Natasha POV
"Daaaaaaaddy" salubong ng anak namin sa amin ng asawa ko. Hindi na nag paconfine ang asawa ko dahil namiss na daw nya ang anak namin. Kaya atat na atat na syang umuwi.
"Daddy namiss ka namin ni mommy" malungkot na sabi ng anak namin kay Stephen habang kalong kalong niya ito. Nakaupo na kami ngayon sa sala. Ang sarap nilang panoorin na mag ama. Bigla ako napangiti habang pinag mamasdan ko silang dalawa.
"Sorry baby ngayon lang umuwi si daddy ha. Namiss ko din naman kayo ng mommy mo baby" nakangiting sagot ni Stephen sa anak namin. Those smile. Parang hindi ko kakayanin na hindi sila makita.
"Babe! Nood tayo nila Claud ng movie sa kuwarto para makarelax ka na dn" nakangiti kong pagyaya sa asawa at anak ko. Dahil sa nangyari kay Stephen parang gusto ko segu segundo magkasama kaming tatlo na masaya at nakangiti. Why I cant explain what I am feeling right now.
"Sure mommy! Then pwede po tabi na ako sa inyo matulog?" Cute na sagot skn ng anak ko. I am so lucky to have you guys in my life.
"Sure baby tabi ka na samin ng daddy mo pag bedtime na" nakangiti kong sagot sa anak ko.
"Yes anak manonood tayo movie dapat may mga foods tayo para mabusog kayo ni mommy dba. What do you like? Pizza? Donut? Chips? Ice cream? Cake? Chicken? What tell me baby boy papadeliver tayo" masayang saad ng asawa ko sa anak namin. Pareho silang nakangiti. Then i felt that pain again."Please God. Wag niyo muna akong kunin. Hindi ko kayang hindi na muli silang makita. Alam ko at ramdam ko. Gusto ng sumuko ng katawan ko sa sakit ko. But please. Please God. Give me some strenght. Im begging you po. I dont want to leave them. Ano po bang kasalanan ko para gawin niyo sakin to. Pinaranas niyo sakin yung sakit noon nung iniwan ano ni Miguel and now this. Pinaramdam mo sakin ang sobrang saya at agad agad mo namang babawiin sakin yun. Hindi po ba ako ppwedeng mabubu pa ng matagal? Ayoko pa pong sumuko. Ayoko pa po iwan ang asawa at anak ko. Muli niyo ngang binuhay ang pinaka mamahal kong tao sa buong mundo. Ngunit unti unti niyo naman akong pinapatay. Unti unti niyong hinahayaan maging mahina ang katawan ko. Pero kung yun ang kapalit para lang muling mabuhay ang asawa ko tatanggapin ko iyon. Pero sana naman po wag naman po sobrang maaga. Nag mamakaawa po ako sa inyo Diyos ko. Ayoko pa pong mag pahinga kahit gustong gusto na ng katawan ko"
Saad ko sa isip ko habang pinagmamasdan ang asawa at anak ko habang sila ay masayang nag tatawanan. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Pero hindi ko alam kung ano pa ang kailangan kong gawin para dinggin ng diyos ang panalangin ko. Kaunti mang panahon na nagkasama sama tayong masaya pero masasabi ko sa sarili ko na kayo ang pinaka magandang bagay na binigay sakin ng Diyos.
BINABASA MO ANG
I love you more than you know
RomantizmI never thought na mangyayari sakin to. Akala ko pang habambuhay na magiging bullshit ang buhay ko. Kahit nasakin na lahat ng pinangangarap ng isang babae para sakin hindi pa din ako kuntento sa kung anong meron ako, dahil iniwan ako noon ng lalakin...