>Daniel’s POV<
Isang buwan na kaming kasal ni Chandy. 70days nalang din ang natitira sa deal namin at hindi pa rin nagbabago ang set-up namin. Away dito, away doon, bangayan dito, bangayan doon pero natuto na rin kaming magsorry sa isa’t isa simula nung away namin sa bar ni Enrique.
Parati na rin kaming magkasama papunta sa opisina at pauwi. Kung may mga night out party naman ang barkadahan eh sabay rin kaming pumupunta sa bar ni Enrique. Hindi nga namin namalayan na nagkakadevelopan na rin si Julia at Enrique, Joyce at Kristof, pati rin pala sina Ella at Francis.
Ang bilis ata ang pagdaan ng araw dahil hindi ko maisip na isang buwan na pala kaming nagsasama ni Chandy sa loob ng iisang bahay at parating pinag-aawayan ang maliliit na bagay.
Busy ngayon si Chandy dahil siya ang umaattend sa mga meeting ng investors na galing sa ibang bansa, ako naman ang sa mga local investors. Sa sobrang kabusyhan niya hindi niya siguro namalayan na lunch break na at ginugutom na naman niya ang kanyang sarili.
Simula nung pinag-awayan namin ang tungkol sa pagsabay sa lunch, ako na mismo ang nagreremind sa kanya every morning na sasabay kami sa lunch. Kung may mga biglaang meeting naman kami pinapaalam namin ahead of time para hindi na naman magsisihan kung sino ang nang-injan.
Ako nalang ang pumunta sa office ni Chandy para iremind siya sa lunch namin. I knock three time pero wala pa ring sumasagot kaya binuksan ko na lang ang pinto and there she was sitting at tutuk na tutuk sa mga binabasa niyang reports.
“Don’t tell me you’re on a diet kaya nakalimutan mo na naman na lunch break na.”
“Ay palakang kabayo DJ! Bat ka na naman ba ng gugulat? Hindi ka na naman ba kumatok?” – hinawakan niya ang kanyang dibdib at mukhang nagcoconcentrate talaga siya sa mga binabasa kaya nagulat masyado.
“I knocked three times Chand, walang sumasagot kaya binuksan ko nalang at wala naman ang secretary mo sa labas kaya wala akong mapagtanungan.”
“I’m sorry. Marami kasing paper works na tambak kaya hindi ko namalayan.” – ibinaba niya ang mga binabasa at inayos ang kanyang mesa na parang hindi mo maintindihan kung nagulo ba ng hangin o siya talaga ang gumulo nito.
“Mamaya na yan. Let’s go. Lunch. Gutom na ako.” – i grab her out o the office dahil mukhang wala talaga siyang balak na iwanan ang mesa niya.
Sa kabilang restaurant kami kumain ni Chand dahil punuan ang restaurant na kinakainan namin parati. Habang kumakain kami kinausap ko siya tungkol sa plano ko mamayang gabi.
“Let’s have dinner later.?” – I’m not sure if I’m asking her or it is a command.
“Parati naman tayong nagdidinner sa bahay ah bat ngayon nagtanong ka?” – natatawang niyang sagot sakin. Hindi niya pala nagets? Ibang dinner ang ibig kong sabihin hindi yung usual dinner namin sa bahay.
“No that’s not what I mean. Dinner. Labas tayo Mamaya. Ayaw mo?”
“Why? May something special ba mamaya? Nag-aya ba ang barkada ng dinner date?” – hindi niya ba alam na 1month na kaming kasal ngayon? Why she’s so clueless about this?
“It’s just the two of us Chand, gusto ko lang icelebrate ang ika-30Days ng kasal natin.”
“30 days na pala? Wow ha, hindi ko namalayan na isang buwan na pala ayong kasal?” – tama nga ako hindi nga niya alam na isang buwan na. Sabagay, hindi naman dapat big deal saming dalawa ang mga monthsary na yan dahil wala lang naman to para samin.
“Yes 30 days na parang kelan lang no? So I guess it’s a yes?”
“As if I had a choice. Ha ha ha.” – sabay kaming tumawa dalawa dahil tama nga naman. Wala naman siyang choice kundi ang magdinner mamaya kasama ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/27963040-288-k884120.jpg)
BINABASA MO ANG
A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)
RomanceNaniniwala ba kayo sa kasabihan na the more you hate the more you love? Minsan kasi tadhan na ang nagdidikta na tayo ay para talaga sa isang tao. Akala natin madaling pigilan ang ating nararamdaman pero hindi ito kasing dali ng iniisip mo. Sa loob b...