Chapter 35

9 0 0
                                    

Stephen POV

"Please Doc do everything just for my wife and to our baby. Please Doc I will pay how much it will cost" kanina kong pagmamakaawa sa Doctora na nag asikaso sa asawa ko. Buntis si Tash. Buntis pala ang asawa ko. Hindi ko alam. Andito ako ngayon duguan ang damit na nag aantay sa labas ng ER para sa asawa ko. Kanina pa kami nandidito. Tinawagan na nila Vincent ang mga kapatid ni Tash. Na panigurado ako pag dating nila alam kong magagalit sila sakin. Wala akong kwentang asawa. Kasalanan ko to. Hindi ko napigilan ang babaeng yun nung sinasaktan niya ang asawa ko.
"WHERE IS TASH?!" Biglang sigaw ni President Khev sakin at kinuwelyuhan ako. Napayuko na lang ako.
"Sinabi mong hindi mo hahayaang masasaktan ang kapatid namin and what now Stephen?!" Dagdag pa ng kuya ni Khev. Hindi ako makasagot kasi totoo naman yung sinabi niya. Pinipigilan na sya nila Kuya Ryan and Dave pati na dn ang daddy ko.
"Anak, hindi din naman ginusto to ni Stephen tama na ayaw ni Tash na may nag aaway tama na Khev" pagipigil ni mommy kay Kuya Khev dahil inakma niyang susuntukin na ako.
"Where is the husband of the patient?" Biglang sabi ng Doctora na lumabas mula sa ER.
"Ako po Doc" sagot ko sa Doctor. Natatakot ako sa pwedeng sabihin ni Doc.
"Im so sorry. Ginawa ko na ang lahat para kay Doctora. The last time na nag pacheck up sya sakin I told her na mag ingat sya. Na wag nya papabayaan ang baby. Noon pa man Sir hindi na po malakas ang kapit ng baby. Hindi din kayang mabuhay ng baby sa loob ng tiyan ni Doctora Natasha. Dahil sobrang baba ng dugo nya. Sinabi ko din sknya na ikamamatay nya ang pag laki ng bata sa loob ng tyan nya. Hindi dn naman mabubuhay ang bata kung isilang man nya to. Wala na akong choice. Hindi ko kinayang iligtas ang bata. Im so sorry. Look. Natasha is sick. Doctora Natasha has chronic leukemia. Malala na ang sakit nya. Kaya di kinaya ng bata sa loob. Ayaw nya sanang sabihin to sa inyo. Sorry kung pinangunahan ko na. But he needs you guys. Sorry to say pero hindi na sya pwedeng mag buntis pa ulit. Sorry" mahabang sabi ng Doctor na kausap ko. Hindi ako nakasagot sa sinabi ng Doctor. Bigla akong napaupo. May sakit ang asawa ko? Alam niyang may sakit sya pero di niya sakin sinabi? Nag papacheck up sya pero di niya sakin sinasabi? May masama na pala siyang karamdaman pero di niya sakin sinasabi? Alam niyang ganun ang kalagayan nila ng anak namin pero bakit hindi niya sakin sinabi? Alam niyang malala na to pero bakit hindi pa din niya sa akin sinabi? Bakit Tash? Bakit? Nagmumukha lang pala akong tanga? Yung asawa ko naghihirap sa sakit nya ng hindi ko alam? Na walang ni isa samin ata ang may alam. Bigla na lang may tumulong luha sa mata ko. Bakit ganon. Tash. Sana naman sinabi mo sakin kaagad. Mag asawa tayo ee. Mag asawa tayo. Naghihirap ka na pero hindi ko pa alam. Tash kakakasal lang natin oh. Wala namang ganyanan. Matagal kong hinintay na makasama ka sa buhay tapos iiwan mo ako kaagad? Tash naman. Chronic leukemia. Hindi lang basta basta pa yung sakit mo. Nawala na nga yung baby natin oh. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Tash ayokong mawalan ng mahal sa buhay. Tama na yung isa lang. Bakit ka nagsinungaling sakin Tash? Sana sinabi mo na kaagad ang lahat para sana natulungan kita. Mag asawa tayo babe. Dapat nag tutulungan. Napaka wala kong kwentang asawa. Ni hindi ko man lang nalaman na may sakit ka na pala. I hate this feeling Tash na parang iiwan mo na naman ako ulit. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sayo.

I love you more than you knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon