Pagkatapos ng paghaharap na iyon ay maaga kaming umuwi ni Papa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nya,pero siguradong pinag uusapan na kami sa kompanya.
"Tawagan mo si Seven,tell him na pumunta dito sa bahay. Kailangan natin itong pag usapan." ani Papa pagkababa namin sa kotse.
"I dont think that's necessary Pa. Pabayaan na lang natin yan. Ayaw kong mag away kayo ng asawa mo dahil dito. Oo at galit ako sa kanya,pero ayoko ng gulo." ang sabi ko naman,nilingon ako ni Papa at tinitigan.
"Anong iniisip mo Koy? Anong gusto mong mangyari?" ani Papa at namulsa. I can't afford to hurt him,ayokong mag away sila ni Cheska dahil sa amin ni Seven.
"Lilipat na lang po ako sa company ng mga Montenegro at babalik muna ako kina ninong Kurt." ang diretso kong sagot. I think,that's the only way para makakilos at makahinga ako ng maluwag,ang dumistansya pero hindi ang mawala.
"Ganon ba? Edi kami na lang ng Mama mo ang mag uusap? Still,papupuntahin ko pa din si Seven. Ano,dito ka uuwi ngayon o sa mga ninong mo?"
"Kina Ninong na lang po. I'll call Eriol." ani ko at tinawagan si Eriol. Nang dumating ito ay saka lang pumasok sa loob ng bahay si Papa pagkatapos akong halikan at magbilin kay Eriol.
"Kinakapatid,anong nangyari? Bakit lilipat ka ulit sa bahay?" ang pag usisa ni Eriol habang nagmamaneho. "Hindi ako pupunta ngayon sa Club Ford,you need to tell me what happened." ang dagdag pa niya.
Huminga ako ng malalim,parang wala na akong luhang iiiyak pa,parang napagod na ang mga mata ko. Mahirap pala tanggapin,na ang taong minahal at pinag alayan mo ng lahat ay kapatid mo pala. At ang mas masakit pa dun,wala kaming alam ni Papa,ako din ang nasasaktan na naiputan si Papa sa ulo ng asawa nya,asawa nya na ina ko.
"kapatid ko si Seven." ang simple kong sagot at tumingin sa labas. Pakiramdam ko sobrang makasalanan ako kaya binibigyan ako ng Diyos ng mga ganitong problema.
"The fuck? How did that happen? Anong sabi ni Tito Koy?" gulat na sabi ni Eriol at saglit na itinigil ang kotse.
"He's mad. Pero kakausapin daw nya si Cheska." pauna kong sagot. Muling umandar ang sasakyan. "Anak nya na si Seven bago pa nya makilala si Papa. Niloko nya si Papa at ako ang resulta." dagdag ko pa. Hindi na kumibo si Eriol pero pagkalipas ng ilang minuto ay muli syang nagsalita.
"Sinong mga nakaka alam? Anong reaksyon ni Seven?"
Nilingon ko saglit si Eriol na tutok pa din sa pagmamaneho. I can tell him everything,para ko na syang kapatid.
"Si Admeen,si Pepsi. And probably ang buong kumpanya." ani ko. "At kung anong reaksyon ni Seven? I don't know,ibig lang talaga sabihin ay hindi kami pwede. That's why magpapalipat ako sa company ng Papa mo." sabi ko pa.
"Ang gulo. Ibig sabihin,mas matimbang ang pagmamahal mo kay Seven? Eh pano yan,mukhang naghihintay pa din si Admeen bebe?" nakangisi nyang sabi kaya hinampas ko sya.
"Siguro nga mas mahal ko talaga si Seven at nabulag lang ako sa idea na pwedeng dalawa silang mahal ko. Pero ngayon? Kahit pwede na kami ni Admeen ay ayoko,Eriol." ang sabi ko naman. Tutal nag confess na ako,lulubusin ko na,alam ko namang maiintindihan nya ako.
"What do you mean?" ani Eriol.
"Madumi akong bakla,si Pepsi? May nangyayari sa amin. Si Arkin na kasama namin sa kumpanya,nag one night stand kami. Kaya hindi ako deserving ng kahit na sino,wala akong pinagkaiba sa mga bayaran. Ganon na ako ngayon Eriol."
"Hindi naman porket madami kang naka sex ay wala ng dapat magmahal sayo. Kung tunay ka nilang mahal tatanggapin nila iyon ng walang panunumbat. Let say hindi na talaga kayo pwede ni Seven,paano si Admeen? Paano yung ibang nagmamahal sayo? Ganyan talaga ang buhay at nasa atin ito kung paano natin haharapin at iha-handle. Kung talagang ayaw mo,tapatin mo sila." mahaba nyang sabi. Humanga ako kay Eriol dahil doon,parang biglang naisip ko si Ninong Eiko,ganito din ang pinagdaanan nya dati.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]
Художественная прозаBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI - this is the Story of KOY, ang nag iisang anak ni Koy (yung bestfriend ni page). subaybayan nantin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya ;)