06. Change of plan!

22.4K 461 26
                                    

Malapit na mag 7PM,haayst. Dumadalas na talaga pagtakas ko sa tropa at pagsisinungaling kay Papa. Sana lang,may magandang kahinatnan ang pakikibaka ko para makuha ang puso ni Seven. Tagumpay na ako sa step one eh,ang makilala't matandaan nya ako at makasama sya.

Napatingin ako sa phone ko na nagriring. Si Papa,kanina pa yan. Ng tumigil si Papa si Admeen namin tumatawag,nagpupumilit sumama pero kunwari nagalit ako. Tapos ang dami ng text,puro galing kina AB,Winona,Eriol at Brylle.

Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa lumang building. Panigurado nasa rooftop na si Seven. Gusto ko ito ng konti pero hindi todo,mas gusto ko yung makasama sya sa mga lakad ng gang nya yung ganun. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko,parang hindi na ako makalakad ng matino. Iniisip ko kung anong parusa ibibigay nya,ganito ba talaga sa mga gang? Bakit walang nabanggit si Tito Byron?

Ng sa wakas ay narating ko na ang rooftop ay huminga muna ulit ako ng malalim bago buksan ang pinto. Nakita ko syang nakahiga dun sa upuan,unan nya yung isa nyang braso at parang tinitingnan ang mga bituin.

"M-master." pagtawag pansin ko. Agad nya itong narinig at tumayo. Seryosong naglakad palapit sakin. Tumahip na naman ng malakas ang puso ko. Kung may sakit ako sa puso baka bigla na lang atakihin at mamatay.

"Youre 5 minutes late." aniya ng seryoso pa din. Mas lalo talaga syang gwapo pag seryoso,pano na lang kung tumawa at ngumiti pa sya?

"S-sorry Master."

"Tss. Puro sorry." aniya at hinila ako sa may gilid. Akala ko may gagawin sya pero nagulat ako ng pumunta sya sa beranda at parang bababa. Natakot ako baka mahulog sya.

"Sumunod ka sa akin sa baba. Kailangan malinlang ko sya."

"Huh?" malinlang? Sino? Lumapit ako sa beranda. May hagdan na kahoy na nakapatong na sa bakal na hagdan hanggang ibaba.

"May fire exit pala dito?" bulong ko sa sarili at nanginginig na bumaba na din. Tagaktak ang pawis ko pagkababa dahil sa sobrang kaba. Para kaming mga akyat bahay.

"Sumunod ka sa akin." aniya at naglakad palayo. Syet! Likod na pala to ng school. Ang dilim! Siguro dito nya ako isasalvage? Jusko! Kayo na po ang bahala.

Nagmamadaling sinundan ko sya kahit takot na takot na ako. Siguro ito kabayaran ng pambibwisit ko sa kanya? Ang lupet pala ng mga gang. At sobrang lupet nya.

Tumigil sya sa tapat ng isang kubo.

"Pasok." aniya ng lingunin ako. Agad naman akong tumalima.

Paanong nagka kubo dito? Sa bagay ngayon lang ako napunta dito. Shunga ko talaga. Ng makapasok ako ay may sinindihan sya,bigla kasing lumiwanag. Paglingon ko sa likod nabunggo ako. Sya na pala yon.

"M-master,sorry talaga,hindi na po mauulit." parang maluluha na ako.

"Tss. Ilang beses mo ako ginambala sa rooftop Koy?" emotionless na sabi nya habang nakatingin sa akin. Hindi ko na maintindihan kung para san yung kalabog sa dibdib ko. Kinakabahan ba o dahil sobrang lapit nya sa akin? Naamoy ko pa mabango nyang hininga ng magsalita sya.

"T-tatlo po."

"Good. Now,ilabas mo dila mo." aniya na talagang nagpaluwa sa mga mata ko. Hihilahin nya ba dila ko? Syet! My gawd!

"P-po? B-bakit?"

"Ilalabas mo o sapilitan kong ilalabas?"

"Ha? Huwag! Eto na. Aaahh." sabay labas ng dila ko. Kuminang pa nga yung hikaw dahil sa liwanag ng kandila.

"Ang panget ng hikaw mo. Now,close your eyes."

"Hala? Huwag po! Huwag mo hihilahin! Hindi pa masyadong magaling to eh."

Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon