EPILOGUE

17.2K 307 68
                                    

"Hala?! Si Kaien yan diba?" ani ko ng mailapag ang meryenda sa lamesita. Nandito ang tropa at nanonood ng Tv.

"Yup. I know na may mararating yan." ani Winona.

"Issue na nga din ang pagiging Montenegro nyan." dagdag ni AB.

"Magaling syang kumanta. Gwapo,maabilidad. But still wala naman saming mga Montenegro ang umaamin na ama o ina nya." ani Brylle at kinain na yung crackers na nilapag ko.

"O baka naman hindi mga tito o tita nya magulang nyo?" ang seryosong sabi ni Seven at inakbayan ako. Its been 5 months mula ng tuluyan kaming magka ayos.

"Nakaka kilabot yung naisip ko. Imposibleng si Lolo." ani Eriol.

"Baliw! Hindi lang kayo ang Montenegro no?! Pwedeng anak sya ng anak ng kapatid ng lolo nyo, 2nd degree cousin,parang si Seven at Admeen ganun!" ang sabi ko naman at nagkibit balikat sya.

"Koy,Seven. Tumawag si Papa nyo,iinum daw sila dito mamaya nina Miles at Byron." ani Mama habang nilalapag yung ibang pulutan.

"Okay yan,Ma." ang sabi ko at tumayo. Sinalang ko yung vcd ng mga videoke habang inaayos naman ni Seven ang sound system at mic.

"Wala pa ba ang iba mga anak?" ani Mama na nakatingin sa ginagawa namin.

"Arkin hindi pwede,may date with his girlfriend. Ewan ko naman kay Pepsi kung ano na balak nun." ang sagot ko naman.

"Exchange of hearts pakihanap! Ako ang kakanta!" ani Brylle at inagaw kay Seven ang mic.

Napabuntong hininga ako. Till now namimiss ko pa din si Admeen. Kung hindi sya nagka brain tumor kasama pa sya namin dito.

"Bakit ka ba nang aagaw? Ako muna! Nothings gonna change my love for you na oh?!" ang pag agaw naman ni Seven ng mic kay Brylle.

"Seriously? Singing contest ba to?" sabi ni Winona na ikinatawa namin.

"Kayo talaga. Maiwan ko muna kayo at magluluto pa ako." ani Mama at tinungo na ang kusina.

"Nasan si Cheena?" tanong ko kay Seven na damang dama na ang pagkanta. Kibit balikat lamang ang sinagot nya sa akin.

Nagchikahan na lamang kami at uminom habang hinihintay ang kanya kanyang turn sa pagkanta.

Hanggang sa natigilan kami ng biglang pumasok sina Pepsi at Adkyn na nag aaway.

"Puro ka reklamo! Napupuno na ako sayo." ani Pepsi at naupo na sa tabi ni Winona.

"Ganyan talaga pag matanda. Madaling mapuno. Bakit hindi nyo na lang ako dalhin sa DSWD?" sagot naman ni Adkyn na padabog na naupo sa pagitan namin ni Seven.

"Hindi pwede! Ayaw ko!" sagot ni Pepsi.

"Ganon pala eh. Edi manahimik ka?! Sino bang baliw na straight na lalaki may gusto ng ganito? Ang ikasal sa kapwa lalaki?" sagot pa din ni Adkyn.

"Sa tingin mo gusto ko? Babae gusto ko. Gusto kong magkapamilya at magka anak. Ang pinapaintindi ko lang sayo ay huwag ka ng makipag away at magpasaway!" gigil na singhal ni Pepsi.

"Ano ba yan? Kung mag aaway lang kayo ay mas mabuting sa labas muna kayo." ang biglang sulpot ni Mama.

"Sorry po Tita." sabay na sabi ng dalawa.

Hindi ko sila maintindihan. Pwede ba yung gusto ng mga magulang nila? Ang ipilit sila sa isa't isa kahit na parehong babae ang gusto nila?

Ganunpaman,nagpatuloy pa din ang aming kasiyahan. Nakakatuwa din si Adkyn dahil sumasayaw pa habang kumakanta,gigil na gigil tuloy sa kanya sina AB at Winona. Ganyan talaga pag teenager hindi pa masyadong nahihiya,hindi gaya ni Pepsi na hindi na maipinta ang pagmumukha.

Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon