Chapter 25

1.2K 30 10
                                    

Salamat sa mga postive comments niyo. Nakakaflatter. Please continue reading at sana magkaroon pa kayo ng long patience sa paghihintay ng mga next chapters. Enjoy reading!

*flashback*

>Daniel's POV<

"Kath, pinapatawag ka ng Mommy mo. Nasa baba sila ng Daddy mo"

We're studying in my room when my Mom interrupted us. May exam kami bukas kaya magkasama kaming nag-aaral ni Chandy. My bestfriend is too smart kaya ang swerte ko na siya parati ang kasabay kong mag-aral, may napupulot ako kahit paano kaya hindi ako nabobokya sa exam.

"Bababa ka?" tanong ko kay Chand.

"Yes. Nasa baba daw sila. dali Baba tayo." pag-aaya niya sa akin.

Narinig naming nag-uusap silang apat. I heard about our company and arrange marriage pero hindi namin maintindhihan ni Chand ang mga bagay na yun. We're still in highschool kaya hindi kami nakikialam sa mga usapan nila about sa kompanya namin.

"Mom, sinusundo niyo na po ba ako? Hindi pa po kasi kami tapos mag-aral ni DJ." Chandy asked her Mom.

She and her Mom really have the same face. Tita Agot and Chandy have the same structure of face ilong lang yata ni Tito Ariel ang namana ni Chand.

"No baby, we're talking about our company. I just want to check on you kaya pinababa kita. You want something to eat?"

"I want to eat pizza Mom. Pero pwede later nalang after namin ni DJ?" paglalambing ni Chandy sa Mommy niya.

"Yes baby. You can go upstairs na and finish what you're doing."

Inaya ako ni Chand na umakyat. Tatapusin nalang namin ng maaga ang review namin para makasama siya sa Mommy and Daddy niya pauwi.

"DJ, alam mo bang crush ka ni Cheska." sabi niya sa akin habang nagsusulat siya sa notebook niya.

"Who's Cheska?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo kilala si Cheska?" gulat na tanong niya

"Nope. Hindi ako interesado sa mga babae ngayon. I'm too young for that."

"She's the crush ng bayan sa school natin. She's like you, crush ng bayan. I can't believe na hindi mo siya kilala." still, there's a shock on her face.

"Pakilala mo na lang sa akin bukas para makilala ko."

"Ayoko nga. Ang ganda niya kaya. Baka magkagusto ko sa kanya tapos hindi mo na ako papansinin kasi lahat ng oras mo nasa kanya niya."

"Nagseselos ka Chand?" pang-iinis ko sa kanya.

"No." tipid na sagot niya.

"Wag kang mag-alala hindi ako interesado sa kanila. Ikaw lang muna ang paglalaanan ko ng oras ngayon."

"Kikiligin na ba ako?" natatawang sabi ni Chand.

"Hindi kita pinapakilig. Baka kasi mainlove ka sakin pag pinakilig kita."

"Wag kang feeler. Hindi ako maiinlove sayo kahit pumuti man ang uwak." naiinis na siya ngayon. Namumula na ang mga pisngi niya sa inis.

"Mabuti naman hindi rin kasi ako maiinlove sayo."

"Tinatamad na akong mag-aral. Uuwi na ako. Bababa na ako." nagmamaktol na sabi niya at saka lumabas ng pinto.

Hindi pa kami tapos pero uuwi na siya. Hindi ko na siya sinundan kasi parang galit siya ngayon sa akin. Wala naman yata akong nasabing masama. Tinopak na naman siguro.

A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon