19. Pagpapalaya!

18.3K 393 18
                                    

Ngayon ko lamang napatunayan na maraming nagbago sa akin,at nagsimula ang lahat ng matuto akong masaktan. Im not like this before,masayahin,mataray,makulit at buhay na buhay ako noon. Pero ngayon ng dahil sa problema ko sa pag ibig,hindi ko na kilala ang sarili ko. Love can really change everything,pwede kang mag bloom,at pwede ka ding mag self distruct,and Im on the later part.

Ayos lang sana kung ako lang ang nasasaktan at masasaktan,ayos lang sana kung mababaw ang pagmamahal ko para sa kanilang dalawa,kaso hindi,napakalalim nito at nahihirapan akong manimbang,tatlo kaming sasabog ang mundo pag nagkamali ako ng desisyon. Pero nakapag isip na ako,at sa mga panahong iyon kasama ko si Admeen,nasasaktan ako na kailangan naming humantong sa ganito,pero para maging tama ang lahat,iindahin ko ang sakit,tatapusin ko na ang paghihirap,and I decided na simulan ito pagkatapos ng graduation ni Seven.

"Sigurado kang pumapayag ka?" ang paninigurado ko kay Admeen habang nandito kami sa isang shop at hinihintay ang tropa. Next week na kasi ang graduation ni Seven.

"Oo naman. Gusto mo samahan pa kita? May pinagsamahan din naman tayo ng mga gang,isa pa gusto kong maayos kami ni Seven." ang nakangiting sagot ni Admeen. Nalungkot ako sa ngiti nya,hanggang kailan sya magpapanggap na wala syang alam?

"Sabi mo yan ah? Matutuwa nito sina Ien." ang sabi ko naman at tiningnan ang phone ko,wala pa kasing ni isang text mula sa tropa. What took them so long? Wala na naman masyadong ginagawa sa school ah?

"Pwede tantanan mo ako Jecca? Pagkatapos ni Seven ako naman? Wala kang mahihita sa akin,hindi porket Montenegro ako ay kamag anak na ako ng mga Montenegro!" pamilyar ang boses nun kaya sabay naming nilingon ni Admeen.

It was Kaien at nakabuntot sa kanya si Jecca. For a long time ngayon ko lang ulit nakita si Jecca.

"No! Hindi naman pagiging Montenegro mo ang habol ko. Gusto lang talaga kita. Tanggap ko ng hindi ako gusto ni Seven,marami akong maling nagawa kaya hindi na ako uulit. Pero ikaw,gusto talaga kita." ang mahinahong sagot ni Jecca.

Naawa ako sa kanya. Bakit humantong sa punto na halos magmakaawa na sya? Oo nga at may ginawa sya sa akin na tatatak habang buhay ngunit hindi ibig sabihin nun ay kakamuhian ko sya,pareho lang kaming nagmahal,sa ibang paraan lang nya ito inilaban.

"Jecca,hindi ka para sa akin. Ayokong maging bastos pero yon ang totoo. Wala akong oras sa pagmamahal,maraming bagay ang mas dapat ko pang unahin,ang problema mo ay ang pag ibig,at ang problema ko ay paano ko bubuhayin ang sarili ko." mahaba at buong pag unawang sabi ni Kaien.

Tinamaan ako sa sinabi ni Kaien,sobra na akong guilty. Ayaw ko ng patagalin pa ang lahat,handa na ako sa gagawin ko. Pag ibig ang pinoproblema ko,pero si Kaien,pag buhay sa pamilya at sarili ang problema nya,at alam ko halos lahat ng tao ay ganon din.

"Bebe? May problema ba?" ani Admeen at hinawakan ang aking dalawang kamay.

"W-wala. Napapaisip lang ako sa mga magiging buhay ko pag natapos na din ako ng college." ang sabi ko at tiningnan ang mga kamay namin.

"Huwag mo masyadong iniisip yon,dadaan pa muna ang dalawang taon bebe." aniya at ngumiti. Ngumiti din ako,sana pagkatapos ng lahat ay maintindihan nila ako,alam kong magtatampo at magagalit sila sa akin,pero paglipas ng panahon ay alam kong maiintindihan din nila ako. Masasaktan sila,pero mas masasaktan ako.

Kung sana hindi ganito kasakit ang magmahal at bumitaw,wala sigurong malulungkot at mabibigo,pero hindi naman kasi teleserye o soap opera ang buhay,nasa riyalidad ako. Ang masakit pa,ang pagmamahalang mayroon kami ay bawal at hindi tanggap sa lipunan. Totoo nga siguro na kahit gaano pa katindi ang pagmamahalan,pero kung pareho kayo ng kasarian ay hindi pwede.

Hanggang sa dumating ang araw ng graduation ni Seven. Maaga pa lamang ay pumunta na kami ni Admeen,niyaya namin ang tropa pero tumanggi sila dahil nga busy na sila.

Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon