Hindi ako nakatulog dahil sa tawag na iyon ni Admeen,napansin ko na lamang na umaga na pala. Parang ayoko na nga lang pumasok sa school dahil hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. Hindi ko nasagot ang tanong nya kagabe,binabaan ko sya ng tawag,at alam kong nasaktan sya dun.
Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam,ang may nasasagasaan,ang may nasasaktan,pero umpisa pa lang ng pagkaka-kilala namin ay alam naman nyang mahal ko si Seven,at ngayong nakamit ko na ang gusto ko,nasaktan ko naman sya.
Pero umpisa pa lang din,sinabi na ni Admeen sayo na mahal ka nya. Kaya huwag kang mag inarte,harapin mo sya.
Yan ang sabi ng kabilang panig ng isipan ko. Haay! Ang gulo,pano na kaya ito?
Napatingin ako sa wall clock, 6AM pasado na, maaga ang first class ko ngayon. Tumayo na ako at tinungo ang banyo para maligo,at ng matapos at makapag bihis na ako ay bumaba na ako para magbreakfast.
"Si Papa po?" tanong ko sa cook namin at matagal ng kasambahay na si Nanay During.
"Naku,kanina pa naka alis,mag agahan ka na,yung allowance mo para sa susunod na linggo ay nasa drawer mo daw." sagot nito sa akin habang pinaghahandaan ako ng pagkain.
"Ganun po ba? Salamat Nay." ang tangi ko na lamang nasabi. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto,kinuha ang pera at sun glass. Hindi ako pwedeng pumasok ng namamaga ang mga mata dahil sa puyat.
Nang makarating sa school ay pinilit kong ibahin ang mood ko,I should be happy dahil ito ang unang araw namin ni Seven bilang magka relasyon.
"Ganyan ka ba pag may iniisip? Halos hindi mo ako napansin." halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa likuran ko. Pagharap ko dito ay si Seven pala.
"S-seven! Pasensya na,iniisip ko lang yung kahapon." ang pilit ang ngiting sabi ko.
"Iniisip mo yon? Ako din. Tara na,hatid na kita sa room mo." ang nakangiting sabi nya. Kinginam! Bakit mas lalo ata syang gumwapo?
"H-ha? Sige." ang sagot ko na lamang. Maglalakad na sana ako pero bigla nyang hinawakan ang kaliwang kamay ko saka inintertwine sa kanang kamay nya. Para akong nakiliti na ewan,gumapang ang bolta-boltaheng kilig sa katawan ko. Tiningnan ko sya pero nginitian at kinindatan lamang nya ako. Parang gusto ko lumundag sa saya. Kakaibang Seven ang kasama ko ngayon.
Habang naglalakad sa covered walk ay kapansin pansin na pinagtitinginan kami. Who wouldnt? Isang bakla,ka holding hands ang isa sa pinaka gwapong estudyante sa university,dating leader ng isang gang,hinahangaan at kinakatakutan,ewan ko na lang kung hindi ka talaga mapalingon.
"I think,kailangan may endearment tayo. Since boyfriend na kita,at ipangangalandakan natin ito sa lahat,dapat mas maging sweet at intimate tayo,at simulan natin yon sa pagkakaroon ng endearment." ang nakangiti nyang sabi ng malapit na kami sa building kung saan ang unang klase ko.
"Kailangan pa ba yon? I mean,pwede na naman siguro ang ganito,Im sure alam na nilang may relasyon tayo,parang nakakahiya naman na tawagin kita sa magiging endearment natin sa harapan ng madaming tao." ang sagot ko at tumigil sa paglalakad.
"Oo kailangan yon. Kumbaga it add zest to the juice. Huwag ka ng pumalag. So dapat pag sinundo kita mamayang break nakaisip ka na. Pahingi ako ng schedule mo,ipapa-photo copy ko." ang nakangiti nyang sabi. Hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin dahil dun. Naisip ko tuloy na baka may iba syang agenda nung mag offer syang maging kami.
"Okay sige,kung yan ang gusto mo." ang sabi ko na lang at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Hintayin mo ako mamayang break. Sige na,nasan na kiss ko?" ang sabi ni Seven ng nasa tapat na kami ng classroom,literal na nanlaki mga mata ko at napanganga.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI - this is the Story of KOY, ang nag iisang anak ni Koy (yung bestfriend ni page). subaybayan nantin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya ;)