Napabalikwas ako ng bangon. Pinagpapawisan ako ng malamig at ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa aking dibdib.
"Panaginip lang pala,pero parang totoo." ani ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. I looked at my phone. Quarter to 2AM na. "Makainom nga muna ng tubig."
Sumilip muna ako sa beranda para suminghap ng preskong hangin. Ng tingnan ko ang harap ng gate,I noticed someone. Naiilawan sya ng poste,at ng titigan ko itong mabuti ay kinabahan ako.
Si Seven!
Aatras na sana ako pero bigla syang nag angat ng tingin. Kahit alam kong malayo kami sa isa't isa ay alam ko ding nakatitig sya sa akin.
Umihip ang hangin,at sa isang iglap ay bumuhos ang ulan.
Anong ginagawa nya dito? Baliw ba sya? Baka magkasakit sya nyan!
Hindi ko maintindihan kung bakit sya nandito,ayaw ko din mag assume dahil naranasan ko na ang bunga nito. Pero kung ano mang dahilan nya,hindi naman ako papayag na mapahamak sya dahil sa akin.
Bumalik ako sa kwarto at hinanap ang payong. Nagmamadali ako,parang its a matter of life and death. At ng makita ko na ito ay agad akong bumaba at lumabas.
Pagbukas ko palang ng gate ay bigla na nya akong niyakap. Mahigpit,at kahit malakas ang hangin at ulan ay nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan.
"Anong ginagawa mo dito? Umuwi ka na! Tingnan mo oh? Basang basa ka na." ang sabi ko ng kumalas sa yakap nya,itinaas ko ang payong para pati sya ay mapayungan.
Hinawakan ng dalawang palad nya ang aking mukha. Napapikit ako. Hindi ko alam,pero nasasaktan ako,kumikirot ang dibdib ko.
"Isa pang chance Koy,bigyan mo pa ako ng isang chance. I was so jerk na hinayaan kitang mawala sa akin,huli na ng marealize ko kung ano talaga itong nararamdaman ko sayo." mabigat ang bawat paghinga nya,ang pagtitig nya sa akin ay punong puno ng emosyon. Emosyong hindi ko alam kung kaya kong dalhin.
"Ayoko na Seven." ang panimula ko,hinawakan ko ang mga kamay nyang nakahawak sa aking mukha,ibinaba ko ang mga ito. "Kung noon pa lang sana ay pinahalagahan mo na ang damdamin ko,hindi sana tayo aabot sa ganito." ang dagdag ko pa.
"No! Please dont say that! Natakot lang kasi ako,natakot ako sa nararamdaman ko,ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito. At sa kapwa ko pa lalaki." ang sabi naman nya.
Tinitigan ko ang gwapo nyang mukha. Ang matangos nyang ilong,makapal na kilay at manipis na labi. Hinding hindi ko sya makakalimutan,he was my first,but he wont be the last.
"Kalimutan na natin ang dati. Masaya na ako ngayon Seven." sabi ko at ibinaling sa bahay ang tingin. Bumukas ang ilaw sa kwarto ni Eriol.
"Bakit? Bakit ganon mo na lang kabilis itapon? Chance lang ang hinihingi ko Koy,please naman." his voice cracked. Muli akong napapikit,masakit na makita syang ganito,pero balewala ang sakit na nararamdaman nya ngayon sa mga sakit na naramdaman ko noon.
Pinabayaan kong tumulo ang aking luha. Hindi naman masamang tuluyan ko ng pakawalan ang nararamdaman ko para sa kanya. Para sa ganon ay buo kong maibigay kay Admeen ang aking pagmamahal,pagmamahal na matagal na nyang inaasam.
Sa gitna ng ulan,binitawan ko ang payong. Pinabayaan ko ang sarili kong mabasa. Muli ko syang nilingon. Hindi naman siguro nya mapapansin na lumuluha ako.
"Binigyan na kita ng madaming chance noon Seven." pinigilan ko ang mapahikbi. Gusto kong tapusin ito ng matapang ako.
"Dahil hindi mo na ako mahal? Ngayon mahal na kita babalewalain mo na lang? Tang ina naman. Huwag kang madaya." ang singhal nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI - this is the Story of KOY, ang nag iisang anak ni Koy (yung bestfriend ni page). subaybayan nantin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya ;)