Chapter 32

1 0 0
                                    

Natasha POV

"Mommy asan na po ba tayo kanina pa po nakatakip mata ko gusto ko na po alisin sakit na" malungkot na saad sakin ng anak namin ni Stephen. Ang cute ng baby boy namin.
"Ok baby calm we are here already" sagot naman sakanya ng kanyang ama sabay buhat ni Stephen sa anak namin. Ang cute lang nila tignan.
"Are you ready baby?" Sabi ko kay Claud habang tinitignan sya.
"1 2 3 tadaaaa!" Muling dagdag kong sabi sabay alis ng panyo sa mata ng anak ko. Gulat na gulat sya sa nakikita niya. Binaba naman ito ng kanyang ama.
"Wooooooow ang laking bahay naman to mommy daddy grabe po ang ganda ganda grabe ang yaman ng may ari nento ang daming katulong" sabi ng anak namin habang nililibot ang buong bahay. At habang pinag mamasdan ang mga katulong.
"Welcome to our new house baby boy" nakangiting sabi ni Stephen sa anak namin habang nakangiti sabay akbay sakin.
"Po?!" Gulat na sagot ng anak namin. Ang guwapo talaga ng batang to.
"Bahay na natin to Claud" sagot ko sa anak kong hindi makapaniwala. Hahahahahaha ang pogi pogi ng anak ko nagmana talaga sa ama.
"Bahay na po natin to dad?!" Gulat na gulat pa din ang anak ko. So cute. Lumapit si Stephen dto at inakbayan sya.
"Gusto mong mas maniwala na bahay natin to? Come with me may papakita ako sayo" sabi ng asawa ko sa anak namin.
"Come honey samahan mo kami" dagdag ng asawa ko at sumunod nga ako sknla paakyat ng 2nd flr.
"WOW!" Bungad ng anak namin pagkatapos buksan ni Stephen ang isang napaka laking kuwarto dto sa 2nd flr ng bahay namin.
"This is your room Claud" sabi ni Stephen sa anak namin.
"Dad grabe po ang ganda sobra sobra na po yung ampunin niyo ako tapos binigyan niyo pa po ako ng pagkakataon para makapag aral tapos ngayon naman po napaka laki at gandang kuwarto napaka swerte ko po at kayo ang umampon sakin" maluha luhang sabi ng babyboy namin sabay yakap saming dalawa ng asawa ko. Niyakap naman namin ito pabalik. Biglang lumuhod sa harap ni Claud si Stephen.
"Look son, wag na wag mo ng sasabihin sa ampon ka namin ok? Tandaan mo to. ANAK ka namin ng mommy Tash mo. At ang saya namin at nagkaroon kami ng anak na tulad mo" nakangiting sabi ng asawa ko sa anak namin. Ang sarap lang panoorin nilang dalawa. Natutuwa ako kay Stephen. Tinuturin niya talagang totoong anak si Claud. Natutuwa ako dahil pinapakita niya talaga samin dalawa ni Claud na mahal na mahal na mahal niya kami. Naluluha ako sa nakikita ko. Napaka swerte ko sa napangasawa ko at sa naging anak namin. Hindi ko akalain na magiging ganto ang buhay ko na may asawa at anak. Syempre iba yung feeling na single ka. Pero narealize ko na sobrang saya din apala na magkaroon ng sariling pamilya. Yung feeling na dati hindi ako marunong magluto pero ngayon pinag aaralan ko na kung paano mag luto para maging mabuting asawa at ina ako sa anak ko. This past few days nalulutuan ko na sila. At natutuwa ako dahil naappreciate naman ng mag ama ko ang luto ko. Nakakatuwa yung parang lagi may family day. Nakakatuwa yung may bata kang inaalagaan at hinahatid papasok ng school. Nakakatuwa yung tuwing umaga may inaayusan ako ng neck tie bago sya pumasok. Nakakatuwa yung may dalawang lalaki na bigla bigla na lang dadalaw sakin sa clinic para sunduin. Nakakatuwa yung kasama mo yung asawa at anak mo na mag grocery. Nakakatuwa na bigla bigla na lang may yayakap sa likod mo at magsasabi ng "ILOVEYOU". Nakakatuwa pala na magkaroon ng isang masayang pamilya. Simula nung naging ilaw ako ng tahanan ang daming nag bago sa buhay ko. Kung noon tutok lang ako sa trabaho ko sa mga pasyente ko. Ngayon hati na oras ko. Binabalance ko yung oras ko para sa work at sa family. Hindi ko akalain na magiging ganto kasaya ang lahat. Tinitignan ko pa din silang dalawa. Nakakatuwa. Parehas silang nagkakaintindihan na mag ama. Palibhasa parehas lalaki.
"Hay ang saya ko sobra. Hindi ko na alam kung ano pang saya ang hihilingin ko sa Diyos kung kayo pa lang dalawa sobra sobra na. Sana wag kayo kunin agad agad ng Diyos. Sana masundan ng kapatid si Claud. Sana tumanda kami ng sobra si Stephen para maabutan pa namin apo namin sa anak at magiging anak pa namin. Sana matagal pa na kunin kayo ng Diyos sakin. Pangako ko sa inyong dalawa na magiging mabuting asawa at ina ako. Pangako na aalagaan ko kayo at mamahalin ko kayo ng sobra sobra" sabi ko sa isip ko habang naluluhang nakatingin sa mag ama ko habang nililibot nila ang buong magiging kuwarto ni Claud. Mga ngiti lang nila sobra sobra na.

I love you more than you knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon