Hello! Sorry to keep you waiting . I've been so busy. Please have a long patience in waiting for the next Chapters . Few more chaps nalang po ending na. Salamat sa mga positive comments and dms.
>DJ's POV<
"Daniel, where are you? Ikaw na lang ang kulang dito. Nakakahiya naman sa mga Rivera na pinahihintay natin sila!" my Dad is shouting at me over the phone.
Ngayong gabi ang dinner sa bahay naming. Hindi ko kayang siputin sila dahil hindi ko kayang marinig ang desisyon ni Chandria. I can't bear to hear from her that she's letting me go. Ang sakit-sakit na nga ngayong iniisip ko pa lang paano na mamaya kung marinig ko mismo sa bibig niya.
Pinatay ko ang phone. I don't have the courage to go there. I don't want to face the truth that tonight will be the start of my miserable life.
Dati noong pinipilit palang kaming ipakasal ni Chandria sabi ko magiging miserable ang buhay ko sa kanya. But then I'm so wrong, she made my life more than the word happiness could describe. Ngayong gabi pala magsisimula ang sinasabi kong miserableng buhay.
I drank the last bottle of beer. Nakatatlong bote na ako pero hindi pa rin nawawala ang sakit. Gusto kong maging manhid kahit ngayong gabi lang.
My phone rang again, Mommy ko na naman ang tumatawag.
"Anak, hinihintay ka naming. Please come here. Importante tong pag-uusapan natin." Malumanay na pakiusap sa akin ni Mommy. I can't resist her so I drove as fast as I could para lang makarating sa bahay naming.
Sana man lang sa bilis ng pagpapatakbo kong to ay mamatay na lang ako. Pero masamang damu talaga siguro ako at hindi pa ako kinuha ni Lord. Nakarating talaga ako sa bahay namin.
When I entered our house lahat sila ay nasa dining table at nakatingin sa akin except her. Siya ang una-una kong tiningnan pero parang wala siyang napansin. She's pretending that I am not here. My Mom guided me papunta sa upuan na kaharap nug kay Chand. Kahit nasa harap na niya ako ay wala pa rin siyang kibo.
"Daniel, are you drunk?" my Mom asked me.
At dahil sa tanong na'yon ni Mommy ay napatingin siya sa akin.
"So now you're looking at me. Bakit Chand? Concerned ka ban a nagdrive akong nakainom?" tanong ko sa kanya.
"Anak, let's eat muna. Pag-usapan lang natin yan mamaya." Pagpapakalma sa akin ni Mommy.
Chandria's staring at me with no emotion. I can't read her mind and I can't see the love she has for me in her eyes.
"Chand. Please. Sabihin mo naman sa akin na concerned ka. Sabihin mo na ayaw mo akong magdrive na nakainom dahil natatakot kang may mangyaring masama sa akin. Chand. Sabihin mo sa aking mahal mo ako." Hindi ka na napigilan ang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Pinuntahan ko siya at niyakap. Pero tinulak niya lang ako.
"Wag mo namang gawin sa akin to. I am an asshole but please give me a chance to prove that what I feel for you is true." Parang statwa lang si Chand na hindi kumikibo.
"Mom, help me. Convince her na wag niyang ituloy ang annulment. Diba ayaw niyo ni Daddy kay Julz, diba si Chand ang gusto niyo para sakin. Eto na oh, mahal ko na si Chand pero bakit ayaw niyo akong tulungan. " kahit ang mga magulang ko ay naawa na rin samakin. I am too pathetic right now, begging for her not to leave me.
"DJ, lasing ka lang." I stopped when I heard her voice. She's now looking at me. Finally! Napansin na niya ako.
"Chand." Nilapitan ko ulit siya pero tumayo siya at pinigilan akong makalapit pa para yakapin siya.
"Nakausap ko na ang Mommy at Daddy mo. Hindi ko na kayang tapusin pa ang natitirang mga araw ara sa deal natin. I'm flying tomorrow morning sa San Francisco. Napirmahan ko na rin ang annulment papers natin at ibinigay ko na sa Mommy mo. I'm setting you free so please set me free too."
"No! Hindi yan totoo! Hindi ka aalis ng Pilipinas! I am your husband in the eyes of everyone. I will not set you free like what you want!"
"Ano ba DJ! Bobo ka ban a hindi makaintindi? Nakakapagod na nga diba? Nakakapagod na ang mahalin ka. Oo ngayon masasabi mong mahal mo ako tapos sa susunod na araw, buwan, o taon na babalik na naman si Julz, iiwan mo na naman ako diba. Ayoko nang hintayin na amangyari pa yun."
"Get her out of the picture Chand! Ikaw ang mahal ko! Diba eto naman dati ang gusto mo ang mahalin kita pabalik, ngayon na yon oh!Eto na mahal na kita tapos ikaw na naman tong pinapakawalan ako. ANg gulu-gulo na ng sitwasyon natin Chand. Ano ba! Mahal mo ba akong talaga o hindi?"
Lumabas pa rin sa bibig ko ang tanong na ikinakatakot kong tanungin dahil takot akong malaman ang magiging sagot niya. Kahit magsinungaling pa siya na hindi niya ako mahal, ipipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya.
"Mahal kita DJ. But we have this love at the wrong time. Kung pipilitin lang natin na magsama ngayon magkakasakitan lang tayo ng loob. The wound is still fresh in my heart. I need time and I need space. Kailangan mo rin yan. If you really love me, you'll wait for me."
Hinawakan niya ang kamay ko. She's crying and I hate myself for I am the reason again why she's crying.
"If that's what you want. Hahayaan kitang bigyan ang sarili mo ng oras. Pero hindi ko maipapangako sayo na kaya kitang hintayin ng matagal. Susunduin kita sa oras na mamiss kita. I will not let you go when that time will come."
Niyakap ko siya ng mahaigpit at naramdaman ko ang yakap niya pabalik. Pero bigla siyang kumawala sa mga yakap ko.
"I will leave now. I'm sorry."
Tumigil ang mundo ko nang Makita ko siyang nagpapaalam sa Mommy at Daddy ko at sa mga magulang niya. Patuloy lang ang paghikbi ko habang tinitingnan siyang papalabas n gaming bahay. Hindi ako makaalis sa kinatatyuan ko dahil parang nawala ang lahat ng sigla ko.
Hindi kita hahabulin ngayon Chand. Bibigyan kita ng oras. At sana sa susunod na magkita tayo ay mahal mo pa rin ako.
--------------------
May babalikan pa ba si Chand? Last 2 Chapters nalang po.
Tapos na ang Chapter 30. Feel free to comment and please Vote. Thank you. Wait for my next update. 34.3K reads na tayo! Achievement to! Salamat ng marami! God bless us all
*PS. I want to know your reactions. Pwede niyo po bang icomment ang mga nararamdaman niyo while reading? Thank you!
Dont forget to vote.
BINABASA MO ANG
A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)
RomantizmNaniniwala ba kayo sa kasabihan na the more you hate the more you love? Minsan kasi tadhan na ang nagdidikta na tayo ay para talaga sa isang tao. Akala natin madaling pigilan ang ating nararamdaman pero hindi ito kasing dali ng iniisip mo. Sa loob b...