Pagkalipas ng ilang araw ay nagpasya akong magsimba. SIYA na lang ang tangi kong malalapitan. Binalak ko na ito pero hindi tumugma sa schedule ko,hindi din kasi madaling maging HR,nakakapagod pero gusto ko ang ginagawa ko.
"Saan mo gustong magsimba?" ang tanong ni Pepsi ng sabihan ko siya.
"Anong simbahan ba ang nagbibigay ng himala? Yung mapapagaling sina Admeen at Seven." ang sagot at tanong ko. Desperado na ako,at hindi ko talaga tanggap ang nangyari sa kanila.
"Koy. Look at me." ani Pepsi,tiningnan ko nga sya. "Tanggapin mo na,dapat mo ng tanggapin. Look at you,kumakain at natutulog ka pa ba? Baka mauna ka pang mamatay sa dalawang iyon!" singhal sa akin ni Pepsi. Agad akong nag iwas ng tingin.
"Magsimba na lang tayo please." ang sabi ko at pinigilan kong maiyak. Tangena,bakit ba ako biglang naging makakalimutin?
"Papunta dito sa garden ang mama mo,kasama sina Seven at Cheena. Gusto mo bang maabutan ka nilang ganyan? Ayusin mo nga ang sarili mo." ang bulong ni Pepsi,agad kong pinunasan ang gilid ng aking mga mata.
"Anak? May lakad ba kayo ni Pepsi?" ani Cheska. Matagal tagal na ding hindi ko sya kinikibo. Napapagod na din akong magpanggap na galit pa din ako. Dahil ang totoo,wala na ang galit ko,nakikita ko kung paano nya alagaan si Seven,at gusto ko ding maranasan at malaman yon.
"Mamaya pa naman po Tita." ani Pepsi at binati sina Seven at Cheena.
"M-magsisimba lang kami." ang sagot ko.
"May alam akong simbahan,subukan nyo dun." nakangiting pag singit ni Cheena. Nginitian ko sya. Hindi na dapat ako maging bitter. Tapos na ang amin ni Seven.
"Talaga? Saan?" ang interesado kong sabi.
"Yan ba yung simbahan kung san tayo nagkakilala?" ani Seven,nakangiting tumango si Cheena. "Nako Koy,maganda dun at sabi nila,lahat daw ng hiling mo basta galing sa puso pwedeng matupad." nakangiting baling sa akin ni Seven.
I smiled at him. Ganon pa din sya,gwapo,matipuno,pero nasa bingit ng kamatayan. Parang si Admeen.
Si Admeen! Kailangan ko siguro syang dalhin sa ospital na yon. Isama ko kaya ang tropa? Wala pa din sa kanila ang nakaka alam ng mga nangyayari.
"Sige. Isasama namin dun si Admeen." ang nakangiti kong sabi,kahit na ang totoo ay naiiyak na naman ako.
"Anak?" ang pagpuna sa akin ni Cheska. Tiningnan ko sya. Muling namuo ang aking mga luha,tinutunaw ng mapang unawa nyang mga mata ang aking puso. At sa isang iglap,niyakap ko sya ng napaka higpit.
"Mama!" sa kauna unahang pagkakataon,tinawag ko syang Mama. Napakasarap sa pakiramdam. Ang higpit ng yakap nya ay para akong isang sanggol.
"Anak ko!"
"Mama! Patawarin nyo po ako sa pagiging matigas ko. Patawarin nyo po ako." siguro ay hindi ko na din kinaya ang sobrang bigat na nararamdaman ko.
"Sshh.. Ayaw ko ng pag usapan yan. Naiintindihan kita,at lagi kitang iintindihin. Pero may mga bagay na dapat mong malama--"
"Oh my God Seven!"
"Tol!"
Hindi na natapos ni Mama ang sasabihin nya dahil sa sigaw nina Cheena at Pepsi. Natumba si Seven sa bermuda grass na nakahawak sa dibdib. Kitang kita sa mga mata nya ang sakit na nararamdaman nya.
"Dalhin na natin sya sa ospital!" ang agad kong sigaw. Nanginginig ako at parang nahihilo. Binuhat ni Pepsi si Seven na dinadaing pa din ang sakit na nararamdaman.
Please lord not now. Nagsisimula pa lang kami. Huwag po muna.
Panay ang iyak nina Mama at Cheena hanggang makapasok sa kotse.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]
Ficción GeneralBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI - this is the Story of KOY, ang nag iisang anak ni Koy (yung bestfriend ni page). subaybayan nantin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya ;)