>Kath's POV<
Sa dalawang buwan na lumipas, naamin ko na talaga sa sarili ko na mahal ko si DJ. Hindi ko na kailangan pang paniwalain ang sarili ko na si Khalil pa rin ang laman ng puso ko dahil ang totoo ay ibang tao na ang tinitibok nito.
Hindi ko nga rin alam kung paano at kailan nagsimula basta alam ko na mahal ko siya. Ilang tanggi ang ginawa ko sa mga kaibigan ko pero sa bawat tanggi ng katotohanang mahal ko siya ay may nararamdaman akong sakit sa aking puso dahil hindi ko man lang maipagsigawan sa kanila na oo mahal ko na si DJ.
Ika-2months namin ngayon. I'm planning to surprise him later sa dinner. Maaga siyang umalis dahil may meeting siya sa office. I pretended last night that I'm not feeling well para hindi ako makapasok ngayon.
Paggising niya kanina ginising niya ako para tanungin kung okay lang ako at papasok ba ako. Nagkunwari ako na hindi pa okay ang pakiramdam ko. Ayaw niya sanang umalis pero pinilit ko siya. Idinahilan ko ang important meeting ng company para pumasok siya. Patawarin ako ng Panginoon dahil nagsinungaling ako pero para naman to sa kanya.
Hindi ko alam kung magiging Masaya ako dahil 2months na kami o malulungkot dahil malipat nang matapos ang pagiging mag-asawa namin ni DJ. Alam ko namang matatapos in to dahil pursigido si DJ na balikan si Julz. Ako lang ang masasaktan kung iisipin ko ang posibleng mangyari.
I prepared everything. Nag grocery ako ng mga lulutuin. Hindi ako marunong magluto pero last week nagpaturo ako kay Mommy at kay Manang Fe. For 1 week three dishes at 1 dessert lang talaga ang natutunan ko. Sabi ko naman kay Mommy okay na yun basta sariling luto ko ang gagawin ko para sa dinner namin ni DJ.
Almost 6 pm na ako matapos. Okay na ang table setting sa garden kaya pumunta ako sa living room para manuod ng movie habang hinihintay si DJ na dumating.
Narinig ko ang makina ng kotse na paparating. I knew it was him. Siya lang naman ang hinihintay ko eh.
Nagkukunwari akong tutok na tutok sa pinapanood nang pumasok siya.
"Hi Chand." He greeted me and kissed my hair.
"Hi. Gutom ka na?" tanong ko sa kanya.
"Yes. I want to go out sana. Let's have dinner outside to celebrate. You know, 2 months na tayo diba." He's adorable smile is showing while he's talking to me. Kinikilig ako pero hindi ko pinapahalata.
"I'm sorry I forgot. Masakit pa ulo ko eh. Pwede pass muna tayo?" pagkukunwari ko sa kanya.
"Don't worry it's okay. Pahinga ka muna ngayon. Let's have it tomorrow." May lungkot sa boses niya pero kunwari hindi ko naramdaman.
"By the way, I need your help. Mag papatulong sana ako na buhatin ang mga plants sa garden. Kanina ko pa gusting buhatin at ayusin kaso I'm not feeling well." I said.
"Hindi ba pwedeng bukas na lang yun? Gabi na Chand."
"Please. Tatlo lang naman yata yun ehh. Hindi mabigat. Promise." I pleaded to him with puppy eyes.
"Okay. Magbibihis lang ako."
"No! I mean, wag na. Okay na yan. Hindi ka madudumihan promise! Halika na!" I grabbed his hand and brought him in the garden.
Pagkakita niya sa ayos ng garden I saw the surprise reaction in his face. Sinet-up ko ang garden na maraming candles and yellow balloons sa ground ng garden.
"Okay lang ba?" I asked him.
"It was awesome Chand. Ikaw nag-ayos nito? Bat nag-effort ka pa. Kaya pala sumama yung pakiramdam mo." He sounds like a worried boyfriend.
BINABASA MO ANG
A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)
Любовные романыNaniniwala ba kayo sa kasabihan na the more you hate the more you love? Minsan kasi tadhan na ang nagdidikta na tayo ay para talaga sa isang tao. Akala natin madaling pigilan ang ating nararamdaman pero hindi ito kasing dali ng iniisip mo. Sa loob b...