17. Someday

15.5K 213 4
                                    

Its been three weeks ng formal naming tuldukan ni Seven ang kung anong meron kami,three weeks na din ang nakakalipas mula nung may mangyari sa amin ni Admeen sa hospital,muntik pa kaming mahuli ng nurse na nag ra-rounds,mabuti na lang talaga at mabilis kaming natapos,panay na kasi ang katok nito sa pinto.

"Balita ko ilalaban ka daw ng school mo sa dati mong school sa kantahan?" ani Ninong Kurt ng nag aalmusal kami. Masama kong tinitigan si Eriol,sya lang ang sinabihan ko at kung naidaldal na nya ito kina ninong,malamang pati sa tropa.

"Na shock nga ako Pa na marunong pa lang kumanta si Koykoy." nakangising sabi ni Eriol. Sasakalin ko ang gagong ito.

"Lahat naman tayo ay may talento. Kailan ba yan? Baka pwede kaming manood?" nakangiting sabi ni Ninong Eiko.

"Sa Biyernes po. Wala pa nga akong piece na kakantahin." ang sagot ko. Gago kasi mga bago kong kaklase,kumakanta lang ako sa may corridor ng 'Let it Go' ako na agad ang pinagtulungan nilang isali. Oo nga at kumakanta ako,pero hindi ako bilib sa sarili ko.

"Magaling yung panlaban namin Koy kaya magpractice ka na. Lagi daw lumalaban sa mga singing contest yon." ani Eriol.

"Okay lang. For expirience lang naman ang akin. Ang sabi pa ng Dean namin basta daw may representative kami." ang sagot ko naman at nagpatuloy sa pagkain.

"Alam na ba yan ni Papa mo at ni Admeen?" ani Ninong Kurt.

"Hindi pa po. Nahihiya ako eh." ang muli kong sagot. "Basta bahala na po."

Kaya ayon,buong linggo akong nagpapractice. Nakita ko sa Youtube yung Let It Go version ni Regine Velasquez kaya naisipan kong yun na lang ang kantahin.

"Kumakanta ka?" ang gulat na tanong ni Admeen habang magkahawak kamay kaming namamasyal dito sa Park. Kung baduy ito sa iba,pwes para sa akin sobrang romantic.

"Uhm.. Oo? Minsan lang." ang sagot ko naman.

"Bakit ngayon mo lang pinadinig sa akin?" ani Admeen at tumigil sa paglalakad kaya pati ako ay napatigil.

"Nahihiya ako eh! Hindi naman talaga ako kumakanta."

"Kantahan mo na ako bebe! Para malaman ko kung alin ang mas masarap pakinggan,ang pagkanta mo ba o ang pag ungol mo?" nakangisi nyang sabi kaya agad ko syang sinapak sa braso. Hindi ko alam pero dahil sa mga ganon nyang banat,naaalala ko si Seven,si Seven kasi ang nakakapagsalita ng ganon.

"Gago ka! Ganito na lang,manood ka sa Biyernes,may laban ng singing contest ang mga University ng district natin,ako ang representative ng school namin,kalaban ko school nyo." wala na,nasabi ko na. Surprise ko na nga lang dapat yon eh,kaso ito naidaldal ko na.

"Wow! Im so proud of you bebe! Kaya mahal na mahal kita eh. Sige manonood ako at susuportahan kita!" ang masaya nyang sabi at mabilisan akong hinalikan sa labi. Napatingin tuloy ako sa paligid,mabuti na lang at mukhang walang nakapansin.

Pakiramdam ko wala na akong mahihiling pa. Ang sarap sa pakiramdam na nasusuklian ang pagmamahal mo. Pero ayokong maging ipokrito,meron sa kaloob-looban ko na nagsasabing may kulang. Gayunpaman,hindi ko na ito binigyang pansin. Ang mahalaga,nagmamahalan kami ni Admeen at sinusuportahan nya ako.

Huwebes ng gabi,nandito sa bahay ang tropa,tamang inuman lang,pampa goodluck daw para bukas,kaya pinayagan na namin ni Eriol.

"Ang tagal naman ng labidabs mo?" ani Winona.

"May tinatapos pa daw syang project pero try nyang humabol." ang sagot ko at inayos ang pagkakalagay ng pulutan.

"Alam na ba nya?" ani AB habang ngumunguya ng chicharon.

Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon