Chapter nine: Heartbreaking!

14.7K 339 30
                                    

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Parang hindi ko kayang pumasok sa loob. Bakit hindi man lang nya ito sinabi?

Binuksan ni Papa ang pinto,pumasok kaming tatlo. Natutulog si Seven na parang walang sakit. Tiningnan kami ni Cheska,bigla itong tumayo at niyakap si Papa. Ayoko ng nararamdaman ko kaya mas minabuti kong lumapit sa natutulog na si Seven.

"Lalabas muna ako. Mukhang kailangang mag usap ang pamilya mo." ang bulong sa akin ni Pepsi,nadinig ko ding nagpaalam sya kina Papa.

"Gaano na katagal syang may sakit sa puso? Gaano kalala?" ang tanong ko habang tinitingnan si Seven. Bakit kaya ganito? Akala ko ay ayos na ang lahat. Pero hindi pala,mukhang hindi mauubos ang mga pagsubok na dadating.

"Matagal na syang may ganyan,siguro nagsimula nung college sya,ngayon lang lumala." sagot ni Cheska at nilingon ko sila.

"Bakit hindi nya sinabi dati?" mapait kong tanong.

"Dahil natatakot siguro syang isipin ng mga tao na mahina sya." sagot ulit ni Cheska. Ibinalik ko ang tingin kay Seven.

Hindi ka mahina Seven. Napakalakas mo nga,sayo nga ako kumukuha ng lakas dati. Pero bakit mo ito inilihim?

"Ganyan din ang ikinamatay ng Papa nya." biglang sabi ni Cheska. Gumapang ang kilabot sa buong sistema ko.

"At hihintayin nyong mangyari yon sa kanya?" ang galit kong sabi.

"Koy!" suway sa akin ni Papa. Kumalma ako,hindi ako dapat sumigaw baka magising si Seven.

"No,I wont allow that to happen. Humahanap na kami ng paraan. Kailangan na nyang ma operahan sa lalong madaling panahon." umiiyak na sabi ni Cheska. Naawa ako sa kanya,masakit siguro para sa isang ina na magkaroon ng sakit ang anak. Pero masakit din ito sa akin,kapatid ko si Seven,at kahit anong gawin ko,mahal ko pa din sya.

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Cheena. Hindi ako kumibo,naabutan nya kaming tahimik.

"Kung walang mahanap na donor,ako na lang." ang sagot ko at naglakad papunta sa pinto,nilampasan ko si Cheena,ayokong magpaka plastic,nagseselos at naiinggit ako sa kanya.

"Koy! Youre not doing that! Hindi pwede! Hindi ka pwedeng mawala sa akin!" gumaralgal ang boses ni Papa. Napatigil ako sa pagbukas ng pinto.

Tumulo na ang luha ko. Mahal na mahal nga ako ni Papa at sobrang nagsisisi ako sa mga kamaliang nagawa ko na sya ang pumasan.

"Pa. I think this is the only way." ang sabi ko habang humihikbi.

"No! Im not gonna loose you. Hindi kailangang may mawala para may mailigtas. Ikaw ang buhay ko. Ikaw lang ang meron ako anak." sabi ni Papa. Napapikit ako,masakit na nasasaktan si Papa,pero sa tingin ko,ito na lang ang tanging paraan,bilang pagbabayad ko sa aking mga kasalanan.

"Im sorry Pa." binuksan ko ang pinto at lumabas. Napatayo si Pepsi sa kinauupuan nya at agad na lumapit.

"Anong nangyari?" taka nyang tanong habang hinahabol ako. Humihingal kami pareho ng makarating sa parking.

Buo na ang desisyon ko. Ayos lang naman siguro yon para mabayaran ang mga kasalanan ko.

"Ako ang magiging heart donor ni Seven." pagkuway sabi ko ng makasakay na kami sa kotse.

"What? The hell with that! What are you thinking?" galit na baling sa akin ni Pepsi. Hinanda ko na ang sarili ko sa lahat ng galit nila. Kung mawawala man ako,atleast nabuhay si Seven.

"Im thinking the right thing to do." ang sagot ko at pumikit.

"Ano bang akala mo? Ganon lang yon? Mag do-donor ka,makakaligtas at mabubuhay si Seven. Pero ikaw? Mawawala ka sa amin! Mawawala ka sa Papa mo,mawawala ka sa akin at sa mga kaibigan mo! Hindi ganon yon! Youre not gonna do that!" ang galit na galit na sabi ni Pepsi. Napaiyak ako bigla,bakit ganito na ang buhay ko? "Masasaktan kami. Masasaktan ako. Hindi ka dapat nag iisip ng ganyan."

Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon