Makalipas ang isang linggo mula ng mailibing si Admeen ay tuloy pa din ang buhay. Aaminin kong lagi ko pa din syang naiisip pero nilalabanan ko ang sarili ko na huwag malungkot,diba nga ang sabi ko lalaban ako?
Muli akong tinanggap ng mga Montenegro sa kumpanya nila na sobrang ipinagpasalamat ko. Itinuon ko ang aking buhay sa aking pamilya,kay Papa,kay Mama,at sa kapatid kong si Seven.
Kapatid. Malapit na akong masanay,and I know eventually na magagawa ko din talagang masanay.
Sa iisang bahay na lang kami naninirahan lahat. Bumalik na sa dating sigla si Seven at ako ang naging saksi sa pagbukadkad ng relasyon nila ni Cheena. Si Cheena na hindi sumuko. Ito naman ang gusto ko nung una diba? Ang makahanap si Seven ng para sa kanya.
"Fancy seeing you here." ani ng isang boses na ikinabigla ko.
"Arkin! Ganyan ka ba talaga? Biglang sumusulpot?" ang natatawa kong sabi. Nandito kasi ako sa grocery,gustong sumama ni Pepsi pero may family gathering sila.
"Well,sayo ko lang sasabihin ito. Isa akong ninja,at nabibilang ako sa Hokage." pabulong nyang sabi na ikinatawa ko. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala talaga sya.
"Sige na. Huwag ka ding maingay,isa ako sa descendant ng Moon Kingdom,ako si Sailor Parallel Moon." ang pagsakay ko sa biro nya,ngumisi sya at tinulak ko na ang cart.
"Thats good! Nakakangiti at nakakatawa ka na ulit. Mas gusto ko yung masayahing Koy. Parang gusto kong iuwi sa bahay." aniya habang sumusunod sa akin.
"Mind you. May sarili akong bahay." nakangiti kong sagot. Hanggang napunta na sa kung saan ang usapan namin,aaminin ko,nalibang ako kasama sya.
"San ka after nito?" aniya ng pumila na ako sa cashier.
"Uuwi muna siguro at magpapahinga. Kailangan makabawi ng katawan ko." ang sagot ko na totoo naman. Feeling ko kasi sobrang na drain ako nitong mga nakaraang linggo.
"Ganon? Kain muna tayo. My treat!" aniya ng matapos na ako sa pamimili. "Ako na magdadala ng mga yan." at wala akong nagawa ng kunin nya ang mga pinamili ko.
"Hindi pa ako gutom Arkin eh."
"I don't take NO for an answer Koy." naka pout nyang sabi. Ang cute lang niya. Hindi mo iisipin na suplado at istrikto sya pag nasa trabaho.
"Okay. Pero Im warning you. Madami akong makakain,baka mamulubi ka." ang nang aasar kong sabi sa kanya.
"That's okay. Para sayo kahit maging taong grasa pa ako." aniya at tumawa kaming dalawa. Naglalakad na kami papunta sa isang restaurant ng may makita kami.
"Oh?! That's Pepsi right? And who's that boy na kasama nya,mukhang wala pa sya sa mood." at itinuro nya ang mga ito.
Si Pepsi naglalakad papunta sa isang shop. May kasamang mas batang lalaki but I can sense na katulad ko sya. Cute nga eh. Pero teka? Akala ko ba may family gathering sila? At bakit sambakol ang pagmumukha nya?
"Oo nga no? Hmm." ang tanging nasabi ko na lang. Bahala sya,malaki na sya. Tsaka ko na lang sya tatanungin pag magkasama ulit kami.
"LQ ata sila." ani Arkin at tumawa kaya pinandilatan ko sya ng mga mata. "Tanggap ko na Koy,uso na yan dito sa Pinas." aniya at tumawa.
"Baliw! Tara na at nagugutom na ako." ang pagyaya ko sa kanya. Imbes na sa restaurant ako pumasok,ay sa Jollibee ako pumasok at sumunod si Arkin.
"Dito talaga?" ang namamangha nyang sabi.
"Yes! Dito talaga. Mura na masarap pa. Now go! Order na! Spageti at cokefloat with fries ang sa akin. Hahanap lang ako ng pwesto." ang sagot ko naman at kinuha na sa kanya ang mga pinamili ko kanina,hindi naman kasi sya octopus na madaming galamay para mabitbit lahat.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI - this is the Story of KOY, ang nag iisang anak ni Koy (yung bestfriend ni page). subaybayan nantin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya ;)