapo din talaga tong lalaking manika na to eh. Hindi ako makapag salita pa ng matino dahil sa hikaw sa dila,tatlong araw pa lang ang nakakalipas mula nung initiation.
Si Papa nga nagtataka bakit hindi daw ako nagsasalita at nagkukulong lang sa kwarto,lagi pang noodles kinakain ko. Sinasagot ko sya sa pamamagitan ng text.
"Hi Bebekoy! Kamusta na? Namiss kita ah?" nakangiting sabi ni Admeen ng makalapit. Sabay sabay naman nagsi-taasan ang mga kilay ng apat. Natigil talaga kami sa paglalakad papunta sa cafeteria. Sila pa din kasama ko,sabi ni Seven kay Admeen na sabihin daw sa akin na next week pa kami pwedeng sumama sa gang at sumama sa mga lakad at activities nila. Kainis nga eh,miss na miss ko pa man din sya.
"Sino ka?" - Eriol at Brylle yan na nakakunot.
"Who you? Textback" - Winona.
"?" - AB
"Ah eh guys sya nga pala si Admeen,Admeen mga kinakapatid ko si Brylle at Eriol,tropa din namin sina AB at Winona." ani ko at nakipag shakehands naman ang mga baliw.
"Ano mo sya?" sabi nilang apat.
"Kaibigan ko--"
"Manliligaw nya" pagputol ni Admeen sa sasabihin ko sabay ngisi. Promise,napanganga yung apat. My gawd! Hindi ba sila makapaniwala kahit etching bagatsing matsing lang yon? Ganda ko kaya!
"Ah eh,sige guys! Dyan na muna kayo!" naka ngiting sabi ko sabay hila kay Admeen palayo sa apat.
Naka layo na kami ng harapin ko ang walangya.
"Anong BEBEKOY? At anong pinagsasabi mo dyan?!" ani ko na taas kilay pa. Masindak sya dapat.
Pero ngumiti lang sya bago sumagot.
"Bebe na tawag ko sayo,tas Koy pangalan mo,edi BEBEKOY! Astig no?"
"Tse!" at inirapan ko sya at napunta ang tingin ko sa isang grupo na palabas ng isang building. Ang gang!
"Admeen,hayon ang gang oh!" Ani ko sabay turo sa mga ito.
"Ano naman? Next week pa tayo pwede makipag bonding sa kanila. Hindi pa ata sila handang harapin ang tulad nating anak ng Diyos." nakangiti na naman nyang sabi. Sa totoo lang ha? Napaka optimistic nya,nasasapawan ako.
"Dyan ako agree sayo! Parang wala kang paso ah? Patingin nga?" sabi ko naman. Nacurious kasi ako sa paso nya kung anong itsura.
"Sige ba,tara sa CR,ayaw ko dito baka kung ano isipin nila." anito at hinila ako papunta sa pinaka malapit na building. Ang department ng mga HRM. Pagkadating sa CR ay agad nyang inililis pataas ang polo nya at ibinibaba ng kaunti ang pantalon nya.
Kumabog dibdib ko. Ang kinis at puti nya tapos madudungisan ng paso? At ano ito? Ang ganda ng abs nya kahit hindi pa well develop. Napatingin ako sa ibaba pa. Bakit parang ang baba ng brief at pantalon nya? Kitang kita na ang V-line.
"Nasan ba?" sabi ko habang nakayuko.
"Dito." at tumagilid sya. Medyo hindi pa magaling. Nakakahinayang yung balat nya,daig pa nya ako.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI - this is the Story of KOY, ang nag iisang anak ni Koy (yung bestfriend ni page). subaybayan nantin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya ;)