Chapter 17

1.3K 31 8
                                    

>Kath's POV<

Mag-isa akong umuwi kagabi. Paggising ko ngayong umaga wala pa rin si DJ sa tabi ko. Wow ha! Nagpalipas talaga siya ng gabi kasama ang EX niya. Nakalimutan na niya talagang may asawa pa siyang uuwian. Sige! Magsama silang dalawa. Hindi naman ako ang malalagot pagnalaman nina Daddy na nagkikita na sila.

Nagbihis na ako dahil doon nalang ako sa office kakain ng breakfast. Wala naman akong kasama dito sa bahay. Sayang lang ang gas at kuryente na gagamitin ko sa pagluluto.

Pagbaba ko narinig kong may tao sa kusina. Oh my gosh! Wag mo sabihing sa ganito kaaga may magnanakaw na pumasok sa bahay namin. Kinuha ko ang vase sa center table at dahan-dahang humakbang papunta sa kitchen. Ready na sana akong manghampas nang nakita ko ang likod ng lalakeng kagabi ko pa hinihintay. He's setting up the table. Tumalikod ako dahil balak ko sanang umalis na at wag siyang pansinin pero bigla siyang nagsalita sa likod ko.

"Good morning. Bakit may hawak kang vase?" DJ asked me.

"None of your business. Gotta go. Sa office na ako kakain because I have so much work to do." Sagot ko sa kanya na nakatalikod pa rin. Wala akong balak na harapin siya.

"Sayang ang luto ko." He said. I don't know what's his expression pero nahalata ko sa boses niya na nadismaya siya.

"Ipakain mo sa mga street children hindi yan masasayang. Bye." I answered him and then walked toward the door. Wala na akong balak pang pahabain ang pag-uusap namin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na tanungin kung bakit niya nakalimutan ang usapan namin kahapon.

Pagdating ko sa office nagpadeliver ako ng breakfast. I am hungry pero wala akong gana. Wala pa ang secretary ko dahil masyado pang maaga. Padating palang ang mga empleyado sa opisina. Papasok kaya ngayon si DJ? O baka may usapan na naman sila ni Julz.

"Hindi ka mabubusog pag tinititigan mo lang ang pagkain." Ani ng pamilyar na boses na nagpagising sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lang siya saglit at binalik ulit ang tingin ko sa pagkain na pinadeliver ko.

"Dinala ko dito anng breakfast na ginawa ko. Nakakalungkot kasing mag-isa na kumakain sa bahay." Nagsalita ulit si DJ.

"I have my food. I don't need yours. Doon mo yan kainin sa opisina mo." I said to him without giving him a glance.

"Kaya nga kita hinabol dito sa office para sabay tayo magbreakfast tapos papaalisin mo naman ako." Umupo siya sa sofa.

"Kung gusto mong dito kumain sa office ko then fine. Dito ka, doon ako sa office mo." Akmang tatayo na ako bitbit ang pagkain pinadeliver ko nang pigilan niya ako.

"Subukan mong lumabas Chand! Itatapon ko tong mga pagkain!" galit na sabi niya.

"Hindi ako natatakot. Konsensya mo na yan kung itatapon mo ang luto mo. Maraming tao ang nagugutom ngayon tapos ikaw itatapon mo lang." Sabi ko sabay labas ng opisina at dumiretso sa office ni DJ.

Kakarating lang ng secretary ni DJ. Hindi ko siya pinansin. Diretso ako sa loob at umupo sa swivel chair niya at ipinatong ang pagkain na ipinadeliver ko sa table niya.

"Ginagalit mo ba talaga ako Chandria!"

Sumunod pala siya sakin sa office niya. Hindi niya ba masense na ayaw ko siyang makausap, ayaw ko syang makasabay at ayaw kong makita ngayon ang pagmumukha niya dahil galit ako.

"You're here again. So I guess I'll go back na to my own office. Hindi ako makakakain ng maayos dahil sayo. I have work by 8 and I'm so hungry. So please kung pwede lang wag mo na akong susundan." I turn around at naglakad palabas ng opisina niya.

A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon