NOTE: paki click ang video sa Multimedia para madama nyo ang kanta ;)
Nang bumalik kami sa private room ni Seven ay nagkakagulo na,hindi pa kami nakaka pasok ay inilabas na si Seven ng mga duktor at nurse. Natatarantang sumunod kaming lahat,ni hindi ako nakapagtanong. At ng ipasok sa operating room si Seven ay dun ko napagtanto ang lahat.
"This is what Admeen wants. Na sa oras na bawian na sya ng buhay ay agad mailipat ang puso nya kay Seven." ani Papa at hinigit ako ng yakap.
"Pa,Koy. Kayo muna ang bahala dito. Sasaglit lang ako sa mga magulang ni Admeen,at para makita ko din si Admeen." ang sabi ni Mama. Nagyakapan muna kami bago sya umalis.
Tulala akong napa upo. Tumabi sa akin sina Papa at Pepsi. Pero si Cheena ay nanatiling nakatayo at panay ang iyak. Pati ako tuloy ay naiiyak na din.
Akala ko hindi nangyayari ang ganito. Akala ko kwento lang yung pagbibigay ng puso ng kuya ni Ninong Page dun sa Yuweh. But its true. Its really happening. Tumulo na ang mga luha ko at isinubsob ko ang aking mukha sa aking mga palad. Kailan ba ako mauubusan ng luha?
"Matatagalan ang operasyon anak,so I suggest na puntahan mo muna si Admeen." ani Papa at inakbayan ako. "Matatapos din ang lahat ng paghihirap nyo." dagdag pa ni Papa.
"Samahan na kita Koy." ani Pepsi,tumayo na kaming dalawa at lumapit kay Cheena.
"Cheena." mahina kong pagtawag,marahan nitong pinunasan ang kanyang mga luha at humarap sa akin.
"Ang hirap pala no? Parang ako yung nasa loob." aniya at malungkot na ngumiti. Ganun din ang ginawa ko,kasi pareho kami ng nararamdaman.
"Kaya mo yan. Magpaka tatag ka. Im sure gusto ni Seven na pag gising nya,nandyan ka." sabi ko at hinawakan ang kanyang mga kamay.
"Salamat. Pero hindi naman nya ako mahal. Ako lang itong makulit,umpisa pa lang nilinaw na nya,matigas lang ulo ko kasi mahal ko talaga sya. At ngayon nasa loob sya ino operahan,hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko." aniya at lumuha pa din. "pero alam kong ikaw ang higit na nasasaktan,lalo na sa kinahantungan ni Admeen."
Pinuno ko ng hangin ang aking baga,ayoko munang umiyak. "Wala na naman tayong magagawa dun eh. Basta ang gusto ko dito ka lang,bantayan at alagaan mo si Seven,uuwi ako at pupuntahan ko si Admeen,babalitaan ko din ang tropa namin." ani ko at niyakap si Cheena,ngayon tanggap ko na talaga,hindi para sa akin si Seven,kailangan kong isaksak sa kukote at puso ko na kapatid ko sya.
Umuwi muna kami ni Pepsi,naligo na ako at pagkatapos ay tinext ko ang buong tropa,lahat sila ay nagulat,tumatawag sila pero hindi ko sinagot kahit isa.
Nakatanggap ako ng text galing sa Mama ni Admeen na nasa chapel na daw sila para sa interment ni Admeen. Bumuntong hininga ako. Ilang beses na ba akong bumubuntong hininga? Hindi ko na mabilang.
Tinext ko si Pepsi na sunduin na ako,at ng makarating kami sa Chapel ay nagsimula ng mangilid ang aking mga luha. Nandun na sa altar ang kabaong,hindi ko alam kung kaya ko bang tingnan si Admeen na nakahiga sa loob nun.
Pagpasok namin ay sinalubong kami ng mga magulang nya. Pareho ko silang niyakap.
"Gusto nyo ba syang tingnan?" ang nanginginig na sabi ni Tita.
"Alam naming matutuwa yon dahil ikaw ang unang unang pumunta." sabi naman ni Tito. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko kaya tumango na lamang ako.
Paglapit ay nanginig na naman ako. Para lang syang natutulog at napaka gwapo pa din nya. Nag unahang umagos ang mga luha ko. Bumuhos ang mga alaala na magkasama kami.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI - this is the Story of KOY, ang nag iisang anak ni Koy (yung bestfriend ni page). subaybayan nantin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya ;)