>Kath’s POV
Last night was one of the best night sa mga gabi na magkasama kami ni DJ. I can’t explain what I feel basta ang alam ko lang eh hindi na normal to.
Kanina pa ako gising pero wala pa ako sa mood para bumangon dahil gust ko pang isipin ang mga nangyari kagabi bago kami umuwi ng bahay. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang iniisip ko ang paghoholding hands namin sa habang naglalakad. Siya pa ang naunang humawak ng kamay ko na ikinabigla ko naman. Bakit ko ba iniisip ang mga ganitong bagay? Dapat hindi ko to iniisip dahil hindi talaga pwede.
Pagtayo ko, nakita ko ang box ng bracelet na binigay kagabi ni DJ sakin. Tiningnan ko ang kamay ko at parang bagay talaga sakin ang napiling bracelet ni DJ. Nakakahiya dahil ako hindi ko man lang naalala tapos wala pa akong regalo sa first monthsary daw namin. Big deal ba yon para samin na hanggang isang daang araw lang naman?
“Chand, ready na ang breakfast baba ka na baka malate tayo sa office.” hindi ko na natapos ang pag-iisip ko sa mga bagay-bagay dahil biglang pumasok si DJ para ayain ako ng breakfast.
“Susunod na ko. Maliligo lang ako promise 5 minutes.” ang ganda ng gising ko kaya nakasmile ako habang kausap siya.
“I know 5 minutes is equivalent to almost an hour.” hindi siya pissed off dahil siguro maganda rin ang gising niya. He laughed at me dahil alam na niyang matagal talaga akong maligo. That’s my routine everyday.
After almost 30 minutes lumabas na ako and few more minutes para magbihis. I know kanina pa naiinip si DJ sa baba pero no choice siya, ganito talaga ako.
“Salamat naman at lumabas ka na. Kanina pa ako naghihintay at kanina pa nanawagan ang mga alaga ko sa loob.” natawa ako sa sinabi niya. Bakit kailangan niya pa akong hintayin eh pwede naman siyang mauna?
“Sorry.” sabi ko sabay nguya ng ham na ulam namin.
Wala kaming pansinan habang nag-aalmusal dahil nagmamadali kaming pareho baka kasi malate kami. Ngayon ko lang nafeel na masarap na masarap pala ang ham na ulam sa agahan? Bakit iba ang lasa ng ham ngayon eh parang every week my ham naman kami sa breakfast ah?
“Enjoying the meal? Ang galing ko talagang magluto napapangiti ka sa sobrang sarap.” natatawang sabi sakin ni DJ. Kanina pa ba siya nakatingin sakin?
“I’m done. Overcook yata kaya nawalan ako ng gana.” sabi ko sabay tayo at diretso sa lababo para magtoothbrush. Hindi naman talaga ako nawalan ng gana kunwari lang kasi nakakhiya na todo ngiti pala ako habang sinusubo ang breakfast na hinanda ni DJ. Ano pa bang kahihiyan ang gagawin ko sa harapan niya?
We are on our way to office. Masaydong tahimik ang paligid namin dalawa. Wala akong maisip na topic kaya sina Julia at Enrique nalang ang naging topic namin.
“Mabait ba si Enrique?” tanong ko kay DJ. Barkada niya yun kaya alam kong kilalang kilala niya si Quen.
“Mabait? May topak yun minsan. Suplado pero cool. Ako lang naman ang matino sa grupo namin eh.” sabi na eh hindi niya talaga makakalimutang purihin ang sarili niya.
“Lahat naman ata kayo may topak. Mukha kasing may tama yung bestfriend ko jan sa bestfriend mo eh.”
“Hindi ko nga rin namalayan na nililigawan na pala ni Enrique si Julia. Siya kasi yung tipo ng lalaki na hindi mahilig magseryoso pero sa nakikita ko ngayon, seryoso siya sa bestfriend mo.”
“Aba dapat lang nuh! Pagpinaiyak niya si Julia ako talaga ang bubugbog sa kanya.”
“Kailangan ko na bang warningan si Quen niyan? Mukhang boxer yata yung makakatapas niya pag nagkataon.” sabi niya sabay tawa at nahawa na rin ako sa tawa niya.
BINABASA MO ANG
A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)
RomanceNaniniwala ba kayo sa kasabihan na the more you hate the more you love? Minsan kasi tadhan na ang nagdidikta na tayo ay para talaga sa isang tao. Akala natin madaling pigilan ang ating nararamdaman pero hindi ito kasing dali ng iniisip mo. Sa loob b...