Warning : SPG ---
Ewan ko ba,mula ng araw na yon parang nagbago na lahat. Hindi ko na napapansin ang buong gang maliban kina Ien,Ben,Japs at Seven. Tapos parang tinamad na din ako mag gang,tutal naman eh nagawa ko na ang kalahati ng gusto kong mangyari. Saka power level na tong new plan ko diba? He just have to chase me,tulad ng paghabol ko noon sa kanya,he wants my body? Paghirapan nya,dapat mahalin nya muna ako.
"Kilala nyo sila?" tanong ni Eriol samin ni Admeen,sabay turo sa likuran namin. Nandito kami sa cafeteria.
Paglingon namin ni Admeen,sina Japs,Ben at Ien pala.
"Hi dude and Koy,mind if we joined you guys?" nakangiting sabi ni Japs.
"Sure dude,anong atin?" sagot ni Admeen.
"Ay teka,wait lang,Japs,Ien,Ben sila mga tropa namin ni Admeen,sina Eriol,Brylle,Winona at AB." pagpapakilala ko muna sa kanila,polite naman sila sa isa't isa.
"Pwedeng maki tropa na din?" ani Ben.
"Oo naman tol,the more,the merrier!" sagot ni Brylle.
"Salamat!" sabay na sabi nina Ien at Ben.
"Sya nga pala,bakit hindi nyo kasama ang iba?" pagkuway tanong ko. Taka namang napatingin sa akin ang apat.
"Binuwag na ni Seven ang gang,kung anong pumasok sa isip nya,hindi namin alam." sabi ni Japs.
"GANG??!!" - AB,Eriol,Brylle at Winona.
"Kalma lang guys. Okay naman yung gang na yon,hindi katulad sa ibang gang na alam nyo." natatawang pag sita ni Admeen sa apat.
Napanganga ako. Bakit binuwag? Inunahan ba ako ng kulugo dahil balak ko na din umalis sa gang? Kaya hanggang maka alis na silang lahat at nandito na ako sa last class ko ay yon pa din ang iniisip ko. Pero mukhang mas mainam na yon.
"Papa!" masaya kong tawag kay Papa na nasa living room. Nakaupo sa couch at tutok na tutok sa lappy nya. Masaya ako na maaga sya ngayon,at ang gwapo talaga ng Papa ko.
"Oh Koykoy? Maaga ka ngayon nak ah?" nakangiting sabi ni Papa,tumabi ako sa kanya at niyakap ang kanan nyang braso.
"Ikaw din naman Pa maaga. Wala ka bang date?" ani ko at tiningnan yung ginagawa nya sa laptop. Tungkol sa trabaho.
"Parang naaamoy ko na may sasabihin ka ah? Tell me nak,ano yon?" at hinarap ako ni Papa.
"Meron nga po,bakit ang gwapo nyo?" nakangisi kong sabi na ikinatawa nya. Oha! Ang gwapo talaga ng Papa ko. "Seriously Pa,pano mo nasabing nagmamahal ka na? At saka wala ka ba talagang dine-date ngayon?"
"Wala nga akong dine-date. Teka,inlove ka na ba at ganyan ang tanong mo?" seryosong sabi ni Papa habang tinititigan ako.
"Kaya nga ako nagtatanong Pa kung paano mo masasabing mahal mo ang isang tao." nakalabi kong sabi.
"Masasabi mong mahal mo na--" at may nag doorbell! "Ikaw na magbukas anak."
Tumayo na ako at pumunta sa main door. Pagbukas ko ng pinto,nanlaki ang mga mata ko. Sina Ninong Ian,Ninong Page,Ninong Kurt at Ninong Eiko.
"Pasok mga ninong!" at nagbless ako sa kanila isa-isa. Kinamusta nila ako saka sila lumapit kay Papa. Nagpaalam na lang ako na aakyat na ako sa kwarto. Hay! Pag ibig! Tinamaan nga talaga ako.
Kinuha ko na lang ang iPAD ko at nag log in sa facebook. Tadtad ang notification at may mga friend request, kay Admeen,Ben,Ien,Japs at Seven? In-accept ko lahat at pinagla-like lahat ng notification.
Weeeehhhhh my gad! Ini-add nya ako? Im so happy! Makapag palit nga ng Display picture yung mas maaakit sya sa alindog ko!
At may nag chat!
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI - this is the Story of KOY, ang nag iisang anak ni Koy (yung bestfriend ni page). subaybayan nantin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya ;)