Natasha POV
"Mommy san ka po pupunta? Bilin ni Daddy bago siya umalis nung isang gabi alagaan daw kita wag daw kita paalisin mag isa. Mommy sasamahan kita. Baka magalit si Daddy pag nalaman niyang umalis ka po mag isa" sabi ni Claud na nandidito sa kuwarto namin ngayon ni Stephen. Binilin pala ako ng asawa ko sa anak namin. Niyakap ko ang anak ko. Naiiyak na naman ako. Dalawang araw ng hindi umuuwi ang asawa ko. Hindi siya nag text o tumawag man lang. Nung mga nakaraan naman kaht di ko sya pinapansin tinetext at tinatawagan pa din naman nya ako. Pero kahapon at at nung isang araw wala ni isa. Nasaktan ko si Stephen. Aminado ako dun. And Im ready harapin sya para mag sorry. Gusto kong bumawi sa sarili kong asawa. Kahit nang hihina ako at hindi ko kayang mag lakad ng mag lakad dahil sa feeling ko sobrang pagod ako dahil sa sakit ko pupuntahan ko pa din si Stephen sa office niya. Sigurado ako andun sya. Kakausapin ko ang asawa ko. Yayakapin ko sya. Ibabalita ko sa kanya na nag uundergo na ako ng treatment para sa sakit ko. Namimiss ko na ang asawa ko. Gustong gusto ko na sya makita. Sana mapatawad nya ako sa nagawa ko sknya. Sabik na sabik na akong yakapin sya.
"Mommy wag na po kayo umiyak. Makakasama daw po sa inyo ang pagka lungkot sabi ni Doc" malungkot na sabi sakin na anak ko. Tinignan ko sya. Pinunasan niya ang luha ko. Napaka swerte ko talaga na naging anak ko tong batang to.
"Para sayo baby di na iiyak si mommy" sagot ko sa anak ko sabay halik ko sa noo niya.
"Mommy si daddy hindi pa umuuwi nasaan po sya?" Tanong ng anak ko.
"Busy sa work si daddy ee. Dont worry baby dadalawin ko today si daddy ok? Uuwi na si daddy" sagot ko sa anak ko habang hawak hawak ang kanyang mga pisngi. Tama si Stephen. Tama sya. Kailangan ko lumaban para sa anak namin. Para sa pamilya ko. Pero mas kailangan kong lumaban para saming dalawa. Gusto kong sabihin sa asawa ko na lalaban ako para saming dalawa. Mahal na mahal ko si Stephen. Ayokong mawala ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko bukod sa pamilya at anak ko. Hindi ko alam kung pano siya haharapin. Hindi ko alam kung pano ko siya kakausapin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin yung ginawa ko sakanya. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa asawa ko. Pero kahit hindi ko alam kung paano. Gagawin ko pa rin ang lahat para maka piling na muli siya.
BINABASA MO ANG
I love you more than you know
RomanceI never thought na mangyayari sakin to. Akala ko pang habambuhay na magiging bullshit ang buhay ko. Kahit nasakin na lahat ng pinangangarap ng isang babae para sakin hindi pa din ako kuntento sa kung anong meron ako, dahil iniwan ako noon ng lalakin...