Hiningal ako dahil sa bilis ng takbo ko. Nanlalamig din ang katawan ko dahil sa pawis at sa hangin.
Dahil gabi na ay tahimik na ang paligid. Ako na lang ang mag isa dito. Tiningnan ko ang paligid. Nasaang parte na ba ako ng subdivision? Nakakatakot,puro kuliglig ang nadidinig ko. Napaupo ako sa sobrang pagkahingal.
"Ang bilis mong manakbo. Kalahi mo ba si Petrang kabayo?" sabi ng isang boses kaya napatayo ulit ako.
"Ikaw?" ang gulat kong tanong. Ito yung teenager na kasama ni Pepsi. Yung sinasabi nyang sobrang pasaway.
"Oo ako nga. Ako si Adkyn Villamarin." anito at inayos ang sombrelo. Ang siga nyang kumilos. At may hikaw pa sa kanang tenga at panay nguya ng bubble gum.
"Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka na dun baka hinahanap ka na ni Pepsi." sabi ko at tumingin sa paligid.
"Ayokong kasama ang panget na matandang yon. Ikaw bakit ka umalis? Ganyan eksena ng mga baklang nabigo eh." anito at tumawa. Ngalingaling batukan ko sya. Langya pasaway nga.
"Eh bakla naman talaga ako ah? Alis na. Bumalik ka na dun!" sabi ko at tinalikuran sya.
"Ang arte mong bading. Pasalamat ka nga at sinundan kita. Ang layo ng tinakbo ko tas papabalikin mo ako agad agad?" anito. Hinarap ko sya at nakapamulsa na sya.
"Hoy! Mas matanda ako sayo,gumalang ka."
"I know. Obvious naman na matanda ka na. So babalik ka ba kasama ako o iwanan na kita dyan."
"Ayokong bumalik dun. Not now." sabi ko at pinigil ang maiyak. Baka makita nitong Adkyn at pagtawanan ako.
"Dahil ba sa narinig mo? Ako nga kahit ayoko kay Pepsi sumasama pa din ako. Kahit na mukha na kaming tanga dahil sa ginawa ng mga magulang namin. Lalo na ako pagtatawanan ako ng mga kakilala ko pag nalaman nilang engaged na ako,at sa mas matanda pa sa aking lalaki. Iisipin nilang bakla ako,pero ayos lang,para sa mga magulang ko gagawin ko lahat." mahaba nyang sabi at hindi ko maiwasang mamangha. "Ikaw may nadinig ka lang nag emote ka na."
"Wala kang alam." ang mahina kong sabi. Tangena pati bata pinapangaralan na ako.
"Siguro nga. Pero bakit hindi ka sumama sa aking bumalik dun para maging klaro ang lahat?" anito at nagsindi ng sigarilyo,nanlaki agad ang mga mata ko.
"Hoy! Stop that! Bata ka palang nagyoyosi ka na!" ang agad kong suway dito. My gad? Maagang masisira ang baga nya!
"Only if sumama ka pabalik." nakangisi nyang sabi at humithit buga. Napabuntong hininga ako.
"Okay. Lets go." sabi ko at itinapon nito ang sigarilyo.
Pagbalik namin sa bahay ay tahimik na at patay na ang ibang ilaw. Nanghinayang ako,may bukas pa naman.
"Damn that fucking asshole! Iniwan ako?! Wala akong pamasahe! Gago nya talaga!" nanggigil na sabi ni Adkyn.
"Ganyan ka ba talaga? Gangster?" tanong ko. Parang nakikita ko sa kanya si Seven.
"Paki mo? Makapag lakad na nga pauwi." anito at tumalikod na. Iba na talaga mga teenager ngayon.
"Huwag na! Sa guest room ka na matulog. Susunduin ka naman siguro ni Pepsi bukas."
"Buti naman! Antok na ako eh!" inis na sabi ni Adkyn at inaya ko na syang pumasok sa bahay. Panay na ang hikab nya.
Sinamahan ko si Adkyn sa guestroom,binilinan ko na puntahan ako sa kwarto kung may kailangan sya.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay nakahiga na dun si Seven,lamp shade lang ang ilaw,at sa study table nakapatong ang isang RH.
Hindi ko alam kung tatabihan ko sya o hindi. Buntis si Cheena at hindi pwedeng hindi sya ang ama. Nakikita ko ang mga lambingan nila kaya hindi sila makakapag deny sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]
Художественная прозаBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI - this is the Story of KOY, ang nag iisang anak ni Koy (yung bestfriend ni page). subaybayan nantin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya ;)