"Excuse me? Hindi ko kailangan tingnan ang katawan ng boyfriend mo! Dahil may katawan din ang boyfriend ko!" sagot kong ganyan kay Jecca sabay hila kay Admeen papunta sa harapan ko. Nanlaki mga mata ni Jecca,nagulat si Admeen at tumaas ang mga kilay ni Seven. "See? Yan ang katawan! Kita mo nanlaki mga mata mo!"
"Duh? My gosh! Papansin ka talagang parrot ka!" inis na sabi ni Jecca. Hahaha! My god ito ba ang babaeng ipapalit sa akin ni Seven? My gaaawwdd!
"Hahahahaha! Pinapatawa mo ba ako teh? Baka FAGGOT hindi PARROT! wahahaha kaloka ka!" at hinalakhakan ko sya,ang mga gang member naman nagpigil ng tawa,lalong nag ngitngit ang Jecca.
"Tama na yan. Nandito tayo para mag saya. japs,Ben,Ien ihanda nyo na mga pagkain. At ang iba,bumalik kayo bago maghapunan." ang seryosong pag interfere ni Seven. Napatingin na naman ako sa katawan nya. Hudas na to,talagang nananakam?
"Halika na Bebe,tinatawag na ako ng karagatan habang may araw pa." sabi ko at hinila si Admeen papunta sa pampang.
"Ang saya ko! Woohh!!" biglang sigaw ni Admeen na pinagtaka ko.
"At bakit?" tanong ko habang lumulusong kami sa tubig. Ang sarap sa pakiramdam,maligamgam ang tubig.
"Kasi sinabi mo sa kanilang boyfriend mo ako bebe." sagot naman nya na ang lawak ng pagkakangiti. Gwapo talaga ng impaktong to. Kung hindi ko lang mahal si Seven,baka nagustuhan ko na sya.
"Isang malaking joke yon no? Para hindi ako magmukhang kawawa sa Jecca na yon. Huwag kang assuming Admeen James Quiambao." nakangisi kong sabi. Akala ko ma o-offend sya pero nakangiti pa din sya.
"Basta! Yun na yon,nasabi mo na eh." aniya at sinabuyan ako ng tubig. Nagsabuyan kami. Akala nya mananalo sya sa akin eh kakampi ko ang tubig dagat?
Ayon,sumuko din ako,ang dami kong nainom na tubig dagat,panay dighay ako syet! "Langya ka! Binusog mo ako sa tubig dagat!"
Tawa sya ng tawa kaya tinulak ko sya,agad syang lumubog sa tubig,kaya nanakbo ako. Ng umahon sya ay hinabol nya ako. Ang hirap maglakad at tumakbo sa tubig! Bakit kasi ayaw lumabas ng buntot ko?
"Huli ka!!" sunggab nya sa akin at niyakap ako mula sa likuran,sobrang dikit kaya ramdam ko ang pagkalalaki nya. My gaawwwd! Ooh tuksooo! Layuan mo akooo!
"Bitaw na! Tinutuhog ako ng junjun mo!" sabi kong ganyan pero mas diniinan nya pa.
"Buti nga dyan lang eh! Edi damahin mo na lang!" tumatawa nyang sabi. Siniko ko nga,ayan,napabitaw sya.
"Pervert! Kung katawan ko lang ang habol mo,na ang korte ay pang coke,hindi mo ako matitikman!"
"Hahahahaha! Mr.Suave?"
"Hoy! Ang sweet nyong dalawa dyan ah?" sigaw ni Japs. Paglingon namin,naglalaro pala sila ng beach volleyball. Sa palagay ko,sya,si Ben at Ien ang magiging talagang kaibigan namin ni Admeen sa gang na ito.
"Baka kayo magkatuluyan!" segunda ni Ien.
"Ninong ako!" dagdag pa ni Ben.
"Sana nga mga tol!" ganting sigaw ni Admeen. Ang lakas talaga ng fighting spirit!
"Tara na maghapunan! Nakabili na din kami ng alak!" tawag ng isang gang member. At dun ko lang napansin na kulay violet na ang langit at sumilip na ang buwan at umaahon na din ang ibang mga tao. Kaya umahon na din kami. Pagdating sa cottege namin ay nakahanda na nga yung mga pagkaing binili namin ng KKB,mga baliw,KKB daw pero pinagsama sama.
Nauna na akong nagbanlaw,si Admeen mamaya na daw pag tapos ng mag inuman para pang tagal tama ng alak kung sakali. Medyo nanghihinayang ako na hindi ko nakitang naglangoy si Seven,sayang ang ganda ng katawan nyang nakakatakam hindi ko din naman nakitang basa! Bwiseeet!
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI - this is the Story of KOY, ang nag iisang anak ni Koy (yung bestfriend ni page). subaybayan nantin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya ;)